Ang Pagwawakas part 1 Lahat ay nagulat sa biglang pagbukas ng pintuan. Napaatras ang grupo nila She, Van, Joyce, at Arnel sa isang sulok habang si Abie ay nakalapit naman kay Maricar at pilit na ginigising ito. Sina Rahima, Caine, at Keith naman ay natigilan ng makita nila kung sino ang sumira sa pinto. Tumambad sa kanilang harapan si CJ at ang pamilya nito. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang tuwa dahil kompleto ang kanilang papatayin. Nakangiti naman at pumapalakpak ang kapatid ni CJ habang tinuturo-turo at binibilang isa-isa ang kanyang nakikita. Matatalim na tingin naman ang ipinukol ng mag-asawang Fortunato at Merlinda sa lahat habang si CJ ay nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanila. Hindi ko na pala kailangang hanapin ang mapapangasawa ko dahil nakahandusay na pala ito