"Sabina, mag-usap tayo!" "Ayaw kitang kausap!" Hindi ko na s'ya hinintay na makalapit pa sa akin. Kaagad na akong kumaripas ng takbo paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Bakit ko naman s'ya hihintaying makalapit sa akin? Aba, matapos ang mahigit na isang linggong pagbuburo n'ya sa loob ng kanyang opisina kung iyon nga lang ba ang ginawa n'ya roon ay saka naman s'ya mang-aabala rito? Anong akala n'ya, na hanggang sa mga sandaling ito ay hihintayin ko ang paliwanag n'ya? Aba! May expiration date ang pagbibigay ko ng benefit of the doubt sa kahit sinong demonyo at tapos na ang kanya! Hindi ko na sila nilingon. Bahala na rin si Kian, malaki na naman s'ya kaya siguradong kaya na n'ya ang sarili n'ya. Hindi naman s'ya gagapangin nina Reymond doon. Sa pagmamadali kong makalayo kay Gian a