The Pre-finale Hindi namalayan ni Maricar na sandali pala siyang nakatulog sa kakaiyak. Naalimpungatan lamang siya dahil sa mga huni ng kuliglig at hampas ng hangin sa paligid. Kaya dahan-dahan siyang tumayo para hanapin ang kinaroroonan ni Abie at ng kanyang mga kaibigan. Bago siya umalis sa kanyang kinatatayuan, sumilip siya ulit para tingnan kung naroroon pa ang pamilya ni CJ na mamamatay tao. Pagkasilip niya, kumakain ang mga ito pero wala si CJ. Asan naman kaya nagpunta ang sinungaling s***h killer na yun? Ang tanong ni Maricar sa kanyang isip. Sa halip na manatili pang sumilip ay minabuti ni Maricar na umalis. Dahan-dahan siyang humakbang upang hindi makalikha ng anumang ingay. Nilibot niya ang lumang bahay pero hindi niya makita kung saan dinala sila Abie. Hanggang sa may naki