Pinanlisikan ko ng mga mata si Gian ngunit ang guwapong demonyong ito, wala yata s'yang pakialam kahit na mag-usok na ang ilong ko rito sa inis. "What the hell are you talking about?" inis na asik ko. "Bitiwan mo nga ako!" Ikiniling ni Gian ang kanyang ulo, binitawan n'ya rin ang kamay ko pero hindi naman s'ya lumayo sa akin. Nanatiling ganoon pa rin s'ya kalapit sa akin. "Naaalala mo pa rin ang gabing iyon, hindi ba?" He smirked. "Nakikita ko sa mga mata mo kaya hindi mo na kailangang magsinungaling." Tanging pamimilog ng mga mata ang naging reaksyon ko. Hindi ko inakalang masasabi n'ya sa akin iyon nang harapan! Nang ganito kami kalapit sa isa't-isa! Hindi ko alam kung ano ang itutugon sa sinabi n'ya. Nakikita ko rin naman kasi sa kanya na wala s'yang planong pakinggan ang kung an