"Kiro! Dali, picture-an mo ako rito. Ayusin mo, iyong maganda ako!" Mabilis akong pumwesto sa tabi ng mga sirenang rebulto na parang totoo talaga. Agad namang nakasunod sa'kin si Kiro upang kuhanan ako ng larawan. "Kenzo, huwag kang masyadong lumapit diyan sa buntot baka masali ka sa kuha ni Kiro," saway ko kay Kenzo. Umirap muna ito bago lumayo sa buntot ng sirena at tumabi kay Kiro. "Kiro, ang lamya mo kumuha ng picture! Ano ba iyan...walang ka-effort-effort," nagrereklamo kong sabi at lumapit sa kanya upang tingnan ang mga kuha niya. "Bakit di ako maganda sa kuhang ito? Mukha akong isda sa tabi ng sirena," lukot ang mukha kong reklamo. Naninisi kong sinimangutan si Kiro dahil kasalanan niya talaga kapag pangit ako sa kuhang larawan. "Ulitin na lang natin, balik ka ulit doon," n