CHAS- Chapter 6

2865 Words
Hindi na ako nagtaka nang parehong sumama sa akin sina JC at Markiel. Akala ko talaga ay hindi sila seryoso nang sabihin nilang sasama sila sa akin sa isang club para maki-party. Katulad ng plano ay sinamahan nila ako pabalik sa condo ko. Nagpalit lang ako ng damit pagkatapos ay dumiretso na kami rito sa Aegon’s 99 Club. Sobrang arte ni JC na ayaw n’ya sa crop top at shorts na suot ko, wala tuloy akong choice kung hindi mag-jeans at white shirt. “This is my favorite club here in France,” imporma ko sa dalawa habang papasok sa loob ng bar. “V.I.P ako rito at tuwing gusto kong makalimot o tuwing stress ako ay dito ako pumupunta. This is also my hide-out. Sometimes.” Totoo naman ang sinabi ko. Hindi nga lang ako puwedeng mag-isa sa tuwing pupunta ako rito. Madalas ay kasama ko ang manager kong si Kian at kapag hindi naman s’ya nakakasama ay kailangang may kasama akong staff na mula sa kompanya para masigurong hindi magkakaroon ng isyu ang bawat pagpunta ko rito. May mga pagkakataon naman na nagagawa kong pumunta rito nang ako lang at nagagawa kong makihalubilo sa mga taong nagpa-party rito na parang isa ring ordinaryong tao. Hindi nga lang madalas iyon at hindi rin nagiging matagal ang nagiging interaksyon ko sa mga tao rito dahil lagi na lang ay may nakakakilala sa akin. Napailing si Markiel. “Hindi mo dapat ginagawang libangan ang pag-inom o pagpa-party sa mga club. Hindi ka ordinaryong tao lang. Paano na lang kung may makakilala sa ‘yo rito o kaya naman ay magkaroon ng gulo at masangkot ka?” dagdag pa n’ya. I rolled my eyes. “Ang mga sinabi mo ay natural na senaryo sa mga bar. Iba nga lang ang isang ito dahil sobrang higpit ng rules nila rito at kung sakaling may mangyaring gulo, naba-ban ang mga taong sangkot sa gulo kahit pa gaano kayaman o kasikat. May ilan lang talagang mga pasaway na mas gusto pang gumawa ng gulo kaysa uminom lang nang payapa sa kanilang mga upuan.” Malakas ang musikang tumutugtog sa paligid at maging ang mga hiyawan ng mga tao ang sumalubong sa amin. Ekslusibo ang club na ito ngunit hindi pa rin siyempre nawawala ang mga wild party-goers. Kung hindi ko nga lang kasama ang dalawang lalaking ito ay baka kanina pa ako nagwawala sa dance floor. “Bakit pakiramdam ko ay gusto mong sumayaw?” tanong ni JC. Kanina pa nakasunod ang tingin n’ya sa akin. Nasa ikalawang palapag na kami at patungo na kami sa ikatlong palapag kung saan ay may makikitang kahit kaunting katahimikan. Ang ikatlong palapag ay accessible lang sa mga VIP customer ng club. Hindi masyadong maingay doon at may magandang parte para makita ang kabuuan ng bar. Nagkibit ako ng mga balikat. “Siguro ay dahil isa itong club kaya gusto kong sumayaw?” sarkastikong tugon ko at kumapit sa magkabilang braso ng dalawa. Napahalakhak pa ako nang makita ang ilang babae na halos manghaba na ang mga leeg sa katitingin sa dalawa kong kasama. Kulang na lang ay magpuso ang mga mata nila at halos tingnan naman nila ako nang masama. Women! Hindi ko naman sila masisisi. Aminado akong walang itulak-kabigin kina JC at Markiel. Mga boyfriend material pa at sigurado akong may mga abs ang dalawang ito. Sa built ng mga katawan nila ay halata naman iyon! Tinanggal ko ang mga kamay sa pagkakahawak sa kanilang mga braso at hinawakan ang kanilang mga tiyan. Ang fa-flat at may nakapa talaga akong matitigas na mga pandesal! “Sabina!” Tinampal ni JC ang kamay ko at eksaheradong niyakap ang sarili. “Akala ko ba ay hindi mo ako bet? Bakit nananantsing ka? Sabihin mo nga sa akin ang totoo, may pagnanasa ka talaga sa akin, ano?” Tila nandidiri pa ang tinging ibinigay n’ya sa akin. Si Markiel naman ay nakangising umiling na lang sa inasal ko. “Ang laswa mo talagang mag-isip, Josiah! Malaki ba ‘yan, ha?” Nginisihan ko pa ang lalaki bago nagkibit ng mga balikat. “Na-curious lang ako kung may abs nga kayong dalawa kaya tiningnan ko. And viola, mayroon nga!” Hindi makapaniwalang napailing na rin lang si JC. Nai-stress na kumamot pa s’ya sa ulo. Nauna s’ya sa pag-akyat sa ikatlong palapag pero kaagad din s’yang tumigil dahil may bouncer doon at hindi naman s’ya miyembro ng club kaya hindi s’ya pinapasok sa VIP floor. Ipinakita ko sa bouncer ang membership card. Kaagad na binuksan ng bouncer ang pinto sa ikatlong palapag at pumasok na kami roon. Sinalubong kami ng isang waitress at inihatid sa lamesang katabi ng barandilya ng palapag. Mula sa puwesto namin ay kitang-kita ang pagsasayaw ng mga nasa una at ikalawang palapag. Si Markiel ang nakipag-usap sa waitress at s’ya na rin ang nag-order ng iinumin namin. Napaismid na lang ako nang marinig na puro alak ang in-order n’ya. Halata namang stress s’ya sa nangyayari sa kanya. Ganoon din naman si JC, alam kong hindi s’ya okay kahit na nagmumukha pa s’yang tanga kakatawa. Hindi nagtagal ang waitress. Matapos kunin ang order namin ay bumalik din s’ya pagkaraan ng ilang minuto dala naman ang alak na in-order ni Markiel. Muli s’yang umalis para asikasuhin ang iba pa naming order. Itinuon naman ng dalawa ang atensyon sa alak. Nagsalin sila sa mga baso namin. “Salamat,” pasasalamat ko bago tanggapin ang baso na may lamang alak. “So, life didn’t go as what we planned. Right?” Nakataas ang kilay na pinasadahan ko ng tingin ang dalawang lalaki. Itinaas ko pa ang hawak na kopita. Napatingin sa akin ang dalawa. Nagbanggaan ang mga baso namin. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni JC na bahagyang nakakunot ang noo. Kaagad din n’yang iniwasan ang titig ko at tumingin sa paligid. He’s checking the women at this floor. Nagkibit ako ng mga balikat. “Wala lang, bigla ko lang naisip dahil mukha kayong Biyernes Santo.” Itinuro ko pa ang kanilang mga mukha. “Hindi na ako magtataka kung may mga pinagdaraanan kayong dalawa. Halatang-halata naman iyon but knowing the two of you, nunca na sabihin n’yo sa akin ang eksaktong nararanasan n’yo. Baka dilat na ang mga mata ko rito ay hindi pa kayo nagsasalita.” Markiel chuckled. He sipped his drink. “Wala naman sigurong masama kung uminom kami paminsan-minsan. Ngayon lang ulit ako nakatikim ng alak at kung hindi pa ako nagka-injury ay hindi pa ako makapupunta sa ganitong klase ng lugar. Ganoon din naman si JC, isa pa ay kasama talaga sa plano namin ang bisitahin ka rito at mag-bar. To catch up na rin.” “Stop reasoning out, Markiel,” I cut him off. “Puwede ka namang uminom pero dahil masyado kang adik sa training, pinili mong huwag tikman ang alak at huwag pumunta sa mga ganitong klase ng lugar. At puwede ka ring mag-request ng bakasyon sa kompanyang humahawak sa team mo dahil ni kahit minsan ay wala kang ipinatalong laban pero dahil choice mo, hindi mo ginawa. Huwag nga ako, kahit paano naman ay kilala ko na ang mga hilatsa n’yo.” “Bakit ba parang trip na trip mo kami ngayon, Sab?” tanong naman ni JC. He drank his alcohol. “Ganyan mo ba kami ka-miss?” Inisang lagok ko ang laman ng baso at muling nagsalin doon. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang umahon ang galit sa dibdib ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang galit doon at hindi ko alam kung bakit. Ngunit alam ko kung para kanino… I was mad… Dahil sa mundong ito, dahil sa hindi siguradong takbo ng buhay na mayroon sa planetang ito. Naniniwala akong lahat ng tao ay deserving sa kahit simpleng kasiyahan lang. Iyon lang naman ang hinahangad ng karamihan kahit pa nga may ilan na hindi talaga makuntento sa kung anumang mayroon sila. But there are people na deserving sa maayos, simple at hindi puno ng komplikasyong klase ng buhay. Matagal ko nang itinatanong sa mundo ang bagay na iyon— why it’s so hard to be happy? Bakit parang napakahirap mabuhay? Katulad na lang ng mga kaibigan kong ito. They’re not saints, hindi rin sila perpekto at siguradong negative na rin ang listas points nila sa langit lalo na kung bibilangin ang mga nagawa nilang pagkakamali gaano man kalaki o kaliit iyon. But, mabubuti silang tao. At naniniwala akong deserve nilang sumaya. Ngunit sa nakikita ko sa kanila ngayon, para silang mga pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi man nila ipinapakita ay nararamdaman kong down na down na rin sila. “Life did drain us,” I stated before chuckling. Muli kong ininom ang laman ng hawak na baso bago muling naglagay ng alak doon. “Hey! Easy lang, Sab!” saway sa akin ni Markiel nang makitang mabilis na ininom ko ang laman ng baso ko at nagsalin muli. “Walang aagaw sa ‘yo ng mga alak na ‘yan. Saka, may trabaho ka pa bukas, hindi ba?” “I can always say no,” I replied while massaging my head. “I just want a good sleep. Hindi ko alam pero lumalala ang insomnia ko these days. Isa pa, ngayon lang ulit ako nakainom dahil hectic ang schedule ko ngayong linggong ito.” Kinuha ni JC ang baso ng alak na hawak ko at inabutan ako ng baso ng malamig na tubig. “Kailangan mo siguro ng bakasyon lalo na at ilang taon ka na rin sa pagmomodelo. Hindi ka naman maghihirap kung magbabakasyon ka ng kahit ilang linggo lang,” dagdag pa n’ya. I sighed. Ininom ko ang tubig na bigay ni JC. “I’m just curious, Mr. Ronquillo…” Hinarap ko ang kaibigan. “Aware ka bang nagkita kami nina Gab sa Canada noong nakaraan?” Tumango s’ya. “Yeah, nasabi rin naman ni Sebastian sa group chat, late ko na nga lang nabasa. Nasa Amsterdam ako ng mga panahong iyon.” Ni hindi n’ya ako tiningnan. “So, it’s still her,” wika ko na ikinasamid ni Markiel. Kaagad na namula ang magkabila n’yang mga tainga kaya mas napangisi ako. Nanunukso ang mga matang tinitigan ko ang kaibigan, hindi nga lang sinalubong ni Markiel ang mga mata ko. Ini-straight na inom n’ya ang laman ng kanyang baso kaya napahalakhak na lang ako. Masaya akong malaman na may lalaki pa palang katulad ni Markiel na nananatiling puro ang pagmamahal sa isang tao. Masaya rin ako para kay Gabriella dahil kung sakali man, kahit napakaliit lang ng posibilidad na iyon, alam kong hindi s’ya sasaktan ni Markiel. Ngunit ang maliit na tsansang iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko magawang maging masaya para kay Markiel. Dahil alam kong katulad ng nangyari noon, hindi sapat ang puro at ilang taon n’yang pagmamahal para sa lokaret na iyon. Wala tuloy akong magawa kung hindi ang huminga nang malalim. Masasaktan lang s’ya, maging sa pagkakataong ito. Ang sakit sa ulo ng buhay na ‘to! At ang hirap maging tao! “Stop teasing him, Sab,” saway naman sa akin ni JC. Hinarap n’ya si Markiel. “Hayaan mo na ang baliw na ‘yan, kulang lang talaga yata ‘yan sa alak.” Ngumiti lang si Markiel at ginulo ang buhok ko kaya agad kong tinabig ang kanyang kamay. Natawa lang s’ya at napailing. Nagkibit ako ng mga balikat. Hindi ko tinanggal ang mga mata kay Markiel kahit pa nanatiling iniiwasan n’ya ang akin. “Uuwi ka na rin naman, bakit hindi mo pa gamitin ang pagkakataong ito so you can win Gabriella?” Markiel shook his head. “Sab…” “Bakit hindi?” dagdag na tanong ko pa. “Wala na naman sina Ric at Gab and by the way I see it, wala nang balak si Gabriella na makipagbalikan pa kay Ric and ganoon din naman ang lalaking iyon. He loathed Gab, you know.” Ngumisi lang si Markiel at itinuro ang ibabang bahagi ng club. “Gusto mo bang sumayaw?” Umiling ako at ininom ang laman ng baso. “Nope. Gusto kong sumayaw pero wala ako sa mood para gawin iyon. Okay na ako rito, drinking while eyeing the people downstairs.” “You’re still weird,” nasabi na lang ni Markiel na kaagad na sinang-ayunan ni JC. “Alam mo naman… sa kanilang tatlo, ang isang ‘yan ang mahirap ispelingin,” nakangising dagdag pa ni JC. Ilang bote pa ng alak ang naubos namin kahit na sa totoo lang ay ako lang ang malakas na uminom. Halata sa dalawa na nililimitahan nila ang mga sarili nila sa pag-inom. Hinayaan ko na lang sila sa mga trip nila. Marami na rin kaming napag-usapan at libang na libang ako sa pakikinig sa mga kuwento nila. Hindi ko na namalayang tumatawa na ako sa mga kalokohang ikinukuwento ni JC at kahit si Markiel ay nakikisali na rin. Mukha ngang nag-improve na ang sense of humor ni Markiel dahil nasasabayan na n‘ya ang mga kuwentong barbero ni JC. “Sandali lang, gagamit lang ako ng restroom,” paalam ni Markiel at tumayo. Itinuro ko ang kaliwang bahagi ng palapag. Nandoon ang pribadong bathroom na para sa mga nasa palapag na ito. Nang makaalis si Markiel ay hinarap ako ni JC. “Sabina, let me ask you a question…” Tumaas ang kilay ko at tinungga ang laman ng baso. Hindi ko nga lang nainom ang laman niyon dahil mabilis na iyong naagaw ng lalaki. “Hey!” Inis na kinurot ko s’ya sa tagiliran at tinangkang agawin ang baso ngunit nailayo na n’ya iyon sa akin. “Ano bang problema mo, ha?” Ngumisi si JC. “Is it Gian, right?” Ginaya pa n’ya talaga ang paraan ng pagkakatanong ko kanina kay Markiel. Wala akong iniinom na kung anong likido pero nasamid pa rin ako dahil sa pangalang kanyang binanggit. “Shut up!” asik ko sa kanya. Bigla na lang nawala ang hilong kanina ko pa nararamdaman dahil sa paksang gustong buksan ng siraulong si JC. Ngumisi lang si JC. “Tell me, Sabina, anong mayroon sa inyo ni Gian at nagkakaganyan ka? Siya rin ba ang dahilan kung bakit hindi mo magawang umuwi sa Pilipinas? O baka naman ay may ginawa sa ‘yo ang gagong ‘yon?” Bahagya pang tumaas ang boses ni JC. Ginawa? Si Gian ba ang may ginawa sa akin o ako ang may ginawa sa kanya? Ano nga ba? Hindi ako sumagot sa halip ay ininom ang laman ng baso ni Markiel. “Nagkaroon kami ng collaboration project sa kompanya n’ya,” pagpapatuloy ni JC. “Muntik na ngang masuntok ni Chris ang lalaking iyon dahil sa isa sa naging demands n’ya para sa project na iyon.” Nangunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?” “One of his demands was a piece of information about you and your whereabouts.” JC raised his eyebrow. “Inakala ni Chris na ini-stalk ka ni Gian kaya halos mag-amok s’ya sa conference room. Mabuti na lang at napigilan ko dahil malaki rin ang project na iyon at ako talaga ang susuntok kay Chris kung sakaling hindi natuloy.” Hinawakan ko ang sentido at pasimpleng minasahe iyon. “Wala kaming kahit anong history ni Gian.” Wala nga ba talaga, Sabina? tanong ng mahaderang parte ng isip ko. “Ows?” JC smirked. “Sa tingin ko kasi ay interesado sa ‘yo ang lalaking iyon. Sabay kayong lumaki, hindi ba?” "Sabay lang kaming lumaki, interesado na kaagad?" I shook my head. Bago ko pa masakal si JC ay humahangos na lumapit na sa amin si Markiel. Namumutla s’ya at nag-aalalang tumingin sa akin. Pareho tuloy kaming napatayo ni JC para alalayan s’ya dahil mukhang anumang sandali ay mawawalan na s’ya ng balanse. “May problema ba, Mark?” nag-aalalang tanong ni JC sa lalaki. Markiel gulped. Hinawakan n’ya ang isa kong kamay. “W-We need to go back, Sab.” Ikiniling ko ang ulo. “Agad? Wala pa tayong limang oras dito. Nagsisimula pa nga lang ang gabi.” Tumingin pa ako sa relo, alas dose pa lang ng madaling araw! “No, I mean… kailangan na nating bumalik sa P-Pilipinas,” halos mabulol na sabi ni Markiel. Ipinakita pa n’ya ang cellphone at nakita ko sa screen niyon ang pangalan ng pinsan kong si Reymond. One minute ago ang nakalagay sa call history. “Markiel,” JC called him, frowning. “Anong nangyayari? Anong sinabi ni Reymond?” Hindi kaagad nakasagot si Markiel. Para s'yang natulala. JC frowned while looking at his cell phone. Nag-ring na rin iyon kaya kaagad n'yang sinagot. "Hello? Who's this? Gian?" Nanlaki ang mga mata ko sa binanggit n'yang pangalan. Si... Gian? Bakit s'ya tatawag kay Josiah? May nangyayari ba sa Pilipinas? "What?!" Katulad ni Markiel ay namutla na rin si JC. He looked at me with his weary look. "H-Hey... kinakabahan na ako sa inyong dalawa." Nagkunwari akong natatawa sa dalawang kaibigan pero sa totoo lang ay ibang kaba na ang nararamdaman ko. Sinulyapan ni Markiel si JC bago muling bumaling sa akin. “Your grandparents… Wala na sila, Sabina.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD