Walong babae, pitong lalaki. Kilalanin naman natin ang magsisilbing poprotekta sa kanila.
#1. CJ o Carl Joseph Montemayor, 21 years old. Boyfriend at soon to be husband ni Maricar Javier.
#2. Solomon Kurtiz, 20 years old. Babaero at chickboy pero matalino katulad ni CJ. Mukha lang siyang may lahing banyaga pero both families are purely Filipino. Crush ni Joyce Madrigal.
#3.Keith Cordova, 20 years old. Fresh graduate sa DLSU - Cavite. Ang hunk na crush ni Sylvia Monte. Hindi nerd na katulad ni Sylvia. Matalino rin katulad ni Solomon. Iyon nga lang ay nakakalamang si Solomon sa kaniya pagdating sa katalinuhan.
#4. Xander dela Paz, 21 years old. Chinito, pandak, magaling kumanta at mag-drowing.
#5. Xyriel Uen Tan, 23 years old. Half-Chinese/Vietnamese. Writer, composer at nature lover.
#6. Caine Surreal, 21 years old. Funny, but friendly. Proud bakla pero never naging cross dresser.
#7. Arnelle Policarpio, 23 years old. Pinakatahimik sa grupo pero pinakaseryoso pagdating sa trabaho. Pinakalapitin din ng mga boys dahil sa angking katalinuhan at kabaitan nito. Katulad ni Caine, alam na!
Sino ang mananatiling buhay sa Laiya? Hanggang saan kaya nilang protektahan ang kani-kanilang sarili kasama na ang mga kaibigan nilang babae?
Sino ang matitira? Sino ang makakatuklas sa lihim ng Laiya? At sino ang mananatiling buhay?