Nanatili akong nakangiti kahit na gusto ko na talagang mapikon. Kung kailan kasi tumanda, saka pa nagpapa-baby itong si Gian! "I told you, kailangan mong uminom ng gamot!" Lumakas ang boses ko pero pinipilit ko pa rin namang pahabain ang pasensya. "Baby... ayoko na nga. Okay na ako, malakas na ako." Inis na lumapit ako sa kanya at pinitik s'ya sa noo. "Tatlong araw pa lang mula nang umalis tayo sa ospital. Ang sabi ng doktor, iinumin mo ang gamot na ito for seven days." Kumamot s'ya sa ulo at ngumuso. Aba! May gana pang magpa-cute! Nasa mansyon kami ng mga Montemayor. Hindi kasi pumayag si Tita Monica na hindi rito uuwi ang anak pagka-discharge sa ospital. Walang nagawa si Gian nang magdesisyon ang kanyang ina na rito muna s'ya manatili habang nagpapagaling. Mas gusto n'yang sa cond