CHAR- Chapter 1

1153 Words
"Sabina..." Muling umikot ang mga mata ko. Tinakpan ko pa ang mga tainga bago sunod-sunod na umiling. "Hay naku! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yong babae ka!" Natatawang tiningnan ko si Kian. Stress na stress ang itsura n’ya habang nakatingin sa akin. Sigurado rin akong mamaya lang ay sasabunutan na n’ya ako. Humahaba na nga yata ang pasensya n’ya dahil nakakapagtimpi pa s’ya sa akin hanggang sa mga oras na ito. I looked at him. He's wearing a casual clothes, bulky ang katawan at may maamo at guwapong mukha. Tama ang proportion ng mga muscle n’ya sa katawan. He's hot and sexy. Unfortunately, pareho lang kami ng gusto. Guwapong lalaki na may katawang katulad ng sa kanya. Napailing na lang ako sa itinatakbo ng isip ko. Nangalumbaba ako at pinaglaruan ang tasa ng kape. "Sabina, pag-isipan mo naman sana ang bagay na ito. Hindi iyong bigla ka na lang nagdedesisyon at nagsasabi ng no." Sandali kong nilingon si Kian. S’ya ang manager ko at nag-aasikaso ng lahat ng kailangan ko sa tuwing rarampa ako o kaya ay kung ano-ano pa na related sa trabaho ko bilang modelo. "Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo?" Humalukipkip si Kian kaya mas lalong nadepina ang muscle ng kanyang mga braso. "Ang laki na nga ng kikitain mo roon, ayaw mo pa rin!" Again, I rolled my eyes. "Kian, iyong kikitain ko riyan sa project na sinasabi mo ay kinikita ko rin dito sa France." "Sabina, nakalimutan mo na bang dalawang daang libong piso ang katumbas ng bawat pahina ng magazine na imo-model mo? At sa buong magazine na iyon ay puro mukha mo ang naroon! Instant milyonarya ka kapag nagkataon!" Iniangat ko ang tasa at uminom mula roon. "Milyonarya na ako," I said as a matter of fact. Mga mata naman ni Kian ang umikot. "Okay, ikaw na ang heredera. Pero Madamme, bakit ba ayaw mong tanggapin ang project na iyon? Isang buwan lang naman at hindi lang naman ito tungkol sa pera. Pitong taon ka nang narito sa karerang ito at hindi ka pa nakakapagpahinga kahit minsan!" Hindi ako nagsalita. Tama naman s’ya. Pitong taon na ang nakararaan mula nang mamuhay ako nang mag-isa rito sa France. At iyon ay dahil sa kagagahang ginawa ko noong gabing iyon. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin alam kung anong klase ng demonyo ang bumulong sa akin at nagawa ko ang bagay na iyon. Hanggang ngayon tuloy ay natatakot pa rin akong umuwi sa Pilipinas. Ni kahit isipin ang bansang iyon ay ayaw ko nang gawin. Nahihiya lang ako sa sarili ko. Nahilot ko ang sentido nang sumilip ang eksenang iyon sa isip ko. Pitong taon na pero napakalinaw pa rin sa akin ng mga nangyari kahit alam kong halos wala na ako sa sarili ng gabing iyon. Hindi ko pa rin magawang kalimutan ang lahat. Na para bang kahapon lang iyon nangyari. "Baka naman ay may tinatakasan ka kaya ayaw mong umuwi sa bayan mong sinilangan?" dagdag na tanong ni Kian na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Napakurap ako. Kaagad na nakita ko ang larawan ng isang taong sobrang kinamumuhian ko pero hindi ko naman matanggal sa buhay ko. Si Gian. "Wala," mabilis na sabi ko. "Hindi ko lang gustong umuwi. Saka hindi ko kailangang magpahinga. Puwede naman akong magpahinga rito, ayoko lang talaga ng walang ginagawa." "Naroon ang lolo at lola mo, hindi ba?" Mukhang wala na s'yang maihaing rason sa akin kaya sinusundot na n'ya ang konsensya ko. Nilingon ko ang guwapong manager. Kung lalaki lang siguro si Kian ay baka nahalikan ko na s’ya para lang tumigil s’ya sa kapipilit sa akin. "Isang buwan lang ang bakasyon doon nina Lolo," sabi ko. "Babalik sila sa branch ng kompanya namin sa Middle East and puwede ko na silang bisitahin doon." "Ibig sabihin ay may iniiwasan ka nga sa Pilipinas," Kian said. Hindi ko na lang s'ya pinansin. "Bahala ka na sa mga iniisip mo pero ayoko talaga. Saka, may schedule ba ako today?" Bubulong-bulong na kinuha n'ya ang maliit na journal. Binuklat n'ya iyon at tiningnan ang schedule ko para sa araw na ito. "Sa Patio de Blas, they hired you as their magazine's model for this month," aniya at isinara ang journal. Bumaba ako mula sa stool na inuupuan at isinukbit ang bag. "Ikansel mo. May flight ako mamaya. Pupunta ako sa Canada." Nasamid sa sariling kaway si Kian. Halos mamula pa s’ya dahil sa pag-ubo. "At anong gagawin mo sa Canada?" Inis na tumayo s'ya at namaywang sa harap ko. "Nakalimutan mo na bang nasa France ka ngayon? Anong akala mo sa Canada? Nariyan lang sa kabilang kanto?" Binuksan ko ang bag at chineck ang passport. Lagi ko iyong dala para sa mga ganitong pagkakataon na gusto kong lumayo para makapag-isip. "Bibisitahin ko ang best friend ko." Inayos ko ang bag bago humarap kay Kian. "Alam ko ring ang Fretzy ang dahilan kung bakit mo ako pinipilit sa project na iyan. Ang dami nilang model, puwedeng-puwede silang magpadala ng kahit sampu sa Pilipinas para riyan!" Ang Fretzy ang malaking kompanya na nagma-manage sa katulad kong mga modelo. Hindi na lang isang agency iyon dahil na rin sa laki at lawak ng sakop niyon. Iba't-ibang lahi ng mga modelo rin ang hinahawakan ng kompanya. Noong third year college ako ay naisipan ko lang magpasa ng profile at trip ko lang iyon. Hindi ko naman sineryoso kaya nagulat ako nang malaman ko na nakapasa ako. Alanganin nga lang ang panahong iyon dahil nang malaman ko iyon ay graduating na ako, last semester pa. And wala talaga akong planong pasukin ang mundo ng pagmomodelo. Kung hindi ko nga lang ginawa ang kagagahang iyon noon, siguro ay hindi ako umalis ng Pililinas. "Sabina, may schedule ka ngayon!" Nangunot lang ang noo ko. Inisang lagok ko ang natitirang kape. "Ayoko. Hangga't hindi n'yo ako tinitigilan sa project na iyan, hindi ko pupuntahan ang kahit anong schedule na ibibigay n'yo sa akin!" Inis na nagpapadyak si Kian. "Seryoso ka bang pupunta ka ng Canada?!" Umirap ako. "Nakaka-stress kayo. Ilang buwan n'yo na akong kinukulit kaya magbabakasyon muna ako sa Canada. Baka makalma ako kapag nakakita ako ng Maple tree!" Nakita ko pa ang hindi makapaniwalang ekspresyon ni Kian, hindi ko na nga lang s’ya pinansin at lumabas na ng coffee shop. Kaagad na pumara ako sa taxi at nagpahatid papunta sa airport. For the seven years I stayed here in France, this is the first time I felt this. I'm exhausted. Sa lahat ng ginagawa ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pagkapagod. Kahit na gusto ko naman ang ginagawa ko, kahit na mahal ko naman ang trabaho ko. I couldn't accept it but I miss the Philippines... and, I get excited just by thinking about the people there. My family, friends, and yeah... Gian also. Kumusta na kaya s'ya ngayon? Kumusta na kaya iyong lalaking pinili kong pagsukuan ng sarili?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD