Ang Laiya, Batangas ay isa sa mga sikat na tourist attraction sa Pilipinas. Dinarayo ito ng iba't-ibang tao na nasa iba't-ibang estado ng buhay.
Mapa-dayuhan man o mayaman ay makakapagrelaks sila sa isang six storey hotel na itinayo sa lugar na ito.
Ang mga average o mahihirap na tao naman ay p'wedeng magtampisaw sa dagat o mag-videoke na p'wedeng rentahan at ilagay sa naka-reserve na cottage.
Hindi lang ang mapuputing buhangin, napakamaaliwalas na dampi ng hangin sa buong isla, at kulay asul na dagat ang maaaninag mo rito. Mayroon ding mga outdoor activities na p'wede mong gawin.
Dinadagsa ang Laiya Resort tuwing araw man o gabi noon pero umaga na lamang ngayon. Bibihira na ang nagpapalipas sa gabi.
Kung isa ka sa mga taong nakatira roon, panandalian lamang ang kasiyahang mararamdaman mo.
Bakit? Dahil sa isang pangyayaring gumambala sa napakatahimik na lugar na ito. Tatlong dekada ring pinangalagaan ang bayan ng Laiya bilang isa sa atraksyon ng maraming tao na galing pa sa iba't ibang alta-sosyedad.
Isang hindi kilalang babae ang natagpuan sa isang masukal na parte ng Laiya ang tinadtad ng saksak sa buong katawan hanggang sa malagutan ito ng hininga. Walang nakakilala sa babae pero may isang taong nakakita kung paano siya pinatay.
Nguni't walang lakas ng loob na magsuplong sa takot na buhay rin nito ang mawala.
Makalipas ang tatlong taon, isang grupo ang dumayo sa Laiya Resort upang magrelaks at iwanan pansamantala ang buhay sa siyudad.
At sa mga bagong bisitang ito magsisimula ang sunod-sunod na pagpatay.
Walong babae, pitong lalaki.
Sino ang makakaligtas? O may makakaligtas pa kaya sa poot at galit ng misteryosong tao?
Sino ang Babae sa Laiya? Ano ang mayroon sa Laiya?