Ang sarap talagang makatikim ng sariwang dugo ng tao. Hmm... One down 13 more to go. *Devil's laugh*
Sino kaya ang isusunod ko sa kanila? Ang sabi niya habang nakaharap sa labing apat na litrato sa munti nitong kubo.
Alam ko na! Kailangan ko ng dalawang mapapatay. Nangangati na ang kamay ko sa dugo...
......
Magda-dapit-hapon na ay wala ni isang nakaalala o naghanap kay Sylvia maliban na lamang kay Julia Vargas na kanina pang sigaw nang sigaw sa pangalan nito.
"Sylvia! Sylviaaa! Nasaan ka ba?" Inis na inis na sigaw nito.
Sa kasisigaw niya ay narinig siya ni Solomon Kurtiz. Hindi kaila kay Solomon na type niya ang kagaya ni Julia. Kaya nilapitan niya ito na may halong pang-aakit.
Hinubad niya ang kanyang puting sando para ibalandra ang kanyang katawan at upang masilayan ni Julia ang kanyang six pack abs. Sinuot niya rin ang kanyang black ray-ban shades.
"Ang ingay mo naman, Jules."
"Excuse me? Huwag mo nga akong guluhin. Hinahanap ko si -"
"Si Sylvia Monte ba?"
"Nakita mo ba siya?"
"Magsasabi ba ako sa 'yo kung hindi? Ang slow mo naman."
"P'wede ba? Kung may oras kang makipaglokohan sa akin ay huwag ngayon dahil hindi kita papatulan." Tinalikuran ni Julia si Solomon at muling sumigaw sa pangalan ni Sylvia.
"Tsk... Siya na nga itong tinutulungan, siya pa ang galit. Mga babae nga naman. Ang sabihin mo, nahihiya ka lang sa ka-pogian ko!"
"Hoy, Mr. SOLOMON KURTIZ! Alam kong matalino ka at kaya mong paikutin ang isip ng mga kasama nating babae dito pero ibahin mo ako. Hindi ikaw ang tipo ko! Tse. Diyan ka na nga!"
Akmang tatalikod na sana ito, pero pinigilan siya ni Solomon.
"Ganu'n ha?"
Nang mga oras na iyon ay hindi nakapalag si Julia sa higpit ng pagkakayakap ni Solomon sa kaniya. Nakita niyang nakapikit si Solomon habang unti-unting inilalapit nito ang mukha pati ang labing nakanguso pa sa kaniya.
In a matter of minutes ay nahalikan siya ni Solomon nang walang kahirap-hirap. Sinunggaban niya rin iyon pero hindi para tugunin ang halik nito kung hindi ay para kagatin ang labi niya.
"What the?. Aray!" napangiwing sii Solomon.
"Dapat lang sa iyo 'yan. Malandi ka. Akala mo siguro lahat ng babae ay mapapaikot mo't mapapasunod. Nagkamali ka yata sa napili," sarkastikong ngiting inis ni Julia.
Hindi na nakuha pang sumagot ni Solomon, pero kitang kita sa kanyang mga mata ang labis na pagkapahiya. Ngayon lang nangyari sa kanya na may babaeng hindi nagustuhan ang kanyang ginawa.
'Yan ang akala mo, Jules. Kung hindi kita kayang daanin sa santong dasalan, dadaanin kita sa santong paspasan...
Sinundan ni Solomon si Julia at agad hinawakan ang kamay nito. Subalit, isang malutong na sampal naman ang natikman nito sa kanyang pisngi. Sa halip na bitiwan ay lalong hinigpitan pa ni Solomon ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga. Nagpupumiglas si Julia pero hindi niya kinaya ang lakas ng kapit sa kanya ni Solomon.
"Bitiwan mo ako! Ano ba!" pagwawaksi ni Julia sa kamay ni Solomon.
"Not until I keep your mouth shut!" sagot ni Solomon at agad binuhat si Julia na parang bagong kasal.
"Stupid! What are you doing? Let me go! Are you insane?" panununtok at pananampal ng dalaga sa binata.
"Just relax, Jules. I am not going to bite you," tipid na sagot lang ni Solomon. Nginitian pa niya ang dalaga. Patuloy sa pagsusuntok, pagsasampal lang si Julia habang kandong-kandong siya ni Solomon.
Ang hindi nila alam ay may matang nakamasid pala sa kanila.
Nanlilisik.
Takam na takam.
Sinundan nito ng tingin ang papalayong dalaga at binata.
"Anong kahibangan ito, Solomon? Ibaba mo ako!" inis na inis na si Julia na kaagad namang binitiwan ng binata.
"Hep-hep! Hindi ka puwedeng umalis. Malayo na ang narating natin," sarkastikong ngiti ni Solomon.
"I don't care! At saka pakialam ko sa 'yo. Kaano-ano ba kita ha?" sagot ni Julia habang pinapagpag ang mga dumi sa kanyang damit.
"Tumingin ka nga sa paligid mo nang malaman mo kung nasaan tayo? Sa tingin mo ba may makakakita sa atin dito ha?" pananakot ni Solomon.
Iginala naman ni Julia ang kanyang mga mata sa buong paligid. Totoo nga ang sinabi ni Solomon. Mukhang hindi nga pamilyar ang lugar. Malapit na ring magdilim ang paligid.
Habang iginagala ang kaniyang paningin, isang aninong nakaputi at natatakpan ng mahabang buhok ang mukhang papalapit sa kanilang direksyon. Alam niyang nasa modernong panahon na sila at hindi na uso ang mga multo. Kaya ipinikit niya nang bahagya ang kanyang dalawang mata. Umusal siya ng dasal. Kahit natatakot ay muli niyang iminulat ang kanyang mga mata.
"Aaaaaaahhhhhh!!!!" Sigaw ni Julia.
"Uy, anong nangyayari sa 'yo? Para kang nakakita ng multo. Pawisan ka na o! Ako to si Solomon. Kanina ka pa kasi tulala, kaya sa harap mo na ako nagpakita," ngingisi-ngisi pang saad ni Solomon.
Bago pa man magsalita si Julia ay isang tinig na naman ang kanyang narinig pero si Solomon ang unang nakapag-react.
Tulungan ninyo ako! Parang awa niyo na!
"Jules, na-ri-rinig mo ba-ba 'yu-yun??" nauutal na sambit ni Solomon.
"E, ikaw yata ang takot dito sa multo sa ating dalawa. Oo, narinig ko 'yon. Umalis na kaya tayo rito?" sagot naman ni Julia.
"Tara na. Takbo na tayo," sagot naman ni Solomon at agad na hinawakan si Julia sa kamay.
Tulong!Tulungan ninyo ako!
Dinig na dinig pa rin ng dalawa ang papalapit na tinig sa kanila habang sila ay tumatakbo. Sa halip na lingunin ay dere-deretso lang sila sa pagtakbo hanggang sa napasigaw silang pareho sa sakit. Naapakan nila ang isang matulis na bagay na pareho nilang ikinatumba.
"Aaaaahhhhh!" Daing ng dalawa.
"Huli kayo! Ha-ha. Akala niyo matatakasan niyo ako? Kaygandang babae at kay-gwapong lalaki naman ninyong dalawa. Kinikilig ako sa inyo," kinikilig na nanlilisik ang matang sabi ng isang lalaki.
May itim na maskara ito sa mukha. May hawak din itong itak sa kanyang kanang kamay. May mahabang buhok na halatang hindi sinuklay nang maayos.
"Sino ka? Anong kailangan mo sa amin ha?" Asik ni Julia.
"Huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo sasaktan. Basta't susundin niyo lang ang iuutos ko," paalala ng lalaki sa kanila habang hinihimas-himas ang mukha ni Julia.
Pagkatapos ay tumalon-talon pa ito na parang batang aliw na aliw panoorin ang kaniyang mga laruan.
"Stop this nonsense old man! Pakawalan mo kami rito!" Tinaasan ng boses ni Solomon ang lalaki.
"A, gano'n? Hindi ka susunod sa akin? Heto muna ang gagawin ko para sumunod ka!" Hinawakan ng lalaki ang kaliwang paa ni Solomon at itinaas naman niya ang kanyang itak at itinaga sa paa nito. Impit na napasigaw nang pagkalakas-lakas ang binata.
"Aaaaaaahhhhh!" Hiyaw ni Solomon.
"Please, parang awa mo na! Tigilan mo na 'yan!" naiiyak na si Julia habang hawak-hawak ang kamay ni Solomon.
"Ano? Susunod na ba kayo ha?" tanong ng lalaki.
"Ano ba kasi ang ipapagawa mo ha? Kung susundin ka ba namin, maipapangako mo bang hindi mo kami papatayin?" Sigaw ni Julia.
"Hindi ko maipapangako 'yan! Ngayon, halikan mo ang lalaking kasama mo sa harap ko. Hindi ka susunod?" akmang itataas na namang muli ng lalaki ang kanyang itak.
Sumunod si Julia. Hinalikan niya ang walang malay na si Solomon dahil pinutulan na ito ng isang paa. Wala siyang magawa. Alam niyang baliw ang nasa harapan nila ngayon. Wala siyang pagpipilian kung hindi sundin ang sinabi niya.
"Ano ba? Hindi 'yan nakakilig! Mabuti pa siguro ay pagdikitin ko ang mga ulo ninyo," sabik na sabik ang lalaking pagdikitin ang mga ulo nila Julia at Solomon.
Magkadikit ang kanilang mukha at mga labi hanggang sa nanlilisik na nakita ng mga mata ni Julia ang pagtaas ng dalawang kamay ng lalaki sa kanyang itak. Parang palay na tinabas ng lalaki ang kanilang dalawang ulo. Gumulong sa magkabilang direksyon ang mga ulo nina Julia at Solomon. Hindi pa nakontento ang lalaki at pinagtataga niya naman ang mga katawan ng biktima hanggang sa napagod ito at bigla na lamang tumawa nang tumawa.
Ang sarap namang maligo sa dugo. Nakakauhaw talaga. Hi-hi. Ha-ha. He-he.
At patalon-talong itong naglakad pabalik sa kaniyang pinagmulan. Iniwan niya ang mga putol-putol na katawan ng kaniyang mga biktima. Masaya niyang dinidilaan ang talim ng itak na may dugo at nilunok-lunok iyon.