Unti-unting bumabangon sa harap ni Abie ang walang malay na katawan ni Maricar. Napaatras silang lahat dahil alam nilang may sumaping kaluluwa sa kanyang katawan. Nakayuko pa rin ang ulo ni Maricar habang naglalakad sa kawalan ang kanyang katawan. Pumagitna ito sa pamilya nila CJ na kitang kita sa mga mata ang labis na pagtataka. Dahan-dahang iniangat ni Maricar ang kanyang ulo. Umikot ito sa gawi nila Abie na para bang hindi nasasaktan. Nasa likod ang kanyang ulong nakangiti sa kanila samantalang ang kanyang katawan ay nasa harap. Napatakip na lamang ng bibig si Abie samantalang ang iba ay nakaawang ang bunganga na tila'y naghihintay na mapasukan ng langaw. Ang iba naman ay nanginginig pa sa takot habang ang iba ay blangko ang ekspresyon. Sa modernong panahon kasi bihira na ang nanini