It felt like the end of the world. Literally. Para akong idinuyan nang hindi ko namamalayan at halos masuka na ako sa sakit ng ulo. It was just a few seconds of my life pero iyong pakiramdam ko ay parang tinakasan na ako ng kaluluwa sa katawan. Hindi pa nakatulong iyong nakakabinging tunog ng fire alarm. It was like the bell of death. Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Gian ngunit sa halip na maibsan ng init ng kanyang mga braso ang lamig na nararamdaman ko ay wala man lang akong naramdaman. Takot at walang hanggang nerbyos— iyon lang. Natapos na ang paggalaw ng buong gusali nang marinig ko ang sigawan ng mga empleyado. Nas top floor kami pero hindi lang naman kami ang nandito, marami ring mga empleyado ang may ginagawa rito. “Are you alright?” I heard Gian. Puno ng pag