"What are you doing here?" Mula kay Ma'am Joy ay nabaling ang tingin ko kay Kenzo nang bigla ay masungit itong nagtanong. Walang emosyon iyong mukha pero ramdam ko ang disgusto nito sa presensiya ni Ma'am Joy. Hula ko ay may malaking kasalanang nagawa itong si Ma'am Joy rito kay Kenzo kasi palagi mainit ang dugo ng huli rito sa babae. Wala naman akong maalalang dapat ay ikagalit ni Kenzo kay Ma'am Joy. Dapat nga ay iyong huli pa ang magtatampo dahil bigla ba namang tinanggal sa pagiging tutor ko dahil lang sumagot-sagot in English. Iyon lang ang nakita kong maaaring nagpatopak kay Kenzo, iyong pa-english-english na sagot ni Ma'am Joy. Ayaw siguro ni Kenzo na umi-english ka na may aksint na katulad doon sa mga sosyal na tsismosa sa toktik. "Hello, Kenzo," malaki ang pagkakangiting