"Anak, ang mabuti pa magpahinga ka muna. Ako na ang gagawa niyan." Ang sabi ng matandang babae na nasa edad 40 pataas.
"Inay, huwag na po kayong magpumilit. Ako na po ang bahala sa natitirang gawain niyo dito sa resort. Magpahinga na lang po kayo." Ang sabi ng dalaga na nasa edad 25 pababa.
Tinapos ng dalaga ang mga gawain sa kusina at agad na sinunod ang pagtatapon ng basura. Ang hindi niya alam may isang tao palang nagmamasid sa kanya. Isang taong may masamang binabalak. Nakangisi ito. Takam na takam ang mukha. Idagdag pa ang malilibog nitong matang nakatitig sa maumbok na parte ng katawan ng dalaga.
Naitapon na ng dalaga ang basura at babalik na sana sa resort ng bigla na lamang siyang makaramdam ng isang kamay na may panyong itinakip sa kanyang bibig at ilong.
Hindi niya nagawang manlaban dahil malakas ang pagkakatakip ng panyo sa kanyang bibig. Nalanghap niya ang isang nakakahilong bagay na naging sanhi ng unti-unting panghihina ng kanyang katawan. Pagkatapos noon ay nawalan siya ng malay at natumba sa bisig ng isang hindi pamilyar na imahe.
Nagising na lamang ang dalaga ng maamoy niya ang isang kakaibang amoy na nasinghot ng kanyang ilong. Hilong hilo pa siya ng pilit niyang imulat ang talukap ng kanyang mga mata. Nang mabuksan na ang mga ito ay tumambad sa kanyang harapan ang anino ng isang lalaki na may itim na bonnet sa mukha. Tanging mata niya lamang at bibig ang makikita. Papalapit ito sa kanya.
"Si- Sino ka? Saan mo ako dinala?" Ang tanong ng dalaga pero wala itong makuhang sagot sa lalaki.
"Sino ka sabi eh. Huwag na huwag kang lalapit! Ano ba? Bitawan mo ako! Tulong!" Ang sigaw ng dalaga nguni't tila hindi ito pinapakinggan ng lalaki.
Kahit nakatali ang kanyang kamay sa likuran at ang dalawang paa sa harapan ng lubid ay pilit siyang kumakalas. Subalit hindi niya magawa! Sigaw lang siya ng sigaw kahit hindi niya alam kung may makakarinig ba o wala sa kanya.
Mangiyak ngiyak na ang dalaga. Pinagpapawisan. Sobrang takot na ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Uusal pa sana siya ng panalangin ng bigla na lamang siyang lapitan ng lalaki. Hinawakan ang kanyang malulusog na dibdib at sinimulang halikan.
Sa halip na tumugon ay nagawa ng dalaga na kagatin ang labi nito at iniuntog ang kanyang ulo sa ulo ng lalaki. Kahit masakit ay wala siyang maisip na paraan para gumanti rito. Impit na napasigaw ang lalaki at inilayong saglit ang kanyang mukha at lumabas ng lumang kubo.
Nakakita ng pagkakataon ang dalaga na subukan muling tanggalin ang tali sa kanyang likuran. Ikiniskis niya sa poste ang lubid pero hindi pa rin iyon matanggal tanggal.
Ilang sandali ang nakalipas, bumalik ang lalaki at sa pagkakataong iyon mas lalong nagulat ang dalaga ng makita niyang may hawak na itong patalim.
"Maawa ka! Pakawalan mo ako. Ano ba ang kasalanan ko sayo?" Ang nagpupumiglas na pagmamakaawa ng dalaga sa lalaki pero hindi pa rin ito sumasagot. Sa halip, matalim siyang tinitigan at lumapit sa kanya.
Sinampal siya sa mukha. Hindi lang isa, dalawa, kundi limang beses hanggang isang pulang likido ang nalasahan ng dalaga sa kanyang mga labi.
"Na-nakikiusap ako sayo! Parang awa - "
Hindi pa man natapos ng dalaga ang kanyang pagmamakaawa ay isang matulis na bagay ang ibinaon sa kanyang dibdib. Malapit iyon sa kanyang puso. Hindi na niya nagawang sumigaw sa sakit. Sa halip, naramdaman na lamang niya ang basang bagay na dumaloy sa kanyang mukha.
Tumingin siya ulit sa lalaki. Nakangisi pa rin ito. Ngiting demonyo. Nagawa pa niyang ipakita sa kanya ang kutsilyong hawak niya na may tumutulong dugo galing sa kanyang dibdib at dinidilaan. Nilasahan at saka nilunok! Ngumiti ulit ito sa kanya at isang saksak ulit ang iginawad nito sa dalaga. Hindi lang dalawa kundi limang saksak. Hanggang sa tuluyan ng tumigil ang pagtibok ng puso ng dalaga.
Nang maramdaman ng lalaking patay na ang babae, tinanggal niya ang pagkakatali nito. Pinagmasdang maigi ang nakahandusay sa sahig na kabuuan ng dalaga. Tinanggal ang itim na bonnet sa kanyang mukha at pinunasan ang pawis sa kanyang noo.
Makinis. Maputi. Mahaba ang buhok. Dahan-dahan niyang iniangat ang blusa nito sa ibaba. Napakaputi. Napakakinis. Takam na takam ang lalaki sa kanyang nakikita. Hindi pa siya nakontento ay itinuon niya ang kanyang paningin sa malulusog na dibdib nito. Sa halip na hubarin ang damit ng dalaga, ginamit niya ang kutsilyo para mapunit iyon.
Hindi pa man niya napupunit ay naramdaman niya itong gumalaw. Sa takot ay sinaksak niya ulit ito sa iba't-ibang parte ng katawan. Sa tagiliran, sa tiyan, at muli - sa puso. Ibinaon niya ng matagal ang kutsilyo sa puso nito. Idiniin, pinaikot-ikot pa niya ito. Tumalsik ang bawat pulang likido sa kanyang mukha at damit. Maging sa kanyang mga kamay.
Sa pagod ay tumigil siya. Ang kaninang pagnanasang naramdaman niya ay napalitan ng pagkagutom. Kaya, tumayo siya at hinawakan sa dalawang magkabilang kamay ang babae. Hinila niya ito palabas ng lumang kubo.
Dinala niya ang walang buhay na nilalang sa isang masukal na parte ng Laiya at itinapon. Sa huling sandali, tiningnan niya lang iyon. Alam niyang lihim ang lugar na iyon kaya wala ni isa ang makakahanap sa bangkay.
Pabalik na ang lalaki sa kanyang kubo ng marinig niyang nagalit ang langit. Bumigat ang mga ulap. Kumulog at kumidlat!!Bumuhos ang malakas na ulan. Lumakas ang ihip ng hangin.