CHAR- Chapter 2

1116 Words
"Ibig sabihin ay galing ka pa sa France?!" Tinakpan ko ang tainga. Ang lakas ng boses ni Sebastian at halos mabasag ang eardrum ng kaliwa kong tainga nang doon s’ya mismo sumigaw. "Ano bang nakakagulat kung nanggaling pa ako sa France?" Inis na tiningnan ko ang lalaki. "Ang hindi ko lang talaga mapaniwalaan ay iyong makikita kita rito!" Tumawa s’ya nang malakas. Hindi pa rin s'ya nagbabago. Ilang taon man kaming hindi nagkita ay ganoon pa rin ang itsura n'ya. Noon pa man ay magandang lalaki na si Sebastian. Mas naging lalaking-lalaki nga lang ang itsura n’ya ngayon dahil siguro ay katulad ng iba pa ay nadagdagan na rin ang kanyang edad. Dati nga ay may katabaan ang tiyan n’ya ngunit ngayon ay maganda na ang kanyang katawan. Puwede ko na s'yang ilaban ng wrestling kay Kian. Hindi namin plinano ang pagkikita naming dalawa rito sa airport ng Canada. Nagkagulatan na lang kami nang halos sabay pa kaming lumabas ng airport. "Hindi ko talaga inaasahang makikita kita rito. Ang alam ko ay nasa iba ka nang planeta kaya halos hindi ka na namin makita." He looked at me playfully. "Gago!" Sinipa ko s'ya sa binti na ikinatawa n'ya. "Anong ginagawa mo rito sa Canada, ha? At saka bakit hindi na kita makita? Kung hindi ko pa siguro natripan na pumunta rito ay baka hindi pa kita nakita," sunod-sunod na sabi n'ya. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag. Wala akong kadala-dalang gamit dahil wala naman talaga akong planong pumunta rito. Pinasakit lang talaga ni Kian ang ulo ko. "How about you?" Humalukipkip ako. "Anong ginagawa mo rito sa Canada? Ang alam ko ay nasa ibang bahagi ng mundo ang mga branch ng kompanya n'yo?" Sebastian laughed. "Nagbakasyon ako. Ang totoo niyan ay narito rin si Alfon." Nanlaki ang mga mata ko. Narito si Alfon? Ano naman ang ginagawa dito ng walanghiyang iyon? At bakit sa dami ng puwede nilang puntahan ay dito pa talaga? "May reunion ba na hindi ko man lang alam?" Nagkunwari akong hindi kinakabahan kahit pa nadoble na ang pintig ng puso ko. Ikiniling ni Seb ang ulo. "Wala naman. Kinailangan lang talaga ni Alfon na pumunta rito para kausapin ang Kuya n'ya. Naka-leave naman ako kaya sumunod na lang din ako sa kanya rito. Plano naming makipagkita kay Gabriella kaya hindi ko talaga inaasahang makikita kita rito." Nakahinga ako nang maluwag sa narinig. "Oh, bibisitahin ko rin si Gab. Gusto mo bang sumabay na sa akin?" Umiling ang lalaki. "Hindi na. May kailangan lang akong asikasuhin kaya baka mamaya na lang ako susunod sa inyo. Ang alam ko ay kaaalis lang ni Alfon sa bahay nila rito kaya siguradong maaabutan mo s'ya roon sa kompanya nila." Napailing ako. "Akala ko ba ay naka-leave ka? Ano ang aasikasuhin mo kung ganoon?" Natatawang kumamot s'ya sa ulo. "Wala naman, Sabina. Personal." Literal na tumaas ang kilay ko. Mas nagduda ako nang makitang namula ang mukha ng kaibigan. "Sabihin mo nga sa akin, Sebi. Babae ba iyan?" I frowned. Sebastian laughed. Mabilis n'yang isinukbit ang backpack. "No, Sab. I just need to run some errands for Tito Claudio." Kilala ko ang taong binanggit n'ya. Best friend iyon ng tatay n'ya. "And, kailangan mo iyang unahin?" Tumango s'ya. "Yes. Nasabi ko na rin naman kay Alfon ang tungkol dito. Saka mabilis lang ako, mga kalahating oras lang kaya sigurado akong makakasabay ako sa inyo sa pagmemeryenda." Nagkibit ako ng balikat. "Okay. Siguraduhin mo lang na hindi babae iyang aasikasuhin mo, ha?" Muli s’yang natawa. "I'm almost thirty, Sabina. Ilang buwan na lang at tatalon na sa kalendaryo ang edad ko, wala namang masama kung magkaroon ako ng babae." I crossed my arm and eyed him. Kung tutuusin ay isa si Sebastian sa mga matitino naming kaibigan. Ang kasamahan n’ya ay ang loyal na si Macky, ang may one-sided love na si Markiel at ang dating nerd na si Alfonso. Sina Conrad, Chris, Reymond at JC ang mga literal na babaero. Ngunit base sa mga nababalitaan ko tungkol sa lalaking kaharap ko ngayon ay mukhang nademonyo na rin s'ya ng panig nina Conrad. Iba't-ibang babae ang nababalitaan kong kasa-kasama n'ya at wala lang talaga akong magawa dahil malayo ako. Ngunit ngayong kaharap ko na s'ya... Literal na nagulat si Seb nang basta na lang ako tumingkayad at inabot ang ulo n'ya. Napasigaw na lang s'ya nang bigla ko na lang s'yang sabunutan. Hindi pa ako nasiyahan dahil hinila ko talaga nang sobra ang buhok n'ya. "Aray! Sabina!" Inis na lumayo sa akin ni Seb. Sinapo pa n'ya ang ulo. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Ni hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin na sa amin ngayon. "Akala mo ba ay hindi nakakarating sa akin na nahawa ka na sa pagiging babaero nina Conrado?" mahina ngunit madiing sabi ko. "Matagal na kitang gustong sabunutan." Bubulong-bulong na inayos n'ya ang buhok. "Hindi ko naman sila pinababayaan. Lagi silang may natatanggap na allowance— Aray!" Muli ko s'yang sinuntok sa dibdib. "Gago!" He laughed. "Okay na, nakuha ko na ang gusto mong mangyari." Mabilis s’yang lumapit sa akin at hinila ako. Niyakap n'ya ako nang mahigpit. "Sobrang na-miss kita, Sabina." Umismid ako at niyakap din ang kaibigan. Bukod kina Tito, Lolo at lola, ang mga kaibigan ko ang naapektuhan nang sobra dahil sa kagagahan ko noon. Bigla na lang akong umalis ng bansa at hindi ko iyon ipinaalam sa kanila. Nang malaman nila ay malayo na ako at ilang buwan na akong namumuhay nang mag-isa sa France. At kung hindi nila ako sasadyain ay hindi talaga nila ako makikita. Bihira nga lang iyon dahil pare-pareho na kaming humarap sa tunay na mundo. Tinapik ko ang likod n'ya. "Gusto ko namang makita kang ikasal. Wala akong aasahan kina Conrad dahil mukhang bawat babaeng makita nila ay gusto nilang pormahan." Natatawang humiwalay s’ya sa akin. "May nagpapatino na sa isang iyon. Hindi n’yo na kailangang mag-alala." Tumaas ang kilay ko. Si Conrad, tumitino na? Joke ba iyon? Sebastian chuckled. "Nagbago na ang isang iyon. Umuwi ka na kasi para naman updated ka sa mga nangyayari sa bawat isa sa amin." Bahagya akong natigilan. Umuwi? Imposible yata iyon dahil lahat ng oportunidad para makauwi ay literal kong hinaharang. Hindi pa ako handa. Hindi. Ayoko talagang bumalik sa Pilipinas. Hindi ngayon at hindi kailanman. "Oo nga pala, Sabina..." tila may naalalang wika ni Seb. "Nakita mo ba si Gian?" Ikiniling ko ang ulo. Ang isang iyon ang laman ng isip ko mula pa nang umalis ako sa France at hindi ko akalaing ngayong nandito na ako sa Canada ay siya pa rin pala ang maririnig ko rito. "Bakit?" "He's here. Nakita ko s'ya kanina, e. Hindi ko napansin na kasabay ko pala sa eroplano."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD