"Ibig n'yo bang sabihin ay kayo nang dalawa? Magkarelasyon na kayo?" Napahawak ako sa kamay ni Gian nang marinig ang malakas at matigas na boses ni Tito Rafael. Siyempre pa ay hindi na ako nagtaka nang ipatawag n'ya ako rito sa kanyang opisina at hindi lang naman ako, maging si Gian. Alam ko na kaagad kung tungkol saan ang pag-uusapan namin. E 'di siyempre ay tungkol sa aming dalawa lang naman! "Ang akala ko ba ay nanliligaw ka pa lang rito kay Sabina, Gian?" tanong naman ni Tito Rystoff. Present din sila ng mommy ni Gian. Si Reymond nga lang ang wala dahil sa world tour nito. Isang linggo na ang nakalipas mula roon sa kinompronta namin si Cecilia sa opisina ni Gian. At ilang araw pa lang mula nang um-attend ako sa kasal ni Conrad. Sa isang araw naman ay naka-plano kong dalhin si