CHAR- PROLOGUE

3204 Words
"Let's dance!" Letti held my hand then pointed to Gabriella and Ric. "Hindi natin mayayaya 'yang si Gabriella dahil kulang na lang ay balutin ni Richie Ric ng kanyang malulusog sa muscle na mga braso!" Napahalakhak ako dahil sa lokaret na si Letticia. Nang tingnan ko ang isa pa naming kaibigang si Gabriella ay napailing na lang ako. Mahaba ang lamesang inokupa namin dito sa ikalawang palapag ng Pub 88 kung saan ay inokupa ng buong department ng Marketing Management para sa gabing ito. Ang tanging natira na nga lang sa lamesa namin ay sina Gab at Ric. Hindi sila umiinom o ano. Nag-uusap lang silang dalawa na para bang sila lang ang tao sa mundo. Sobrang ingay ng paligid pero mukhang walang pakialam ang dalawa. Sige lang sila sa pagkukuwentuhan at kanina nga ay narinig ko pang tungkol sa politics ang pinag-uusapan nila. Muli akong napailing. Kaya wala akong planong mag-boyfriend ng matalino, baka pati presyo ng stocks ay maging pamilyar sa akin. Tuluyan na kaming nakababa sa unang palapag nang tapikin ni Letti ang braso ko. "Oh, nandito rin pala si Gian?" Natigil ang paghila sa akin ni Letti at itinuro ang bar counter. Napairap na lang ako nang makitang nasa akin ang mga mata ng butiking lalaking kinaiinisan ko talaga! Ako na ang humawak sa kamay ni Letti at hinila s'ya papunta sa dance floor. Kaninang umaga lang ay grumaduate na kami at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan iyon. Ngayon nga ang unang gabi namin bilang isang malayang adult. Kaya plano ko talagang magpakalasing ngayong gabi. Lalo na at ngayon lang ulit ako makakatikim ng alak. Ang huling beses yatang uminom kami ay noong na-broken si Gabriella. Hindi rin ako nakainom noong nagpa-party si Markiel sa bahay nila dahil sa buwisit na Gian na iyon! Alas otso pa lang ng gabi ay sinundo na ako! Napasigaw ako nang marinig ang isa sa mga paborito naming party song. Ang Go Crazy ng 2pm. Sa aming tatlo ay si Gabriella ang mahilig sa Korean Pop ngunit dahil lagi kaming magkakasama, nahawa na rin kami ni Letti at lagi pa nga kaming nagtatalo-talo sa tuwing pinag-uusapan namin ang anim na miyembro ng grupong iyon. Bias ni Gabriella iyong Thai Member na si Nichkhun, si Wooyoung naman ang gustong-gusto ni Letticia habang ako... I want them all! Basta pogi na may abs, gusto ko sila! Wala nang tanong-tanong pa! Nawala ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang matabig ako ng isa naming ka-department. Kaagad s’yang nag-sorry sa akin bago muling sumayaw. "Hindi ko alam kung bakit inis na inis ka kay Gian!" Letti shouted on my ear. "Wala namang ginagawang masama sa 'yo 'yong tao!" Umikot ang mga mata ko. Humawak ako sa kanang balikat ng kaibigan at nagsimulang gumiling. Napahiyaw pa si Letti bago tuwang-tuwang ginaya ang ginagawa ko kaya mas nagkagulo kami. Masyadong madaming tao kaya hindi ko nakikita si Gian. Natatabunan ng mga ka-department namin ang counter pero pakiramdam ko ay nasa akin pa rin ang mga mata n'ya. Tama si Letti. Wala namang masamang ginagawa sa akin ang lalaking iyon ngunit pinapakialaman n'ya ang lahat! Maging iyong mga desisyon ko ay kinukuwestiyon n'ya kaya naman ay inis na inis ako sa kanya. I and Gian are living in the same neighborhood. Magkaibigan ang mga pamilya namin at magkatuwang sa business. Buong buhay ko ay nakikita ko si Gian. Literal na magkatapat ang mga bahay namin. Pagkalabas ko sa mansion ng mga Ricaforte ay tatawid lang ako at makararating na ako sa mansion ng mga Montemayor. Ilang buwan lang ang tanda n'ya sa akin kaya magkasabay kaming lumaki. Mula nursery hanggang high school ay kaklase ko ang lalaki. Same level, same school. At noong mag-college ay inakala kong mawawala na s’ya sa landas ko. Enrollment na ay nasa States pa rin s‘ya dahil sa bakasyon. Hindi ko nga lang ini-expect na hahabol talaga ang butiking iyon. At mas lalo akong nainis nang sa San Sebastian din s'ya mag-enroll at sa sobrang dami ng mga kursong puwedeng kunin ay iyong kinuha ko rin ang pinili n'ya. Hindi kami magkasundo. Pakialamero s'ya sa buhay ko bukod pa sa lahat ng sandali sa buhay ko na involve ang mga nakakahiya, nakakaiyak at masasakit na parte ng buhay ko ay lagi s’yang nandoon. Kahit noong unang beses na nagkaroon ako ng menstruation, s'ya ang unang nakakita niyon. Ni hindi ko namalayang may dugo na ang pang-upo ko. S’ya rin ang bumili ng napkin ko noon at hindi ko pa nakakalimutan na bukod sa iba't-ibang uri ng napkin ay may dala rin s'yang adult diaper! Naroon din s’ya sa ospital noong mamatay ang pareho kong magulang. Noong umakyat ako sa puno ng bayabas at nahulog, nandoon din s'ya. Kung tutuusin ay parte na ng alaala at buhay ko si Gian pero iyon din ang dahilan kung bakit inis na inis ako sa kanya. Pakiramdam ko ay wala na akong puwedeng itago pa. Lahat ng tungkol sa akin ay alam n'ya. Bukod pa sa katotohanang magkaiba talaga ang mga personalidad namin. Mas magkasundo pa nga sila ng pinsan kong si Reymond. Tinanggal ko ang isip kay Gian at mas pinagbuti ang pagsasayaw. Mas nagsigawan ang lahat nang pareho kaming humataw ni Letticia sa paggiling. "Sabina!" Ymaz kissed my hair. Lumapit pa s'ya at iniabot sa akin ang isang shot ng tequila. "Hi!" I greeted him. Kinuha ko ang alak at kaagad na ininom iyon. Napapikit pa ako nang gumuhit ang alcohol sa sikmura. Alam kong madami na akong nainom. Kanina pa ako umiinom at pawang tequila ang mga iyon. Pumipintig na rin ang sentido ko dahil kumikirot na talaga ang ulo ko. Damn alcohol! "You look hot!" Ymaz said. I just chuckled. Humarap ako kay Letti at muling gumiling. Sa aming tatlo, si Gabriella ang friendly. Hindi man lahat ay kinakausap pa rin n’ya iyong mga taga-hanga n’ya kahit pa nga hindi n’ya kilala. Si Letticia naman ay literal na walang pakialam sa mga lalaki. Marami na rin s'yang na-basted at good luck na lang talaga kay Macky dahil mukhang mapapabilang s'ya sa mga iyon. At ako naman. Basta guwapo na nasa listahan ng mga crush ko, kakausapin ko. Sorry na nga lang kay Ymaz dahil hindi ko s'ya type. Hindi rin ako attracted sa abs n'yang nararamdaman ko na sa likod ko. Nakaramdam ako ng inis sa lalaki. Dumistansya ako sa kanya at hinila si Letti papunta sa pinakagitnang bahagi ng dance floor. Para kaming may sariling mundo na sumayaw. "Sandali lang!" Letti shouted after a while. "Bakit?" ganting sigaw ko rin. Sa lakas ng musika ay halos hindi kami magkarinigan. Itinuro ni Letti ang ikalawang palapag. Kaagad na tumango ako. Siguro ay pupunta s'ya sa table namin. Nang makaalis si Letticia ay sumayaw pa rin ako. Mas hunataw pa nga ako sa paggiling kaya maging iyong mga ka-department namin ay humarap na sa akin at gumiling na rin. Napatigil nga lang ako sa pagsayaw nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa tiyan ko. Ang isa ay yumakap sa leeg ko at kinilabutan talaga ako nang maramdaman ang hininga ng kung sino roon. Mabilis na humarap ako at ang nakangising si Ymaz ang nakita ko. Namumungay ang mga mata n'ya habang puno ng pagnanasang nakatitig sa akin. "What the hell are you doing?" sigaw na tanong ko ngunit masyado nang malakas ang music. Nilamon lang niyon ang galit kong boses. Ymaz smirked. Sinubukan n'yang hawakan ang baywang ko ngunit agad kong tinampal ang kamay nya. Animal na Ymaz! Manyakis ang walanghiya! Nakita ko pa ang galit sa mga mata n'ya pero saglit lang iyon dahil bago pa ako makakurap ay mabilis na s'yang sumadsad sa sahig. Nagkagulo ang mga nasa dance floor habang ako ay nakatulala lang kay Gian. Gian punched Ymaz in front of everyone! Sinubukan pang bumangon ni Ymaz ngunit mabilis s'yang tinadyakan ni Gian. Napasigaw na lang ang lalaki habang sapo ang sikmura. Mabilis ang pangyayari. Na-blangko ang isip ko at bago pa ako makapag-isip ay nahila na ako ni Gian. Mabilis n'ya akong nailayo sa dance floor at saka lang ako natauhan nang nasa loob na kami ng sasakyan. "What the hell are you doing?" Inis na hinarap ko ang lalaki at hinampas sa dibdib. Nasaktan nga lang ako dahil kasintigas yata ng bato ang katawan n'ya. Hindi ako pinansin ni Gian bagkus ay binuhay n’ya ang makina ng sasakyan. Sinubukan kong buksan ang pintong nasa tapat ko pero nanatili iyong naka-lock. Hindi pa nakatulong na hilong-hilo na rin ako kaya halos wala na akong lakas. "You are one brute man!" I shouted. Tanging buntong-hininga ang naging sagot n'ya. Nakaramdam ako ng pagkahapo kaya minabuti kong sumandal na lang sa upuan. Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi ko sigurado kung nakatulog na ako. Bigla ko na lang naramdaman ang pagtigil ng sasakyan. Kaagad na nagmulat ako ng mga mata. Natulala pa ako nang makitang nasa loob na kami ng garahe ng mga Ricaforte. Humalukipkip ako nang makita ang malaki at marangya ngunit malungkot na mansion ng pamilya ko. Buwisit talaga itong si Gian! Inis na tiningnan ko si Gian nang lumabas s’ya mula sa sasakyan. Umikot s'ya sa tapat ko at binuksan ang pinto ng passenger's seat. "Get out," malamig n'yang sabi. Nahihilo na ako kaya basta na lang ako bumaba. Isa nga lang pagkakamali iyon dahil muntik na akong mapahilata sa sahig kung hindi n’ya lang ako naalalayan. "Nerd!" Inis na sabi ko sa kanya at isinandal ang noo sa balikat ng lalaki. Hilong-hilo na ako at halos yakapin ko na rin ang buwisit na butiking ito para lang makatayo. Kaagad na lumingkis sa katawan ko ang mga bisig ni Gian. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pag-angat ng katawan. Sa sobrang daming beses na n’yang sinira ang pagba-bar ko ay nasanay na ako. Iuuwi n’ya akong lasing at kapag ganitong hindi ko na kaya ay bubuhatin n’ya ako hanggang sa silid ko. Ngunit nakakapagod na rin ang ganito. Pagod na pagod na ako sa kanyang pakikialam. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko para tumigil s’ya sa pakikialam sa buhay ko. Gusto ko nang makalaya mula sa kanya. Mas naging mariin ang pagkakapikit ko nang pumasok kami sa loob ng maliwanag na mansyon. Siguradong ang yaya ko na naman ang nagbukas ng pinto para kay Gian. Mabuti na rin at madaling araw na, siguradong tulog na sina Lolo at Lola maging si Tito. "Bakit ka ba laging nakikialam sa buhay ko?" tanong ko habang nakapikit. Naramdaman kong natigilan si Gian pero saglit lang iyon. Muli s’yang nagpatuloy sa paglalakad hanggang marinig ko ang pagbukas ng pinto na nasisiguro kong silid ko. Nagmulat ako ng mga mata nang isang plano ang bigla na lang lumitaw sa isip ko. Alam kong lasing ako at masakit ang ulo pero malinaw naman ang isip ko. Hindi nga lang ako sigurado kung bakit parang natutukso akong gawin ang ibinubulong ng maliit na bahagi ng isip ko. Naramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko. Ibinaba na ako ni Gian. "H-Hanggang kailan mo ako pakikialaman?" tanong ko at umiling-iling para mawala ang hilo. He chuckled. "When you're living your life the right way." Mas nanakit ang ulo ko sa narinig. Ganito siguro ang nararamdaman ni Gabriella sa tuwing kausap n’ya si Ric noong hindi pa sila. "I'm living my life the way I want, Mr. Montemayor." Tumayo ako sa ibabaw ng kama. Hindi nga lang ako makabalanse kaya inihagis ko na ang katawan sa nabiglang si Gian. "Sabina!" Gulat na tiningnan n’ya ako pero nagawa naman n'ya akong masalo. I giggled. Nakayakap na ang mga braso ko sa leeg n'ya at maging ang mga binti ko ay mahigpit na nakayakap sa kanyang baywang. Sapo n'ya ang mga hita ko at halata ang pagkataranta sa mukha n’ya. Nangunot pa ang noo ko nang mapagmasdan nang malapitan ang lalaki. Hindi n’ya kamukha iyong butiki na lagi kong itinatawag sa kanya. Gian is not just handsome but he's awesomely good-looking! Mas nangunot ang noo ko nang maisip ang mga salitang ibinigay sa lalaki. May ganoon ba? "Sabina..." Gian sighed. "Bumaba ka na. Lasing ka na at kailangan mo nang matulog." Nakakunot pa rin ang noo na umiling ako. "I want you to stop pestering me..." Mas lalong nagdilim ang ekspresyon ng mukha n’ya. "Then, we'll talk later. Sa ngayon ay matulog ka na." Mas hinigpitan ko ang pagkapit sa leeg n’ya kaya mas dumikit ang katawan ko sa kanya. Nagtaka pa ako nang makaramdam ng lamig. I glanced at my dress. Dahil sa posisyon namin ay nakalilis na ang dress ko hanggang sa kalahati ng hita ko. Hinayaan ko ang damit at tinitigan ang lalaking bahagyang nakaawang na ang mga labi. "Let's make a deal, Mr. Montemayor..." Humikab ako. "Miss Ricaforte, I don't do deals with a drunk woman." I tilted my head. Inilapag ako ni Gian sa kama. Hindi na ako nagmatigas pa. Kusa kong inalis ang mga braso at binti sa pagkakalingkis sa kanya pero bago pa n’ya ako matalikuran ay nakatayo na ko. "Gian..." I called him. Gumuhit ang gatla sa mga noo n'ya. "Matulog ka na, Sabina." "Sleep with me." Ang blangkong ekpresyon ni Gian ay napalitan ng pagkagulat. I saw him gulped. Hinawakan pa n’ya ang batok sa hindi malamang dahilan. He faced me, nasa mga mata n'ya ang frustration. "Matulog ka na, Sabina. Hindi mo na alam ang mga sinasabi mo." "Alam ko!" bulalas ko. "Sleep with me. I'm bargaining myself so that you'll stop pestering me!" Ilang buntong-hininga ang pinakawalan n'ya. "Mag-usap tayo pagkagising— Hindi na nga lang n'ya naituloy ang sasabihin nang tangalin ko ang pagkakabuhol ng tali ng dress ko. Kaagad na bumagsak iyon sa may dibdib ko. Hindi nga lang iyon dumiretso sa pagkakahulog dahil fit iyon sa akin. "Sabina!" Sa kauna-kaunahang pagkakataon ay nakita ko ang panic sa lagi na lang na kalmadong mukha ng lalaki. "What the hell are you doing?!" Hindi ko s'ya tiningnan. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang tuluyang pagtatanggal ng dress sa akin. At dahil nahihilo ay nahirapan pa ako. "Damn it!" I heard Gian. Muntik na naman akong matumba kaya muli n’ya akong inalalayan. Pumihit ako kaya nagkapalit kami ng puwesto. Nakatalikod na s’ya sa kama ko kaya bago pa s’ya makalayo ay itinulak ko na s’ya sa kama. Hindi n’ya inaasahan ang ginawa ko kaya tuluyan s’yang napahiga roon. "Sabina..." Gian avoided my gaze. "Stop this! Hindi ito nakakatuwa!" Hindi na nga lang s’ya nakabangon pa nang sakyan ko na s’ya sa tiyan. Ipinosisyon ko pa ang sarili sa matigas n’yang mga abs. And I'm only wearing my underwear! Ngunit natalo na ng alak at galit ang kakayahan kong mag-isip nang lohikal. Naiinitang tinanggal ko ang strap ng bra ko. Tinapon ko iyon sa kung saan. Sunod-sunod ang naging paglunok ni Gian nang tumambad sa paningin n'ya ang hubad kong dibdib. They are not huge but they are not small too. Kumilos ako at naihawak na lang n'ya ang mga kamay sa baywang ko nang ayusin ko ang sarili sa ibabaw n'ya. Dahil sa pagkilos ko ay napaupo na ako sa ibabang bahagi ng tiyan n'ya and I felt something. Wala pa akong karanasan pero hindi naman ako inosente sa bagay na iyon. Inignora ko na nga lang iyon at pinakatitigan si Gian na ngayon ay hindi na alam ang gagawin. Nakadukwang na ako ngayon sa kanya at kung hindi dahil sa mga kamay n’yang nasa baywang ko ay baka tuluyan na akong napasubsob sa dibdib n'ya. I caressed his cheek. "What do you think of my offer?" Sandali akong napapikit nang maramdaman ang pagkirot ng ulo. "Sab..." Gumaspang ang boses n'ya. "Umalis ka riyan bago mo pa pagsisihan ang ginagawa mo." Umiling ako. Pinaglaruan ko ang mga butones ng polong suot n'ya at inalis sa pagkakasara ang mga iyon. "Just accept my offer, Mr— Biglang kumilos si Gian dahilan kaya hindi ko naituloy ang sasabihin. Mabilis kaming nagkapalit ng posisyon at dahil natanggal ko na ang karamihan sa mga butones ng polo n’ya ay tumambad na rin sa akin ang malapad na dibdib ng lalaki. "G-Gian..." Saka ako natauhan nang makita ang apoy ng pagnanasa sa mga mata n'ya. "I warned you first, Miss Ricaforte." Nanlaki na lang ang mga mata ko nang maramdaman ang mga labi n’ya sa akin. Mapusok iyon, naghahanap at pinalalalim ang halik. Napaungol ako nang maramdaman ang kamay n'ya sa dibdib ko. Dahil doon ay nagawa n'yang ipasok ang dila n’ya sa loob ng bibig ko. Halos hindi na ako makahinga sa ginagawa n’yang paghalik sa akin pero parang nagugustuhan na iyon ng katawan ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Narinig ko na lang ang sarili kong umuungol sa bawat halik na ibinibigay n’ya sa akin. Sa labi, sa leeg, sa dibdib at ngayon nga ay sa parte kung saan ay hindi ko inakalang mapapakialam din n'ya. Para akong natauhan nang bahagya kong ma-realize kung ano ang nangyayari. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang ungol ni Gian. "Gian!" Itinulak ko s'ya ngunit halos wala na akong lakas. "S-Stop!" Mukhang hindi na nga lang n'ya narinig iyon dahil abala na s'ya sa ibabang bahagi ng aking katawan. Ngunit sandali lang ang reyalisasyon na iyon dahil tinalo na ako ng alak at ng sarap na nararamdaman. "Oh..." Naisabunot ko ang mga kamay sa ulo ni Gian. He's kissing me down there at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nag-angat s'ya ng tingin. Nasa labi pa n’ya ang katas na alam kong sa akin mismo nanggaling. "Do that, Sabina," he commanded. "Moan for me, Ricaforte." Halos maihi na ako nang muli n’yang paglaruan ang parteng iyon ng aking katawan. Akala ko ay exaggeration lang iyong mga kuwentong naririnig ko mula sa mga schoolmates namin. Na puwede pa lang kainin ang parteng iyon ng aming pagkababàe ngunit tama pala sila. Dahil iyon mismo ang ginagawa ni Gian ngayon! Kinakain n'ya ako roon! Kakaiba ang ginagawa ng kanyang dila na sinabayan pa ng kanyang daliri. "Gian!!" Napasigaw na lang ako sa sarap na ibinibigay n'ya ngayon sa akin. "I... I want more!" Of course, all I could do was to beg for more. Kung mas may isasarap pa ba ang ginagawa n'ya sa akin sa mga sandaling ito. Tumirik na ang mga mata ko nang dilaan ni Gian ang clîtoris ko. Kasabay niyon ay ang unti-unting paglabas masok ng kanyang daliri sa aking. Maya-maya pa ay bumilis nang bumilis ang paggalaw ng kanyang daliri. Sa bawat pag-ulos niyon sa akin ay ang pagliyad ko. At kakaibang kawalan ang nararamdaman ko sa tuwing tinatanggal n'ya iyon. "G-Gian!" Kasabay nang malakas na pagtawag ko sa pangalan n’ya ang pagtaas ko sa langit. Hindi pa ako nakakabawi nang maramdaman ko ang matigas na bagay sa parteng iyon ng katawan ko. Nang magmulat ako ng mga mata ay nakita kong magkalebel na ang mukha namin ni Gian. "I told you, Sabina..." Hinihingal na tiningnan n’ya ako bago ko muling naramdaman ang bagay na tumutusok sa entrada ko. "You should not have started this." "Ohhh..." I heard him. Ngunit ang tanging nasa isip ko ay ang pinagsamang sakit at sarap na nararamdaman ko ngayon. And I almost bit his shoulder when he entered me, fully.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD