"Thank you, Miss Ricaforte for today." Nakangiting nakipagkamay ako kina Direk at sa photographer na kahit bata pa lang ay magaling na sa kanyang trabaho. "Thank you rin po," tugon ko at hinintay muna silang sumakay sa kanilang mga sasakyan. Hinintay ko munang makaalis ang lahat—mula kay Direk hanggang sa kahuli-hulihang staff. "Hindi mo na kailangang hintayin silang makaalis, Miss Ricaforte. Puwede ka namang mauna na lang," nakangiting wika ni Lio. Medyo nagulat pa nga ako dahil akala ko ay nauna na rin s'yang umalis. Narinig ko kasi kanina na may kailangan s'yang asikasuhin sa kompanyang pinagtatrabahuhan n'ya. Magta-tanghali pa rin lang kasi kaya marami pang magagawa sa araw na ito. "Nakasanayan ko na rin," tugon ko at ngumiti sa kanya. "By the way, hindi ka pa ba aalis? I mean, n