Maricar's POV Pagkatapos ng pangyayaring iyon sa loob ng kwarto ko ay agad akong napaisip. Anong kinalaman ko sa multong iyon? At bakit siya nagpaparamdam sa akin? Hindi kaya? Oh no, baka siya? Napatakip ako bigla ng bibig ko ng may maalala ako three years ago. Marahil siya ang babaeng pinaslang at ibinalita sa buong Pilipinas. Nang maisip ko iyon ay agad kong tinungo ang kusina upang kumuha ng malamig na tubig. Naguguluhan talaga ako ngayon. Habang naglalakad ako ay kapansin-pansin ang nakakabinging katahimikan sa paligid. Nasaan kaya ang mga kasama ni Abie? At si Abie? Palapit ang mga hakbang ko sa kusina ng bigla akong makaramdam ng lamig. Eto na naman ang simoy ng hanging naramdaman ko sa kwarto kanina. Hindi kaya may gusto siyang ipahiwatig. Napatigil akong bigla ng may marinig