CHAPTER 11 CALL ME, KUYA! Masaya akong umuwi ng bahay at inabot kay mama ang sahod ko sa paglilinis ng condo unit kasama si Budang. “Ikaw? Baka, wala kana." Nginitian ko si mama. “Awsus, kayo na po ang bahala riyan mama, may pera pa po ako rito, isa pa, kung iyan ay nasa aking kamay ay for sure kinabukasan, wala na iyan. Kinabukasan naglaho na iyang pera na iyan, bakit? Dahil bibilhin ko lang yan ng mga pagkain like chichirya, gusto niyo ba ng ganyan?” Tanong ko habang nakangisi. "Ikaw talaga na bata ka, ang hilig mo sa mga junk food kaya ang mga paninda natin sa tindahan ay halos wala na ang mga chichirya dahil kinain mo na pala.” Ani ni mama at natawa ako. Nanonood si papa ng basketball sa sala at nasa kwarto ako ng mga magulang ko habang si mama ay busy sa paglalagay ng mga tinupin