Chapter 5
Araw ng kaarawan ni Kristan kaya naman ay maaga siyang gumising. Tinext na din niya si Rica baka makalimutan nito ang pinabili niyang regalo para sa boss niya. Ang alam niya may buffet mamaya sa office kaya malamang ay nandun ang kakambal nito.
She meet him once, pero alam niyang di ito ang boss niya unang kita palang. Unlike sa ibang tao na di malalaman kung sino si Kristan at sino so Tristan. Mabait naman ang lalaki kaya lang syempre distant lang kasi di naman sila close. Manliligaw niya palang naman ang kakambal nito.
Llxm jskioxilcci
"Good morning Miss Venice!" bati ni Tilly na sa kabilang department lang.
"Good morning din Tilly." sabi ko dito na akmang papasok na sa cubicle niya ng muling bumukas ang pinto. Iniluwa ang kanilang boss na may kasamang maganda at sexy na babae.
Di niya maipaliwanag ang sakit na kanyang nadama ng makita ang dalawa. Alam niyang naninibugho na siya, pero wala siyang magagawa. Marahil ay napagod na ito sa kakahintay kung kailan niya ito sasagutin.
"Good morning Sir. Happy birthday po!" bati ng mga empleyado. Siya kasi parang iiyak na siya sa sobrang selos, ito ang kauna unahang pagkakataon na naramdaman niya ang ganung pakiramdam. Nakakapanlumo dahil kung kailan balak na niya itong sagutin ay Saka naman ito nagsawang nagtanong.
Di niya ito kayang harapin kaya umiwas siya sa dadaanan nito. Gusto niyang umuwe nalang at magkunwaring masama ang pakiramdam pwede naman yata yun. Dahil sumama naman ang kanyang pakiramdam ng makita itong may kasamang iba.
Nakasunod ang Tingin niya sa dalawang bulto na nagtatawanan pa papalabas.
"Ang sakit no?" si Kring na kinalabit ako. Di siya sumagot at baka maiyak siya nalang bigla, nagkibit balikat Lang siya.
"Ano ba kasi ang score sa pagitan nyo ni Sir?" Isisa ni Tilly na lumapit na.
"Nanliligaw siya sakin. Balik na nga tayo sa trabaho." malungkot kung Sabi. Pilit kung pinasigla ang aking tinig, di niya ito papansinin maghapon o hanggang bukas. Mag momove on siya ng kusa Kahit walang sila, di naman siya pwedeng mag resign pa dahil bago palang siya. Apat na buwan palang ang stay nya sa kompanya.
"Bakit kasi di mo sinagot agad?" tila naninising sabi ni Rica.
"Matagal ko na sana siyang sasagutin kaya lang di na naman siya nagtanong uli e." sabi ko.
"Sus, yun naman pala e. Again mong magmotel kayo para magets ni Sir." si Kring na ikinamulagat ko. Walang Wala sa isip niya ang mga ganung moves, masyado ng advance ang ganun.
"Kring naman e di ako ganun, virgin island pa ako." nakangusong sabi ko dito.
"Pag selosin mo kaya? ganti ganti din pag may time." si Ate Maria na nakiusyuso.
"Balik na tayo sa work guys." Sabi ko na hinarap ang mga kakabantay sa ibabaw ng table. Wala itong flowers sa araw na ito kaya lalo siyang na hurt mukhang di na ito manliligaw pa.
Totok na totok siya sa kanyang ginagawa ng mag announce na pumunta na ang lahat ng employees sa baba. malamang ay para sa celebration ng birthday nito ang dahilan ng pagpapababa.
"Tara na Madam, ito na ang gift mo." sabi ni Rica na iniabot sa kanya ang paperbag. Inalog niya kasi medyo mabigat.
"Ano to perfume?" tanong ko. Sabagay one thousand five hundred ang ibinigay kung pera rito.
"Secret, basta sagutin mo na agad. Mas may karapatan ka kaysa dun sa Babaeta na yun." Sabi nito na Inakay ako patayo.
"Parang ayaw ko na nga ibigay to e. Bahala siya sa buhay niya." nakasimangot kung sabi dito.
"Uy wag ganun, kailangan maibigay mo yan Kay lover boy deserve nyang sumaya today. " maarteng sabi pa nito.
Curious siya kung ano ba ang laman ng regalo niya para sa lalaki. First time niyang Mag regalo sa lalaki, tapos di pa siya ang pumili.
Pagbungad nila at kompleto ang mga Barkada nito. Halos di magkandaugaga ang mga babaeng population ng opisina maliban sa kanya na naiinis sa lalaki.
Di man lang siya tinapunan ng sulyap gayong nagpaganda pa naman siya para sa birthday nito. Lalo siyang naghimutok ng maalala ang babaeng kasama nito kanina, nakita niya ang paglapit ni Jhai sa kanya.
"Hi Mrs. Sanford!" bati nito sa kanya na sinamaan niya ng tingin.
"Venice ang pangalan ko," inis kung pagtatama dito.
"Birthday ni mylabs mo high blood ka, naku masamang pangitain ito. Lq sa araw ng birthday, wow pero may regalo. " sabi nito nagulat nalang siya ng hablutin nito ang hawak niyang paperbag at itakbo papunta sa amo niyang abala na sa mga kaibigan.
Di na niya hinabol dahil para naman yun sa lalaki. Sumunod siya sa mga ka close niya na sa opisina.
Narinig nila ang malakas na kantiyawan ng mga barkada nito sa lalaki. Nakita niyang nakatingin ang mga ito sa kanya kaya nag iwas siya ng tingin. Bumuntot siya kay Trivor bago palang ito kaya di nito masyadong alam na nanliligaw sa kanya ang boss nila.
"Akina pinggan mo lagyan natin nito." Baling ng lalaki sa akin. Nakita kung masarap ang nasa harap nito kaya ngumiti ako dito at iniumang ang pinggan dito.
"Puno na e, babalik nalang ako mamaya pag gusto ko pa." Sabi ko dito.
"Ang payat mo kasi, ito pa o." Sabi nito na dinagdagan ang pagkain ko. Natatawa siya sa ginagawa nitong pagpapakwela.
Malapit na sila sa dulong bahagi at halos puno na din ang kanyang pinggan ng pagkain. Nang manigas siya ng may yumakap sa kanyang beywang. Kilala niya naman ang yakap ng lalaki lalo at apat na buwan na ding hubby nito ang yakapin at landi landiin siya.
"K-kumakain ako." Reklamo ko dito. Pinipigilan ko ang kaba na nadarama ko lalo at nasa harap kami ng mga katrabaho ko. At alam kung nasa amin ang tingin ng lahat ng tao.
"Akin na yan," sabi nito bago paman siya nakatanggi ay hawak na nito at inakay na siya papunta sa mga kaibigan nito.
Di niya alam kung paano kakain ng di naiilang sa mga ito. Kilala ang mga ito dahil bukod sa mga bilyonaryo ang mga ito ay kilalang mga check magnet ang mga ito.
"Chill lang mamaya na tayo mag uusap." Bulong nito sa kanya na di inaalis ang braso sa kanyang beywang.
"Balaan mo ng maaga bro, mukhang may balak e." Dinig kung sabi ni Hans.
"Kumain kana, we will go somewhere." Bulong nito sa kanya. Tila iba ang dating ng sinabi nito.
"Ahm di ko pa tapos ang pinapagawa mo kahapon." Bulong ko din.
"That can wait, but not me." Sabi nito.
"Happy happy birthday
Love, Venice!" Napakunot ang noo ko na napatingin sa nagsalita si Yael na nanunukso ang tingin.
Nakita niyang ang paper bag na dala niya kanina ang binabasa nito. Tumayo siya at hinablot ang paper bag. At tila gusto niyang lumubog sa kinatatayoan niya ng mabasa ang sinulat ni Rica sa note.
'HAPPY BIRTHDAY!
LOVE
VENICE
Pag tingin niya sa boss niya ay tila naabot nito ang langit sa lawak ng ngiti nito. Hinila niya ito sa isang tabi.
"Yes? May sasabihin ka love?" Masuyong tanong nito.
"Kuwan kasi-" nag alangan niyang sabi. Iniwan niya ang kanyang pagkain sa mesa.
"What?" Untag nito.
"Yung note, pinasulat ko kay Rica yun. Di ko alam na yun ang nilagay niya." Mabilis kung sabi dito. Nakita niya ang pagtagis ng bagang nito.
"So basted mo ako ganun? Dahil ba yun sa lalaking yun?" Nakita niya ang paninibugho sa mukha nito.
"Hindi!" Mabilis kung sagot.
"Anong hindi?" Nag iwas siya ng tingin dito. Di niya kayang makipagsabayan ng titig dito. Para kasing hihigupin siya nito anytime.
"H-hindi ka basted." Sagot ko, pag sulyap ko dito ay nakita niya ang muling pagliwanag ng mukha nito.
"Good, avoid that guy. Lagot ka sa akin pag makita kitang nakikipag usap ng matagal dun." Sabi nito na hinalikan ako sa pisngi ko ng makitang nakatitig sa kanila si Trivor.
Hanggang matapos ang kainan ay di na ito humiwalay sa kanya. Hanggang sa loob na sila ng opisina. Inayos niya ang kanyang mga gamit naglagay lang siya ng lip tint at konting pulbos patapos na siya ng lumabas ang seryusong boss niya.
Tila galit na di naman.
"Let's go." sabi nito na halos hilain na siya.
"Sir, susunod naman po ako." Awat ko na pilit binabawi ang kamay mula dito.
"Sorry, im just excited." Sabi nito na tila puno ng pagnanasa ang titig sa kanya.
Di niya sure kung pagnanasa nga iyon. Mabilis na inalalayan siya nito papasok sa kotse, niyoko siya nito at ganun nalang ang gulat niya ng mapusok na halik ang iginawad nito sa kanya. Nang una ay nilalaro laro ng dila nito ang kanyang labi. Napaawang ang kanyang labi ng pisilin nito ang kanyang dibdib.
Naging daan iyon upang maipasok nito sa kanyang bibig ang dila nito. Kulang ang salitang gulat sa ginagawa nito ngayon. Nasanay siyang nakokontento ito sa halik sa pisngi lang ngunit ngayon iba. Puno ng init ang bawat hagod ng labi nito sa kanya.
"God, I want you so bad." Bulong nito na pinunasan ang labi niya na nangapal yata sa halik nito.
Pumasok ito sa driver seat at muli siyang hinalikan. Bago pinaandar ang sasakyan, mabilis kaya naman ay kinakabahan siya.
"Sir, ayoko pa pong mamatay!" Sabi ko dito. Napangiti naman itong bumaling sa kanya. Bakas ang kakaibang kislap ng mata nito, kaya naman lalong lumakas ang duda niya na may something sa regalo ni Rica.
"Damn, mas lalo ako. Lalo na ngayong di pa natin nagagamit ang regalo mo." Sabi nito na ikinatigil niya. Ano kaya ang regalo ni Rica na gagamitin nila? Yun ang tanong na alam niyang mamaya maya lamang ay masasagot na.