SWB3

1207 Words
Chapter 3 Di siya makatingin ng deritso sa kanyang boss. Nagising lang naman kasi siya kaninang katabi na ito, kayakap pala ang tamang term. Ngayon ay nasa chopper na sila papunta sa Singapore. "Is it your first time to ride small plane?" tanong nito. Nakasigaw kasi maingay naman ang makina. "Oo." sagot ko. Naramdaman niya ang paghapit nito sa kanyang balikat. Kaya naman ay napaigtad siya, gusto niya man itong sawayin ay kinalimutan niya nalang lalo at natatakot siya. inaasahan na naman niyang sasakay sila ng eroplano pero di siya na inform na ganito kaliit. Nanginginig ajg kanyang laman sa takot kaya napahigpit ang kanyang kapit sa kanyang boss. "Dahan dahan sa kakakapit diyan, baka makalimutan kung naliligaw palang ako." Bulong nito sa mismong teynga nya. "Diyos ko boss baka naman last day ko na ito sa mundo." Naiusal niya ng maramdaman ang pag take off ng eroplano. "Just calm down." Bulong nito na tuloyan na akong niyakap. Pinilit kung matulog upang di ako mahilo. Nakapikit lang siya habang umaangat sa ere ang eroplano. Parang gusto niyang magsisi na nag apply siya bilang ea nito. Kung nakontento nalang sana siya na employee lang na normal di sana tulog pauwe palang siya ngayon at matutulog sa kanyang bed. " Open your eyes, " utos nito mamaya maya. Nakakapit na pala siyang tuloyan sa lalaki mabilis na napayakap siya dito ng maramdaman ang pag galaw ng chopper. "Boss, I can't open my eyes, nakakalula sa baba." Sabi ko na ikinatawa nito. "Open your eyes, ang ganda ng view sa baba." Sabi nito. Kahit natatakot ay dahan dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata. Tumambad sa kanya ang magandang tanawin sa baba. "Ang ganda!" Bulalas niya ng masilayan ang ganda ng Singapore mula sa himpapawid. "It's indeed beautiful! Breathtaking!" Sabi nito kaya napatingin siya dito. Napabawi siya bigla ng tingin dito ng makitang sa kanya ito titig na titig. Aminin man niya sa hindi ay kinilig siya sa ginagawa nito. Hanggang sa makababa sila ay iwas na iwas na siyang mapatitig dito. Lalo na at naalala niya ang posisyon nilang dalawa kanina ng magising siya. Kinuha niya ang kanyang luggage, ngunit mabilis ito kaysa sa kanya. "Enjoy guys!" Tudyo ng po piloto sa kanila. "B-baka kung ano ang isipin niya." Sabi ko sa lalaking kaagapay ko. "Tss, kung ano ang iniisip niyang gawin natin dito yun naman talaga ang gagawin natin." Sabi nito na kinindatan pa siya. Di nalang siya kumibo at naglakad pasunod dito. Sinundo sila ng isang sasakyan papunta sa hotel na kanilang tutuloyan. Nagpapasalamat siya at magkaiba naman ang kanilang silid. Di niya lang alam kung hanggang kailan sila doon. "Rest for awhile, ako na ang bahala sa mga meetings ko." Sabi nito at di na naman niya nailagan ang halik na ginawad nito. Sa pisngi uli na nag iwan ng aftershock sa kanyang kamalayan. "Lagi kang nagugulat sa halik ko, next time I prefer to kiss you in your lips." Sabi nito bago tumalikod na. Dahil sa pagod sa biyahi ay nakatulog siya. Nang magising ay kumakalam na ang kanyang sikmura, ang problema niya ay isa lang siyang hampaslupa, wala siyang pambili ng kanyang pagkain. Dalawang oras na din pala siyang tulog, recharge na siya kaya nagpasya siyang maligo at magbihis. Lumabas siya matapos ang kanyang ritwal sa kanyang kagandahan. Kinatok niya ang pinto ng silid ng kanyang boss. Pag biglang bukas ay halos masubsob siya. Sumandal kasi siya sa pinto, buti at naging maagap ang lalaki at mabilis na nayakap siya. Tila napapaso naman siyang lumayo dito. "Ahm m-may pupuntahan po ba tayo ngayon?" Kinakabahan kung tanong dito. Isinara nito ang pinto at naglakad papunta sa kanya, bahagya siyang napaatras mula dito. "Yes," sabi nito. Tsup Halik nito sa gilid mismo ng kanyang labi. Napamulagat na naman siya, mapanganib sa puri ang kanyang bagong boss. "Tara labas na tayo para makakain, baka mamaya e ikaw ang makain ko." Sabi nito na kinindatan pa siya. Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila siya payakap dito. "A-anong ginagawa mo Sir?" Kinakabahan niyang tanong dito. "I just want to hug you." Sabi nito na niyakap nga siya. Di naman nagtagal ang yakap ngunit yung kaba niya ay grabe. Napaisip tuloy siya kung ganito din ba ito sa mga nagiging EA nito. Ayon kasi sa nasagap niyang tsismis sa mga nagtatrabaho dun ay seryuso at bihirang mamansin ang kanilang boss. "You want another hug?" Untag nito, naglakad na pala ito papunta sa may pintuan. "Kakatapos lang ng meeting ko kaya di kita nakatok kaagad. Saan mo gustong kumain?" Tanong nito. "Ikaw ang bahala Sir, di po ako pamilyar sa mga kainan dito." Sabi ko na nakasunod dito. "Okay," sabi nito, sa isang fine dining sila kumain. Mabuti at nasanay naman siyang kumain sa mga ganung kainan. "Mamamasyal tayo after natin kumain." Sabi nito. At true to his words nga namasyal silang dalawa na tila magsing irog lang. Sobrang nag enjoy siya sa kanilang pamamasyal. "Magpapicture tayo." Sabi nito. Nilapitan nito ang mga pinoy sa di kalayoan at nakiusap na kuhanan sila ng larawan. Mga larawan na di niya matitigan ng matagal. Kung di sila kilala ay iisipin na magkasintahan sila o bagong kasal pa lamang. May larawan silang nakayakap ito sa kanya. May nakahalik ito sa noo niya, at ang pinakamalala ay mayroon silang larawan na nakasakay siya sa likod nito. Naging memorable ang kanyang unang out of the country trip kahit pa nga trabaho ang dahilan nun. "Kain muna tayong dinner." Sabi nito sa kanya. Nagpatianod naman siya dito, sa isang restaurant na nasa isang mall sila kumain. Bihira itong magsalita pero laging may patama kung bumuka na ang bibig nito. "Anong trabaho ng Tatay mo?" Nadinig niyang tanong nito. " Wala akong kinagisnan na tatay, nabuntis lang si Mama at iniwan." Sabi ko dito. Isa marahil iyon sa dahilan kung bakit takot siyang pumasok sa isang relasyon. Ayaw niyang matulad sa kanyang ina na iniwan at pinabayaan ng kanyang ama. "Okay, so I presume na mag isa kalang na anak?" Tanong nito. "May kapatid po ako sa ama na binigay sa amin ng mamatay si papa, at sa amin din po nakatira ang pinsan kung si Chesca kaya may kasabay akong lumaki." Sabi ko dito. Tapos na kaming kumain kaya inabala namin ang aming sarili sa kakamasid sa paligid. Umiinom ito ng rum, gusto niyang awatin ito ngunit ayaw naman niyang masabihan na nakikialam lalo at boss niya parin ito. "Okay, so sila ang kasama mo ngayon dito sa Manila?" Tanong nito. "Naku hindi po, nag boboard lang po ako malapit sa opisina." Sabi ko. "Is it safe?" tanong nito na titig na titig sa kanya. "Matagal tagal na din naman po ako dun nakatira so far safe naman po." sagot ko. "You can stay at my condo." sabi nito na ikinagulat niya na naman. Wala na yata itong ibang balak gawin sa kanya kundi ang gulatin siya. "Ayos lang po ako sa boarding house na tinutuloyan ko sir." Sabi ko dito. Nagpapasalamat ako dahil di na ito nagpumilit pa sa gusto nito. "Kung sakaling magbago ang isip mo, don't hesitate to call me. Ako na ang bahala." Sabi pa nito. Nang matapos ang inom nito ay magkaagapay na silang naglakad pabalik sa kanilang hotel na tinutuloyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD