"Are you kidding me right now?" gigil kong bulalas matapos makita ang kalat ni Gray Price.
Ang galing! Unang araw sa Maynila at heto ako't maglilinis ng kalat ng isang lasinggero! Kingina talaga nitong si Gray Price.
Ang una kong ginawa ay ang hilahin ang mabigat na lalaki. Imagine my skinny self dragging a muscled man like him! Hinila ko siya mula front door hanggang sa sofa sa sala. Muntik na akong masuka nang maamoy ang mabahong amoy ng suka pero wala akong nagawa kung hindi hubaran siya para mawala ang amoy. Iwinagwag ko rin ang paa kong nasukahan niya. Buti na lang at pinatawad naman niya ang pantalon ko. Nang sabihin ni Lolo na kaibiganin ko siya ay hindi ko inakalang magsisimula ako kaagad! Ugh!
Tinanggal ko ang top niya and while I'm gay as the unicorn, hindi naman ako maglalaway sa kahit na anong katawan ang makita ko. Kahit may six packs, puno ng muscles at tan na lalaki. Pinilig ko ang ulo ko. Point is, just because I'm gay doesn't mean I'll go on my knees and worship every body I see. Even if how Godly they look.
Hinawakan ko ang damit niya gamit ang dalawang daliri ko at ipinasok sa loob ng washing machine. Suno ay kumuha ako ng palanggana at bimpo mula sa maleta ko. Nagpapasalamat na lang din talagaako na hindi tinangay ni August anfmga gamit niya. Pabuntong-hininga kong nilampaso at nilinis ang kalat at ini-sprayan ito ng pabango para mabawasan ang amoy.
Narinig kong umungol si Gray Price kaya naman nang matapos sa ginagawa ay siya naman ang sinunod kong linisin. Pinalipitan ko ang bimpo at akmang pupunasan na siya ngunit natigilan ako nang makita ang mukha niya. I just stared at his face. I'm not gonna lie, he was attractive when I saw him in the picture but up close, wow. Gray Price is a sight to behold. Makakapal ang kilay niya na ang kaliwa ay bahagyang nakatalikwas ang dulo na nakadagdag lang sa appeal niya. Mahahabang pilik-mata na may nunal sa ilalim ng kanang mata. A pointed nose that I could probably slide on, nakuha niya marahil sa lahing amerikano niya. Ang mga labi niya ay manipis ngunit maganda ang hugis.
Okay. Am I really checking out a guy who just made a mess in someone else's room and left me to take care of him?
Umiling ako kasabay ng ngiting nakakaloko bago ko siya sinimulang punasahan mula sa mukha niya hanggang sa katawan... ng medyo pagigil.
"I'm only doing this because I feel bad for you. Khuṇ mị̀mī mæ̀ ph̀xkhuṇ thîng khuṇ xỳāng n̂xy c̄hạn k̆ yạng mī Pops k̄hxng c̄hạn xyū̀." (Wala kang Nanay, iniwan ka ng Tatay mo. At least ako meron pa akong Lolo.) Napatigil ang kamay ko sa kaliwang braso niya nang makita ko ang isang tattoo. "Cecilia?" natatawa kong basa.
Parang 'yung kanta lang. Corny. What an irony your life is Gray Price.
Nang matapos ko siyang punasan ay sininop ko ang mga ginamit ko at ibinalik sila sa mga dapat kalagyan bago ako kumuha ng malinis na kumot na nakita ko sa loob ng isang cabinet at ipinatong ito sa naghihilik na lalaki.
"Naks, at home na at home." naiinis kong sambit at iiwanan na sana siya pero narinig kong nagsalita siya.
"You knew how much I loved her, Gus." nakita ko kung paanong malaglag ang isang butil ng luha mula sa mata niya at awtomatikong umangat ang kamay ko para sana punasan iyon pero pinigilan ko ang sarili ko.
Gus? August? Wait, Gray is brokenhearted because of his ex and August left in a hurry. Posible bang totoong inagaw ni August ang nobya ni Gray?
I facepalmed myself. "August, gago ka, ano na namang ginawa mo?"
Pero kilala ko si August, hindi siya ang tipo ng lalaki na mang-aagaw ng may girlfriend nang may girlfriend. Oo nga't babaero siya pero hindi ko pa nabalitaang nang-agaw siya. O hindi nga ba?
Napatingin ako sa mukha ni Gray na mababakas ang sakit na nadarama. "Hindi kita kilala at hindi ko alam ang pinagdaraanan mo pero hindi ba't parang sinasayang mo lamang ang buhay mo para sa isang babae?"
Nakita ko kung paanong gumalaw si Gray sa pagkakahiga bago muling nagsalita. "Cecilia, huwag mo akong iwan."
Naiiling ko siyang iniwan ko siya at sinimulang alisin ang mga gamit ko mula sa maleta at maayos na isinalansan ito sa isang drawer. Inilagay ko ang picture frame na baon ko na kumpleto pa ang pamilya ko sa ibabaw ng maliit na mesa sa gilid ng kama at nginitian ito. Konti lang naman angmga gamit ko kaya konti lang din ang binaon ko. Mayroon lamang akong sampung tee shirt, tatlong jacket, limang sando, 3 polo shirt, isang formal suit, tatlong maong, limang shorts at mga boxers. Nang matapos ay inilagay ko sa ilalim ng kama ang maleta ko at kinuha ang inihandang isusuot ko at ang hygiene kit ko bago pumasok sa loob ng banyo. Inilagay ko ang toothbrush, toothpaste, mouthwash , floss, cream at lotion sa ibabaw ng lababo.
I am not a clean freak per se, gusto ko lang na nasa ayos ang mga gamit ko at alam ko kung saan ko sila iniwan at kukuhanin.
Nakahinga ako ng maluwag habang nasa ilalim ng shower. Ngayon ko naramdaman ang pagod ng katawan ko sa maghapon. Hindi lang pisikal kung hindi mentally at emotionally. At ito pa lang ang unang araw ko, ano na lang sa mga susunod na araw?
Sa loob ng banyo na ako nagbihis dahil hindi ako komportableng magbihis na may ibang tao ss paligid. Siniguro kong naka-lock ang front door bago nahiga sa kama na amoy bago naman. Hindi rin nagtagal ay bumigat na ang mga mata ko at hinayaan kong lamunin ako ng antok.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong natutulog pero nagising na lang ako sa ingay ng mga isinasarang cupboards na para bang may hinahanap. I groaned irritably at sinubukang huwag pansinin ang ingay sa pamamagitan ng pagtatakip ng unan pero hindi ito nakatulong. Kingina, seryoso?
Gigil ay inis akong naupo at sunigaw. "H̄yud!" (Stop)
Ugh! Ito ang dahilan kung bakit mas gusto kong mag-isa. Idagdag mo pang hindi ako morning person. Sobra ba kung humiling ako ng ilang oras pa para magpahinga? Hindi na talaga ako natutuwa sa gagong 'to, eh.
"Who the heck are you and what are you doing in my room?"
I flinched a little when I heard him shout. Palasigaw din si bugok. Diyos ko, hindi ko pa siya gaanong kilala pero inilalabas na niya ang halimaw sa kaloob-looban ko.
"You mean, 'my house'?" sarkastikong tanong ko sa kaniya na gumawa pa ng invisible na quotation marks gamit ang mga daliri ko.
"The f**k are you talking about? This is my..." napatigil siya at nakita ko siyang tumitingin sa paligid. Ang slow niya, sobra. Nilamon na yata ng alak ang utak niya. "Paano ako napunta dito at bakit ako nakahubad?" bigla ay mukha siyang nandiri habang nakatingin sa akin kaya naman napatingin ako sa ibang direksyon.
Great, mukhang homophobic din siya. Ano pa bang pangit na ugali niya ang matutuklasan ko sa araw na ito?
"s**t, don't tell me I got so f*****g drunk I screwed a guy?" tila'y diring tanong niya sa sarili. Bahagya akong nasaktan sa sinabi niya pero hindi naman maitatangging straight siya. It'sa normal reaction. I think.
"No, no, no, no. God, no." paulit-ulit na usal niya sa sarili habang nagpapabalik-balik sa maliit na sala.
Namasahe ko ang noo ko ng wala sa oras. Nararamdaman ko na ang paparating na sakit ng ulo. "Dude, seriously, stop pacing! Walang nangyari sa ating dalawa. Ang nangyari ay gumawa ka lang naman ng eksena sa harap ng kwarto ko, sinukahan ako---which is by the way, nasty. Pagkatapos ay nilinis ko ang kalat mo." mahabang paliwanag ko. "You're welcome." sarkastikong dagdagko.
He calmed down a little. "Shirt, where's my shirt?"
Oo nga pala. Tumayo ako at naglakad papunta sa banyo para kunin ang tee shirt niya na pinatuyo ko at ibinigay ito sa kaniya. Hindi siya nag-abalang amuyin man lang ito bago mabilis na isinuot na para bang nagmamadaling itago ang katawan.
Napapalatak ako at hindi napigilang tanungin siya para sa ikatatahimik ng kalooban ko. "Listen, kaibigan ako ni August, ako si Meek. Ibinigay niya sa akin abng kwarto niya na ito. Hindi sa chismoso ako pero curious lang ako dahil sa nangyari kagabi. Ano'ng ginawa niya sa'yo?"
Nakita ko kung paanong nagtagis ang mga bagang niya kasabay ng paninigas ng katawan niya. Tama nga ako, may nangyari sa pagitan nilang dalawa.
"Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong kaibigan?" hahakbang na sana siya palabas pero tunigil siya. "Look, I'm sorry I made a mess here and it won't happen again."
C̄hạn s̄ngs̄ạy mạn(I doubt it). Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko.
Hindi na ako muli pang nagsalita hanggang sa makaalis siya. Kinuha ko ang ginamit niyang unan at inayos ito bago tiniklop ang kumot na ginamit niya at inilagay sa marumihang naroon. Sunod ay inayos ko ang pinaghigaan ko. Ang isip ko ay lumilipad, hindi naman talaga ako chismosong tao pero para matulungan si Gray ay kailangan kong malaman ang totoo.
I made up my mind and decided to finally call August. Sumagot siya kaagad matapos ang apat na ring. "Hey, Meeks." kunwari'y masiglang bati niya sa akin but I know better.
"Bro, can we talk?"
Narinig ko siyang bumuntong-hininga sa kabilang linya. "Is it about last night?"
"Yes."
"Bestfriend ko si Gray, Meek. O mas tamang sabihin na ex-bestfriend. Hindi ko na siya itinuring na kaibigan mula nang saktan niyaako dahil nakipag-break sa kaniya ang ex niya dahil sa akin. They broke up half a year ago but Gray can't accept it. Pinili ako ni at hindi siya at hindi naman siguro kasalanan na minahal ko siya dahil single na rin siya."
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa narinig ko. Sabi ko na eh, alam kong hindi si August ang tipo ng tao na nang-aagaw ng iba. Pero hindi naman maitatanggi na naaawa ako kay Gray dahil halata namang mahal na mahal pa rin niya si Cecilia. Let's just ignore the sound of my heart shattering kasabay ng pag-amin niya ng pagmamahal sa isang babae.
I smiled sadly at him at ikinuyom ang kamao ko upang pigilan ang sariling umiyak sa harap niya. "Thanks, Gus. Gusto ko lang namang marinig ang katotohanan matapos ang ginawa niyang panggugulo kagabi."
"I'm sorry, Meek. Hindi ko naman ginustong madamay ka sa g**o namin."
Matagal na akong damay, August.
"Okay lang, bro. Wala 'yun. Bye."
Matapos maibaba ang tawag ay hinayaan kong malaglag ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. He sounded so happy and in love. Bakit ba kasi hindi na lang piliin ng mga puso natin kung sino ang mamahalin nila? 'Yung mamahalin din tato at hindi tayo sasaktan o paaasahin. 'Yung mag-aalaga sa mga puso natin kagaya ng tiwala na ibinigay natin sa kanila nang ibigay natin sa kanila ang puso natin.
Pabukaka akong umiyak sa gilid ng kama ko. Sabi mo sanay ka na, sabi mo hindi ka na masasaktan. Ano'ng ginagawa mo ngayon, Meek? Ǹā s̄eīydāy thī̀ khuṇ mxng.(Nakakaawa kang tignan.
I cried my heart out, the sound echoing inside the room only for me to hear. Kailan ba ako iiyak at may makakarinig naman sa akin? 'Yung tatanungin ka kung bakit ka umiiyak at kung ayos ka lang ba?
Buong buhay ko na ako umiiyak mag-isa, eh.
Lo, how can I possibly mend a brokenheart when I'm in the process of it too?