Chapter 4

1982 Words
Nang tumunog ang alarm ko ay muntikan ko na itong ibato palabas sa bintana at mabigat ang katawang umupo. Ginulo-g**o ko ang buhok ko sa isiping kailangan ko nang tumayo para pumasok para sa unang araw ng klase. Sa Chiang Mai ay may oras ang klase niya at hindi niya kailangang umalis ng bahay. Ang isipin pa lang na makikisalamuha ako sa ibang estudyante ay parang hinahalukay na ang tiyan ko sa kaba. Ngayon pa lang ay dama ko na ang magiging pagod ko matapos ang araw. Tapos ay mayroon akong limang subject sa araw-araw? Lo, pwede pa ba akong mag-back out? Padabog akong tumayo pero hindi pa ring nakalimutang ligpitin ang pinaghigaan. The only good thing about the School ay hindi ko kailangang magsuot ng uniform. I am honestly not a fan of uniforms, mas gusto kong magsuot ng simpleng tee shirt at pantalon. It makes me feel a little comfortable and it's just... me. Dapat ay bilisan ko na ang galaw ko at galingan ang diskarte ko para maging kaibigan ko na si Gray Price at maiayos anf buhay niya. Para sa gano'n ay makabalik na ako sa Thailand. Matapos ang mabilisan ngunit matinong pagligo ay nagbihis na ako at sinukbit ang bag na hinanda ko. Naglalaman ito ng mga gamit ko sa School na binili ko kahapon lamang. Kinuha ko ang kursong gusto ko at ito ay ang Bachelor of Fine Arts(Art History). Bata pa lang ako ay mahilig na akong magguguhit at magpipinta ng kung ano lang. Tanda ko pa noong bata ako ay hilig ko pang i-drawing ang mukha ng mga magulang ko ngunit nang lumaki na ako ay tanging si Lolo na lamang ang naiguguhit ko. I love drawing things and people, unlike photos, I can remember every single details habang iginuguhit ko sila. Tatatak sa isip ko ang bawat detalye at hindi ganoon kadaling kalimutan. Para sa iba ay nakakatamad at mas gugustuhin na lang nilang kumuha ng pictures pero nasaan ang thrill? After you capture a picture, sigurado ka bang malinaw ito at hindi blurred? People love to take pictures after pictures at titignan lamang kung ayos ba ang kuha nila kapag wala na sa momentong iyon. And I love the knowing and studying the history behind every artworks. Sinigurado kong naka-lock ang kwarto at ibinulsa ang susi bago naglakad papuntang elevator. May isang grupo ng estudyante akong nakasabay at talaga namang halos magpanting ang mga tenga ko sa ingay nila. Pabuntong-hininga akong lumabas mula sa elevator, wala pa man sa School ay gusto ko nang umuwi. Dahil malapit lang ang Sunnyside High ay nilakad ko ito kasabay ng iba pang estudyante. May mag-nobyo, may grupo, merong naglalakad na sa cellphone nakatutok at meron din namang mga katulad ko na mag-isa. Inilagay ko ang headset ko at nakinig sa music habang naglalakad para mawala ang iba't-ibang klase ng ingay sa paligid. I'd rather be anywhere Anywhere but here I'd rather be anywhere Anywhere but here I close my eyes and see a crowd of a thousand tears I pray to God I didn't waste all my good years All my good years All my good years Mga tawanan at kuwentuhang hindi ko na naririnig pa. Bumubuka ang mga labi nila ngunit wala akong naririnig na boses. Mga sasakyan at lintek na motor na kung makapaglagay ng muffler ay akala mo ikina-astig nila. Narating ko rin ang SSH and made myself as small as possible para hindi mabunggo ng ibang tao. Hindi naman sa maarte ako at ayoko ng human contact. Hindi lang talaga ako natutuwa kapag may nakakasagi sa akin o ang pakiramdam ng namamawis na braso sa balat ko. Public mang maituturing ang SSH ay nabasa kong may reputasyon naman ito pagdating sa mga estudyante. Ilan sa mga matataas ang tungkulin sa gobyerno ay dito nagtapos. At kilala rin ito dahil sa dami nang naggagandaham at naggwagwapuhang mga estudyante. Pagpasok pa lang ay sumalubong na ang logo ng School na isang malaking araw na estatwa. My eyes slid from it to the students around me and I felt my head pound. I can do this, the faster I finish my task, the faster I can get out of here. Nagtanong ako sa gwardya kung saan makikita ang record section para makuha ang records ko at itinuro naman niya ito na sa bandang kaliwa. Nagpasalamat ako at naglakad na papunta roon. Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang mga building at may mga nadaanaan din akong food stalls kung saan may ilang estudyante ang bumibili. Sunod kong nadaanan ang gym na may kasalukuyang naglalaro at marami ring estudyante ang nanunuod at sumisigaw. I automatically grimaced by the sound at bahagyang binilasan ang lakad. Katabi nito ay ang Library and I made a mental note to visit it later. Bago makarating sa dulo ay nakita ko na ang record section at dahil hindi na simula ng School Year ay walang nakapila. Maghahabol nga pala ako ng isang buwang aralin. Haha. Seryoso? "Good morning po, I'm a new student po. My name is Boon-Mee Chantharat, Ma'am." Sa hinuha ko ay nasa early forties pa lang ang Ginang na kaharap ko ngayon. Mukha siyang masungit at ang masusungit na mukha at ang introvert na ako ay hindi magandang combination. "Later enrolee, ano? Naliligaw ka, ato. Sa registrar mo makukuha ang schedule mo." "Ah," mukhang tanga kong sagot at napakamot. "Pasensya na po. Hindi ko po kasi alam." Home schooled po kasi ako buong buhay ko halos. "Kumanan ka lang diyan tapos kapag nakita mo ang cream na building ay iyon na iyon." "Salamat po." Shia, Xị ngò, Meek. (s**t, you're stupid, Meek.) Naiiling sa sarili akong naglakad pakanan at hinanap ang cream na building at hindi naman ako nahirapang hanapin ito dahil ito na yata ang pinaka-magarang building dito. Agad kong nakita ang Registrar dahil na rin sa malaking letters at pumila. "Good morning po. Kuhanin ko lang po sana ang records ko. Online po ako nag-enroll. Boon-Mee Chantharat po ang name ko." magalang na bungad ko habang nakatapat sa window. "Okay, sandali lang ha?" "Sige lang po." tumingin ako sa paligid at nahagip naman ng mga mata ko si Gray Price at awtomatikong nalukot ang mukha ko. Oh, look at him walk like he owns the whole world. His head is held high while his hand is inside his pocket. He looks so... confident. Isang bagay na wala ako. Nakita ko kung paano siyang sundan ng tingin ng mga kababaihan at halata ang paghanga sa mga mukha nila. What's with girls and thei obsession with bad boys? Seryoso. Hindi ko maintindihan kung bakit gwapong-gwapo sila sa mga lalaking mukhang mananakit. Napailing na lang ako sa inasta nila. I wonder what his course is? Siguro naman ay hindi kami pareho, ano? "You're good to go, Mr. Chantharat. Ito ang schedule mo, ang I.D at ang p.e uniform mo na kasama na sa nabayaran." iniabot niya sa akin ang plastic na naglalaman ng mga gamit ko at tinanggap ko naman ito. "Salamat po!" nakangiti akong tumalikod bago inilagay sa bag ko ang iba at binasa ang schedule ko. It's a good thing na 9 a.m pa ang una kong subject which is English. Meron pa akong isang oras para pumunta sa Library. Itinupi ko ang papel at inilagay sa bag ko bago naglakad papunta sa Library. Pagdating doon ay inilabas ko ang I.D ko at ipinakita sa Librarian at binigyan naman niya ako ng Library card at doon ko isusulat ang mga dadalhin ko palabas kapag nagkataon. Mangilan-ngilan lang ang tao sa loob kumpara sa gym na puno ang tao kaya naman nakaramdam ako ng excitement. Dumiretso ako sa history section at naghanap ng librong hindi ko pa nababasa. You see, being an introvert, I grew up with books and I love reading books. Be it history, fiction or non-fiction. I also read romance books, sue me. Ang nakaagaw ng pansin kong libro ay may title na, "The Work of the Dead" kaya naman kinuha ko ito at naghanap ng pwesto na malayo sa iba bago naupo. Umpisa pa lamang ng storya ay exciting na at nang ihahanda ko pa lang ang sarili ko para magbasa ay may naupo sa tapat ko. Seryoso? "Hi!" bati ng isang babaeng naka-pigtail at mukhang inosente ang mukha matapos maupo. Her eyes slid from my face to the book I'm holding. "Ooh. Nice taste. Maganda 'yang story na 'yan." Pinigilan ko ang sarili kong bumuntong-hininga sa inis. Ayaw na ayaw ko pa man din na iniistorbo ako kapag nagbabasa ako. "Hello." matabang na bati ko sa kaniya at isinara ang librong hawak. Nawala na ang mood kong magbasa kaya para saan pa? Ilalagda ko na lang ito sa card para hiramin at sa bahay ko na lang babasahin. "Sorry kung naistorbo kita, ha? May itatanong lang ako." Nagtataka ko siyang tinignan habang isinusulat ang title ng libro sa card ko. "Okay?" close ba tayo? Gusto ko sanang idagdag. Napapalakpak siya at napaikot naman ako ng mga mata. Lumaklak ba siya ng energy drink? Halos tumalon na siya sa upuan niya, eh. "Gay ka 'no?" pabulong niyang tanong na nagpa-ubo sa akin. Seryoso? Meron bang nakasulat sa noo ko na nagsasabing bakla ako? At hindi ko man ipinagsisigawan na bakla ako ay hindi ko rin itinatanggi ito. I am out and proud. I sighed. "Yes." Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang siyang impit na tumili at inilapag sa harapan ko ang mga manga niyang yaoi. Napa-facepalm na lang ako nang mapagtanto kung ano siya. Isang fujoshi o 'yung mga babaeng obsessed sa boys love. "Omg, I knew it! Nakita pa lang kita pagpasok mo ay naamoy na kita." "Uh, usually ay straight guys and pinapantasya niyo, hindi ba?" Nagkibit-balikat siya. "Eh, straight boys falling in love with each other is so old fashioned. I prefer one being gay or bisexual." Ang kaninang inis na naramdaman ay unti-unting nawala sa sistema ko dahil sa sinabi niya and I found myself smiling a little. Dumukwang siya at iniabot ang I.D ko bago binasa ang pangalan ko. "Boon-Mee Chantharat? T-thai ka?" nagningning lalo ang mga mata niya. Alam ko naman na ang Thailand ang nagiging sikat na dahil sa boys love na lakorn. "Half-thai, half-filipino." Pabigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Sawasdee kha. Ako nga pala si Mika Robles, adik sa BL. Fan ako ng Sotus, Dark Blue Kiss, Love by Chance at 2ge---" "Okay, okay. I get it." napabuntong-hininga ako dahil sa pagiging energetic niya. Para talaga silang mga straw na nanghihigop ng energy ng iba. "Nice to meet you, Mika. You can call me Meek." "Chai kha." (Yes.) muli siyang naupo sa harap ko at tumunghay sa akin. "Curious lang ako, Meek. Mas accepted ba ang mga LGBT community sa Thailand kaysa dito?" "Don't let the dramas fool you." panimula kong sagot at tinapos ang pagsusulat sa card. "Katulad dito ay hindi pa rin accepted ang LGBT, even the BL actos there are not that accepted. Kahit gaanong popularity ang natatanggap nila ay maliit ang tingin sa kanila sa industriya. Gays are still getting bullied." Ayoko sanang balikan ang naging karanasan ko pero kung tutuusin ay mas malala pa rin ang naranasan ko dito sa Pilipinas. Lalo na noong panahon na... gusto ko na sanang kalimutan pero ito rin ang naging dahilan kaya hindi ako basta-basta umuurong. Muntik pa akong mapatalon nang pabigla niyang hinampas ang mesa dahilan para mapagsabihan kami ng Librarian. "And I hate that! Dapat hayaan na lang nilang magmahalan ang mga bakla. Hindi naman kasalanan ang magmahal ng kapwa nila as long as wala silang nasasaktang tao, 'di ba?" marahan ko siyang pinatahimik dahil lumalalas ang boses niya. "`Coz you do not fall for their gender. You fall for their personality!" And that made me stop at tumingin lang ako sa kaniya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. I think I just made a new friend, Lo. Hindi pa siya si Gray Price pero ayos na rin. I think she's pretty cool. "Right." I answered in agreement.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD