Tumutok ang mga mata ko sa tray na naglalaman ng isang pitcher na may lamang malamig na pomelo juice, isang baso at dalawang platito— ang isa ay naglalaman ng dalawang slice ng pizza at ang isa naman ay may isang slice ng mocha cake. Isang salita lang ang pumasok sa isip ko— carbs. "Miss Ricaforte, magmeryenda po muna kayo. Nasa meeting lang si Mr. Ricaforte, ibinilin ka n'ya sa akin kaya kung may iba kang gustong kainin o inumin, sabihin mo lang po sa akin," wika ng babaeng nagdala ng meryenda. Nagpakilala s'ya kanina bilang secretary ni Tito Rafael ngunit nakalimutan ko na ang kanyang pangalan. "Do you have wine?" tanong ko at tiningala ang babae. "White wine, perhaps?" "Po?" The secretary seemed shocked. Hindi ko naman s'ya masisisi dahil alas nueve pa lang ng umaga. I tilted my