I couldn't believe what had happened. Parang roller coaster ng emosyon ang naranasan ko hindi pa man natatapos ang araw na ito. Sobrang sakit ng dibdib ko. Kanina pa ako iyak nang iyak at ngayon nga ay wala na akong maiiyak. Pakiramdam ko ay naubos na ang lakas ko. Lahat ng enerhiyang mayroon ang katawan ko ay nasaid na. "Where's Doctor Romulo?!Bakit hindi s'ya ang nag-aasikask kay Gian?" galit na sigaw ni Tito Rafael. Muli akong sininok habang nakatingin kay Tito. Miminsan ko lang s'ya makitang galit at mukhang kahit ayaw n'yang magalit ay iba ang nararamdaman n'ya sa mga sandaling ito. Nasa labas kami ng emergency room ng ospital ng San Lazaro. Ito na ang pinakamalapit na puwede naming pagdalhan kay Gian kaya rito na dumiretso iyong ambulansyang nagdala sa kanya. Sobra nga naman k