Sa ilang araw naming pamamalagi sa Isla Puting Baybay ay nalibot namin ang buong isla at sulit bawat araw ng pamamasyal namin. At syempre, sulit din bawat gabing pinagsaluhan namin... minsan nga kahit sa katirikan ng araw ay di paaawat ang dalawa kong kasama kaya heto, gandang-ganda ako sa'king sarili. Sa buong durasyon ng bakasyon namin ay pinadama nila sa'kin kung gaano ako kaswerte sa kanilang dalawa. Nakakapagod man ang byahe pauwi ay sulit naman at kung sakaling mabigyan ulit ng pagkakataon ay gusto kong isama roon ang buo kong pamilya pati na rin iyong mga kasamahan namin dito sa bahay. Unang sumalubong kanina pagdating namin ay si Julienne at masaya kaming nagkwentuhan tungkol sa mga nakita at mga karanasan ko sa isla pero syempre di ko sinali iyong mga rated spg kasama ang kamb