Maricar's POV
"Tulong!"
Aaaaaaahhhhhh! Ang sigaw ko.
Napabangon ako bigla. Panaginip na naman! Kailan kaya ako tatantanan ng panaginip na iyon!
Gabi na pala. Sa dami kasi ng inasikaso ko kanina ay napagod ako. Dumeretso lang ako sa kwarto para umidlip saglit pero hindi ko namalayan na napahaba na pala ang tulog ko.
Kumusta na kaya ang mga bisita ko? Siguro naman okay sila. Makapag-ayos na nga nang matingnan kung maayos silang inaasikaso roon!
Tatayo palang sana ako ng kama ng bigla akong makaramdam ng lamig. Grrrr! Hindi siya basta-basta lamig lamang. Hindi naman kasi naka on ang aircon ng kwarto ko kaya imposibleng lalamig sa loob. Marahil lamig iyon na nanggagaling sa labas.
Nakita kong nakaawang ang bintana kaya agad kong sinarhan iyon. Isasara ko na sana iyon ng may kakaiba akong naramdamang lamig na naman na dumaan mismo sa likuran ko.
Dahan-dahan akong lumingon pero wala naman akong makita! Iginiya ko pa ang aking mga mata sa buong kwarto pero ni anino ng isang bagay ay wala talaga akong makita.
Ano ba yan Maricar? Guni-guni mo lang yun. Walang multo. Wala!.Ang sabi ng isip ko.
Tulong! Huhu!
Hindi kita lulubayan hangga't hindi mo sinasabi ang katotohanan!
Sino ka?
Ikaw lang ang nakakaalam niyan.
Tulong! Huhu!
Sa takot ko ay bigla akong tumakbo patungo sa pintuan at lumabas. Agad na isinara iyon at napahawak ako sa aking dibdib!
Sino siya? Anong sinasabi niyang hindi niya ako lulubayan?
Mga tanong na biglang bumulabog sa aking isipan!
......
Caine's POV
"Welcome to Laiya!" Ang sabi ko habang nakaharap sa i-phone 5 ko na ginagawan ng video ang bawat moments ko sa lugar na ito.
Aaminin ko, namangha talaga ako sa lugar. Pero bago iyon, naloka naman ako sa mga dinaanan namin. Puno ng saging, niyog, maliliit na tulay, at ilang pre-school at elementary school na ata ang binilang ko bago narating ang napakalayong Laiya na ito. Kalurkey talaga kasi nangawit ang baby pwet ko sa kakaupo. Maging ang long legged white flawless legs ko ay ngawit na ngawit din. Tsk.
Anyway, habang busy ang iba sa pag-aayos, yung iba natulog ulit, yung iba nowhere to be found, heto ako't nagtatampisaw sa malamig na tubig ng dagat.
"Tulong!"
Ano iyon? Ang sabi ng isip ko ng makarinig ako ng sigaw sa di kalayuan. Parang pamilyar ang voice na iyon.
Out of curiosity ay sinadya kong sundan ang tunog na iyon kahit once lang iyon marinig ng baby ears ko. Huwag na kayong kokontra kung puro baby ang description ko sa mga body parts ko! Eh sa gusto ko eh! Paki niyo! Oops! Saree! Maganda lang! Ha-ha.
Going back, ayun na nga sinundan ko na. Chineck ko muna ang G-Shock ko na watch at tama ang hinala kong alas tres na hapon palang. Pero bakit may tulong, tulong aketch na naririnig???
Hmpp! This is a call for Sailor Moon! Again, wag kokontra ha? Kung hindi sasabuyan ko kayo ng whirlwind na buhanging tinatapakan ko.
Grabe ha, ang layo na ng nilakad ko. Buti na lang naka islander slippers ako.
Huwaaag!
Oh my gosh! Si Sylvia Monte? Anong sinisigaw niya? Oh hindi! Sisigaw na sana ako pero naisip kong baka marinig ako ng killer kaya tinakpan ko ang baby mouth. Sa halip na mataranta o di kaya ay humingi ng tulong ay, binuksan ko ang aking iphone5 at kinuhanan ng video ang pangyayari.
Kitang kita ng baby eyes ko kung paano paluin ng basebal bat si Sylvia ng killer. Hindi pa siya nakontento ay binasag niya pa ang mukha nito gamit ang bato.
Gustuhin ko mang humingi ng tulong ay hindi ko magawa. Dala na rin ng takot na baka mahuli ako ng kung sino mang Lucifer na itong mamamatay tao sa aking pinagtataguan.
Wala akong nagawa! Naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng tubig na galing sa aking baby eyes ng matapos ang ginawang krimen kay Sylvia. Nanatili muna ako ng ilang saglit sa pinagtataguan ako. Nang masiguradong wala na ang killer, sinadya kong tingnan ang bangkay ni Sylvia at kinuhanan ng litrato. Pagkatapos nun ay tumakbo na ako pabalik ng resort.
Alas singko na ng hapon ng mga oras na iyon. Malayo na ang tinakbo ko at sigurado akong hindi ako nakita o nasundan ng killer. Pero isa na namang tinig ang aking narinig.
Aaaahhhh!
Hindi ako maaring magkamali! Boses iyon ng crush kong si Solomon! Oh my gosh na naman! Uhaw na uhaw ata ang killer!
Hindi ko alam kung anong kuryente ang pumasok sa mga paa ko para hanapin kung saan nanggagaling ang tinig ni Solomon. Nang madiskubre ang kinaroroonan niya ay laking gulat ko ng makitang dalawa sila ni Julia? Hindeee! Pinutulan ng isang paa ang crush ko! Anong...
Kung susundin ba namin ang gusto mo, hindi mo kami papatayin?
Mga salitang narinig ko galing kay Julia. Nanatili akong nakatago sa likod ng isang malaking puno sa di kalayuan. Nakaupo at pinagmamasdan ang patalon talon na parang bata ang matabang lalaking nakaitim na maskara. Baliw ata ang lalaking iyon.
Sa ikalawang pagkakataon, kinuhan ko na naman ng video ang mga pangyayari na magsisilbing ebidensiya. Kahit masakit sa akin ay pilit akong nagpakatatag!
Sinunod na lamang ni Julia ang utos ng killer na maghalikan sila ni Solomon. Lantang gulay at unti-unti namang nauubusan mg dugo si Solomon. Hanggang sa narinig kong nagalit ang killer dahil hindi niya nagustuhan ang paghalikan nilang dalawa.
Heller? Sino ba namang baliw ang hahalik sa lantang gulay na kaharap mo! Haist...Hanggang sa pinagdikit ng killer ang dalawang nguso nila Solomon at Julia. Pagkatapos...pagkatapos..
Hindi ko na talaga kinaya...Pinugutan silang dalawa ng ulo!
Dahil sa pangyayaring iyon, hindi ko na kinunan pa ang mga sumunod na nangyari. Dahan-dahan akong tumalikod. Wala akong pakialam kong ilang tears na ang nahulog sa aking baby face. Ang mahalaga ay makaalis ako dito at makahingi na ng tulong. Tatlo na ang pinatay! Hihintayim ko pa bang may buhay na naman ang mawala?
Pero bakit parang hindi pareho ang killer? Yung pumatay kay Sylvia, matangkad, medyo patpatin. Tapos yung pumugoy kina Solomon at Julia, mataba?
Ano ba? Sino ang walang pusong killers na iyon?