SWB4

1611 Words
Chapter 4 Isang buwan ang lumipas ay nanatiling sweet ang lalaki sa kanya, maliban sa akbay at halik nito ay wala naman itong nilalabag sa batas niya. Araw araw may pa flower si sir. At sympre di siya nakakaligtas sa panunudyo ng mga katrabaho at kaibigan ng lalaki. "Hi Venice, si Kristan?" Untag ni Yael sa kanya. "Mag aaya kana naman na gumala? Oras kaya ng trabaho." Nakasimangot kung sita dito. "Grabe siya, mapagbintang di ko na nga niyayaya na mag bar si Kristan e kasi nagagalit ka." Sabi nito. Lihim siyang napangiwi, nagalit kasi siya ng minsan e sumama si Kristan na mag bar ng di nagpaalam sa kanya. Di niya ito pinansin ng boung araw, kaya simula nun ay nagpapaalam na ito. Asawa lang ang peg kahit wala naman sila. Di na ito nagtatanong sa kanya kung kailan niya ito sasagotin. Balak na naman kasi niyang sagutin ito hinihintay niya lang na magtanong ito. "Wala naman akong karapatang magalit, nanliligaw palang naman siya e." Sabi ko dito. "Sus, i kwento mo sa pagong. So kailan mo siya sasagutin?" Tanong nito, nag iwas siya ng tingin dito. "Kung kailan niya gustong sagutin." Sabi ko nalang. "Sus, kaya naman pala malakas ang loob na manghalik e. Ayee." Sabi nito na akmang tutusokin ang beywang ko upang kilitiin. "Get out!" Napaigtad silang pareho ng marinig ang galit na boses ni Kristan. "Ako ba?" Naisatinig niya na itinuro pa ang kanyang sarili. "No, si Yael lang. Pumasok ka sa office ko." Sabi nito sa akin. Nakangisi naman ang abnormal na kaibigan nito. "Ikaw kasi e." Paninisi ko dito. "Himas himasin mo lang, jelly jelly lang yang hilaw mong nobyo. Mas effective pampawala ng init ng ulo kung yumakap yakap ka sa kanya." Sabi pa nito. "Ewan ko sayo," sabi ko na iniwan na ang lalaki. Baka mamaya ma last day pa siya. Kumatok muna siya bago pumasok sa silid nito. "M-may ipapagawa po ba kayo si-- este Kristan?" Tanong ko dito. May parusa siya pag mag sir siya dito, di pa naman siya napaparusahan ngunit alam na niya kung ano ang parusa. "Type mo ba si Yael?" Seryusong tanong nito sa kanya. "Hindi no, may iba na naman akong gusto-" natigilan siya ng mapansing maibubuko na niya ang kanyang sarili. "At sino naman yun?" Kunot ang noo na tanong nito. Mukhang wala pa yatang ideya ang lalaki na unti unti na nitong napasok ang kanyang puso. "Kuwan, basta di mo kilala." Sabi ko nalang. Gusto niyang sabihin na sobrang kilala nito ang sinasabi niya. Lumapit siya dito at dinampot ang nahulog na mga papel sa sahig. Hinapit siya nito sa beywang dahilan upang mapaupo siya sa mismong kandungan nito. "Kristan!" Saway niya dito. "Anong regalo mo bukas sa akin?" Tanong nito sa kanya. Birthday nito bukas kaya nakapag ayos na siya ng regalo para dito. Di niya alam kung ano ang hilig nito kaya naman ay si Rica ang pinabili niya ng pang regalo dito. Ricardo sa totoong buhay, ito ang head ng finance depertment na madalas niyang ka chickahan dahil madalas itong i meet ni Kristan para sa mga financial talks. "Oo nakabili na ako." sabi ko. "Im tired!" reklamo nito. Gusto niyang sabihin na 'I'm tired din po Sir.' Pero dahil isa lang siyang hamak na empleyado ay wala siyang karapatang magreklamo sa pagod. Pang mayaman lang ang pagod pag mahirap kayod ng kayod lang. "A-ano po ang ipapagawa nyo?" tanong nya dito. "Just let me hug you para ma stretch naman ang mga kalamnan ko." sabi nito. Bago pa man ako nakapag protesta ay nagawa na siya nitong yakapin. Nakatayo lang sila na tila ba ay ninanamnam ang mga sandaling magkayakap silang dalawa. Nung una ay pumapalag siya kalaunan ay tila normal nalang ang ganun. "Mahigpit ba ang yakap ko?" maya maya ay tanong nito sa kanya. "H-hindi naman." sagot ko. Nanatili ang ganung posisyon namin hanggang sa maramdaman ko ang tila tumutusok sa kanyang puson. "Ano yun?" nagtataka kung tanong dito. "Ang alin?" tanong nito na tila ayaw siyang bitawan. "Ang matigas na tumutusok sa puson ko." sabi ko pa. Tumawa ito sa kanya at iniangat ang kanyang baba. Kinintalan nito ng masuyong halik ang kanyang pisngi. "Run outside now my Venice. You wake up the monster down below." sabi nito na ininguso ang ibabang bahagi ng katawan nito. Napasunod naman ang kanyang tingin sa bahaging ininguso nito. Napaawang ang kanyang mga labi ng mapuna kung ano ang ininguso nito. "Pervert!" inis kung sumbat dito sabay layas sa harap nito. Tila na curious siya kung ano ang laman nun para maging ganun katigas. Di naman siya kasing inosenti na kagaya ng iniisip ng iba ngunit alam niya kung ano ang kayang gawin ng matigas na bagay na iyon. Nang lunch time ay sa labas siya kumain kasama si Rica. May ka lunch meeting kasi ito, dahil kung walang ganun ay silang dalawa ang magkasalo sa tanghalian. May baon siya palaging pagkain, minsan nahihiya siyang makisabay sa boss niya ngunit wala naman siyang magagawa dahil yun ang gusto nito. "Spam for today, iba talaga pag mahal." nakangising biro ni Rica sa kanya ng buksan na nila ang baon niya. Dala ni Kristan yun kanina na iniabot sa kanya. Ang talagang baon niya ay dalawang hiwa na isdang tulingan. "Hoy, madinig ka ng iba." saway ko dito. "Dinig na namin, tsaka alam naman namin ang tungkol sa inyo ni Sir. Kaloka to ang sweet nyo kaya ni Sir." si Miss Guada. Taga kabilang department at madalas nilang kasabay na kumain. "Iba talaga magmahal si Sir, tusok na tusok at baon na baon. Ayeee." panunusko nito. Ngunit bakit ganun iba ang dating ng sinabi nito sa kanya. Parang naging double meaning naging green na ata ang paligid. "Heh tigilan nyo nga ako. Kumain nalang tayo baka malate pa tayo." sabi ko nalang. "Ano ang regalo niyo kay Sir bukas?" tanong ni Yuna na nakatanghod na, mukhang busog na busog. "Ako nakabili na, sana lang ma apreciate ni sir, todo effort ko pa naman." sabi ni Kring. "Wui Rica, nabili mo naba yung pinapabili ko?" tanong ko kay Rica. Ngumiti ito sa kanya at tila proud na proud na tumango. "Yes bebe, tiyak na matutuwa si Sir sa regalo mo, special yun kasi galing sa pakipot mong puso." sabi pa nito. "Ano bang pinabili mong regalo Miss. Venice?" usisa ni Bianca. Napangiwi ako kasi wala naman din akong ideya kung anong regalo ang binili ni bakla. "Lahat na kasi nasa kanya na e, di ko alam kung ano ang ireregalo ko kaya sa kanya ko ipinabili." sabi ko na itinuro si Bakla. "Sus, I love you mo lang sapat na." biro pa ni Trivor. "Naku kayo talaga, sige na balik na tayo para naman matapos ko na ang report ko." sabi ko sa mga ito, iwas iwas sa mga panunukso. "Send me some coffee love." dinig niyang sabi nito sa may intercom. Di niya napigilan ang kilig na naramdaman dahil sa sinabi nito. Nauna na pala ito sa opisina, maaga pa naman ang balik niya mula sa breaktime. Tiyak napanood na naman nito ang cctv footage sa may working area niya kaya nalaman nitong dumating na siya. Dali dali siyang nagtempla ng kape nito. At kaagad na dinala sa loob ng opisina nito. Pagpasok niya ay namataan niya itong nakasandal sa swivel chair nito na nakapikit at hinihilot hilot ang ulo nito. Di niya mapigilang di maawa sa lalaki, lalo na nitong mga nakaraang araw na halos lagi itong Overtime. Marami ang mga incoming project na minomonitor nito sa ngayon. Kaya naman alam niyang pagod na pagod ito. "Here's your coffee sir." sabi ko na inilapag ang kape nito sa mismong table nito. Di ito tuminag at nanatiling nakapikit at minamasahe ang ulo. Out of awa ay lumapit siya dito at inalis ang kamay nito na humihilot sa may ulo nito. Nagtataka naman itong napadilat, nginitian niya lang ito at siya na ang nagtuloy sa ginagawa nito kanina. "You should rest sometime." sabi ko dito. "Next week magbabakasyon tayo." sabi nito. "Di naman kailangan na bakasyon, pwede naman na mag spend ng isa o dalawang araw na matulog lang." sabi ko dito, at least wala pang gastos yun maipapahinga ang isip sa mga alalahanin sa buhay. "Okay, I will do that basta katabi kita sa pagtulog. Deal?" sabi nito na ikinapatda niya. Nadamay pa tuloy siya sa kanyang suggestion. "Di naman ako pagod, ikaw nalang ang matulog." sabi ko dito na nakangiwi. "Matutulog ako basta katabi ka." sabi nito. "Joker ka talaga." pilit siyang tumawa kahit na nag rarambulan ang kanyang dibdib. Lakas ng trip nito sa buhay, naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang kamay. Inikot siya nito upang mapunta sa harap nito. "Your hands do magic Love, na maging ang alaga ko ay nagigising mo na. Tsss go outside now baka makalimot ako." sabi nito, nagulat pa siya ng halikan siya ng mabilis sa labi. That's first dati kasi ay kontento na ito sa pahalik sa pisngi lang. Nang tingnan ko ang mukha nito ay tila inaarok ang kanyang isip. Nang marealize ang sinabi nito ay dali dali siyang tumayo at napaiwas ng tingin dito. "L-lalabas na ako." nakita niya ang pag ngisi nito. Dali dali siyang lumayo dito at mabilis niyang binagtas ang pinto. Tila naghahabolang kabayo ang kanyang dibdib sa sobrang kaba na kanyang nadarama sa mga oras na iyon. Kinakabahan siya para sa kanyang sarili na baka kung naisin nito na angkinin siya ay pumayag nalang siya bigla. Alam ko naman ang nais nitong ipahiwatig sa sinabi nito. Gusto niya na itong sagutin ngunit ang inaalala niya ay paano kung gustohin nitong angkinin sya tiyak finish ka talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD