Dati nang maliit iyong bahay namin pero pakiramdam ko ay lalong lumiit dahil sa presensiya nina Kenzo at Kiro. Nagsiksikan kami sa hapagkainan kasama ang buo kong pamilya. Napagitnaan ako nilang dalawa at kaharap naman namin ay iyong lima kong mga kapatid kasama si Tingting. Magkatabi sa dulo sina Nanay at Tatay tapos iyong kabilang dulo ay dingding na kaya walang pwedeng maupo. Maliit nga kasi iyong bahay namin kaya sinadya talagang idikit iyong isang bahagi ng mesa namin sa dingding para lumuwag nang kaunti iyong lugar. Kakailanganin namin ng mas malaking mesa kapag narito itong dalawa kong amo pero ang problema ay baka hindi magkasya sa maliit naming bahay. Kaming tatlo lang iyong nasa isang bahagi ng hapagkainan dahil masyadong malalaking tao ang dalawa kong katabi at mahihirapa