SWB2

1139 Words
Chapter 2 Maagang maaga pa ay nasa taxi na siya papunta sa condo unit ng lalaking boss niya. Di naman siya masyadong exited diba alas kwatro palang ang oras ayon sa kanyang relos. Medyo kinakabahan din naman siyang magbiyahe sa ngayon, dahil madilim pa at batid niyang maraming masasamang loob pag ganitong madaling araw. Tanging pepper spray lang ang panlaban niya sana lang ay di siya mapahamak. "Sa harap po ba kayo bababa o sa kabilang gate?" tanong ng driver. Di niya alam ang isasagot, malay ba niyang may dalawa palang gate dun. Pero pumapatak ang kanyang metro kaya kailangan niyang magpasya ng mabilis. "Dito nalang manong." nakangiting sabi ko dito. May mga dala siyang maleta kaya goodluck sa kanya. May gulong naman kaya di naman siguro siya mahihirapan. May mga dala siyang swimsuit baka beach ang pupuntahan nila. May formal at casual attire, salamat sa pinsan niyang si Chesca sa pagbibigay ng mga ganung damit sa kanya. Nang makapagbayad ay kaagad siya nitong inalalayan pagbaba. Matapos magpasalamat ay lumapit siya sa guard. "Magandang umaga po Manong saan po ang unit ni Sir Kristan Sanford?" tanong ko dito. "Tristan?" tanong nito, mukhang nabulahaw niya ang pag sleeping on duty nito. "Kristan po, ako po ang bago niyang EA." sabi ko dito. "Sige po Ma'am upo po muna kayo, tatawagan ko lang si Sir para ipaalam sa kanya na nandito kayo." sabi nito. Salamat naman at may upoan, kasi nakakangawit kung tatayo siya hanggang matawagan nito ang amo niya. "Anong pangalan nyo nga Ma'am?" tanong ng guard. Malakas ang boses kaya medyo nagulat siya. "Venice Monreal po." sagot ko. "Ah sige po." sabi nito maya maya nga ay abala na ito sa pakikipag usap sa telepono. Habang siya ay nag stretch ng mga alak alakan, mahirap din pala yun gala ng gala nakakapagod magbitbit ng mga anik anik sa buhay. Magandang gumala ng solo katawan lang. "Ma'am ihatid ko daw po kayo sa unit ni Sir." maya maya ay sabi ng papalapit na guard. Pinagdasal niyang sana magkusa itong tulongan siya sa kanyang dalang maleta. "Salamat po!" nakangiti kung sabi dito ng ito nga ang nagbuhat ng kanyang mundo, este maleta nya. "Ang aga nyo daw po ma'am sabi ni Sir." sabi nito habang nakasunod siya dito. Nahihiya naman siyang napakagat labi, aminado naman kasi siyang maaga pa siyang talaga. Alas kwatro kinse palang ng madaling araw baka may chicks pa ito sa loob ng unit nito. Lagot na makakapanood ako ng ala vivamax na palabas. "Naexcite lang po ng slight, di naman po ba galit ang boses ni Sir?" tanong ko dito. Baka mamaya masabon siya sa unang araw niya sa trabaho. "Naku e kung ganyan sa inyo kaganda ang bubulahaw sa tulog ko ay ayos lang. Mukhang ayos lang naman si Sir." sabi nito. Mukhang may bago na naman siyang fan. Wala na akong imik tinandaan ko nalang ang daan paakyat, para sa susunod ay alam na niya kung saan ang daan papunta sa may unit nito. Halatang mayayaman lang ang may access sa gusali na iyon dahil sa mga desinyo nito na halatang mamahalin. Nang sapitin namin ang ikasampung palapag ay bumaba na kami sa elevator. Ikalawa mula sa dulo ang unit nito, pinidot ni Manong guard ang doorbell. Ilang sandali pa ay bumungad sa kanila ang mukhang kakagising lang na boss niya. Ang unfair talaga ng mundo, kakagising palang nito pero fresh na fresh na ang amoy. Samantalang ako pag nagising amoy ewan nakakahiya. "Salamat sa paghatid Manong." sabi nito na kinuha ang aking maleta. "Wala pong anuman Sir, bababa na po ako, Ma'am." sabi nito na sumaludo pa sa amin ni Sir. Nagulat pa ako ng humalik ito sa pisngi niya, nanlalaki ang mga mata na napalingon siya dito. "H-hinalikan nyo ako?" tila naeeskandalo na tanong ko dito. "Yes, I did get inside now." sabi nito napasunod siya dito. Palaisipan sa kanya kung bakit siya nito hinalikan sa pisngi normal paba yun? "B-bakit niyo po ako hinalikan?" tanong ko dito. Humarap naman ito sa kanya. "You are single right?" sabi nito na seryuso ang mukha. "O-opo." sagot ko pa. Anong connect ng pagiging single sa panghahalik nito. "Pumayag kang ligawan kita diba? Sinabi ko sayo kahapon." sabi nito na tumalikod na. Wala siyang matandaan na nagsabi itong liligawan siya. "Pero Sir di po kasama sa priority ko ang makipag relasyon Sir." sabi ko dito, yun naman ang kanyang madalas na dahilan sa mga nagtatangkang ligawan siya. At wala sa exemption ang lalaking ito kahit pa sabihing gwapo at mayaman ito. "There's a thing called waiting. I can wait till such time that you are already willing to have relationship with me." sabi nito na ikinapatda niya. Pambihirang buhay to malamang ay magiging napakaawkward na katrabaho ang kanyang manliligaw lalo na kung boss mo pa. "Paano po kung bastedin ko po kayo?" sabi ko dito, nagugulohan siya sa ngayon kung paano niya ba pakikitungohan ang lalaki. "I still want to try." sabi nito na naupo sa couch. "Mamayang gabi ang flight natin." sabi nito na tila ba ay wala lang, nagising siya ng alas dos ata yun, yun naman pala mamayang gabi pa ang flight. "E bakit sabi nyo alas singko ng umaga dapat nandito na ako, e gabi pa po pala." di ko napigilang isatinig. "Yeah, I just want to be with you." sabi nito. "Ang aga ko kaya nagising tapos mamayang gabi pa pala." napasimangot siya ngunit tila di naman ito nakonsensya man lang. "Did you see that door?" tanong nito sa kanya. "Opo, bakit po?" takang tanong ko. "Use that room, sleep tatawagin nalang kita pag dumating na yung almusal natin." sabi nito. "Di naman po ako inaantok." sabi ko dito. Natakot kasi ako sa pa kwarto nito lalo at dalawa lang sila. "Ikaw bahala, wag kang magugulat kung manonood ako ng porn dito." sabi nito na binuksan ang tv, nanlalaki ang mga mata at mabilis akong napatakbo sa silid na sinasabi nito. "Abnormal kang boss ka!" di niya napigilang sabihin dito, ngunit tumawa lang ito ng nakakaloko. Masasal ang t***k ng kanyang puso dahil sa ginawa nitong iyon. Napadasal siya ng ama namin sa nangyari, alam niyang di maganda ang mga ganitong set up lalo na ngayon na nagdiklara pa ito ng panliligaw sa kanya. Nang sumilip siya ay nahuli siya nito kaya nagsalubong ang kanilang tingin. Kumindat pa ang lalaki sa kanya na lalong nagpaalburuto ng kanyang mga laman loob. Di niya maintindihan ang eratikong pagtibok ng kanyang puso. Sobrang kaba na di niya ma explain, inilibot niya ang kanyang tingin sa silid na kanyang kinaroroonan. Maayos naman ang silid at mukhang walang gumagamit. "Pwede naman siguro mag nap saglit!" pagkausap niya sa sarili. Hinubad niya ang kanyang brazaire at ang kanyang sapatos. Sumampa siya sa kama at dahil narin siguro kulang ang kanyang tulog ay mabilis siyang iginupo ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD