Chapter 2

1901 Words
Chapter Two "Take care of yourself, brat. Huwag kang papagutom ang payat-payat mo na. Huwag kang manlalalaki at magda-drugs kung hindi itatakwil kita." ang mga nakakaiyak na habilin ni Lolo bago ako umalis. Sinabihan ko na siyang huwag na akong ihatid kaya naman sa labas na lamang ng isla niya ako inihatid. "At kung may magkakagusto man nga sa'yo, huwag kakalimutan ang proteksyon." "Lolo." ang nahihiya kong saway sa kaniya sabay sulyap sa mga tao sa paligid namin. "Hindi kita kilala. Hindi kita Lolo." "And you're not mine either, you little shit." Napabuntong hininga na lang ako at napailing sabay baling sa pinsan kong si Choochai. Siya ang kasalukuyang Manager ng Isla dahil hindi na kaya ni Lolo ang stress na dulot nito. Malaki ang tiwala ko sa kaniya at sa asawa niyang si Dok Mai na aalagaan nila ang isla at lalo na si Lolo. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Lolo dahil napakabuti niya. "Pord dūlæ k̄heā d̂wy k̄heā xāc ca pwd h̄ạw khrậng h̄ıỵ̀ tæ̀ pord ch̀wy k̄heā d̂wy." (Please take care of him. He can be a huge headache from time to time but please put up with him.) Niyakap ako ng mahigpit ni Choochai at tinapik ako sa balikat. "Mị̀ t̂xng kạngwl kạb k̄heā mùng nên pị thī̀ kār ṣ̄ụks̄ʹā k̄hxng khuṇ thī̀ nạ̀n læa yeī̀ym chm dị̂ tlxd welā." (Don't worry about him. Focus on your studies there and visit anytime) Nginitian ko siyang muli bago niyakap si Lolo sa huling pagkakataon at dinantayan ng halik ang noo niya. "Love you, 'Lo. Pangako babalik kaagad ako at kasama ko na si Gray Price bilang kaibigan ko." hindi ko na siya hinintay pang sumagot at sumakay na sa sasakyan na naghahatid sa akin sa airport. My eyes watered but I held it in. Ito ang unang pagkakataon na iiwan ko si Lolo pero para sa kaniya naman ang gagawin ko. Para sa hiling niya. Kapag naging kaibigan at napatino ko na si Gray ay aalis kaagad ako. Ngunit kapag wala akong makitang pag-asa ay iiwan ko siya. Hindi ko uubusin ang mga oras ko sa lalaking gusto ng mamatay kung pwede ko namang alagaan ang isang mahal ko sa buhay na gusto pang mabuhay. Hindi nagtagal ay nakasakay na ako sa eroplano pauwi sa Pilipinas. Hindi ko itatanggi na na-miss ko naman ang Pilipinas dahil doon ako lumaki. Isa pa, may isang tao pa ang gusto kong makitang muli. Bago ko pa namalayan ay lumapag na ang eroplano sa NAIA airport. Pabuntong-hininga kong hinintay na makalabas lahat bago tumayo bitbit ang bag ko. Nang nasa loob na ako ng airport ay para bang gusto ko na ulit bumalik sa Chiang Mai. Damn it, crowd isn't really my cup of tea. Nang makalabas ng airport ay tiyaka lamang ako nakahinga ng maluwag. Sunod-sunod ang ginawa kong paghinga at pagbuga ng hangin na para bang hinihika ako. Mabuti na lamang at hindi ako inatake ng panic attack. Sumakay ako sa taxi at sinabi ang dorm na tutuluyan ko habang narito ako sa Maynila. Bahagya akong nagulat sa naging pamasahe ko ngunit dahil alam ko naman ang mga galawang ganito at hindi talaga ako ang tipo ng tao na gusto ng away at diskusyon ay hinayaan ko na lang. Tinignan ko ang dormitoryo mula sa labas at mukhang disente naman ito. Maraming mga estudyante sa paligid dahil ilang minutong lakad lang ito mula sa papasukan kong paaralan na National University. It's chaotic and a big mess! Seryoso ba sila? May mga nagtatakbuhan, may mga kumakain ng tusok-tusok sa paligid. 'Lo naman, alam mo namang allergic ako sa maraming tao, ayoko ng magulo at maingay. I've been homeschooled almost all my life, paano naman akong mabubuhay dito? Isa akong introvert at halos sa lahat ng oras ay gusto ko lamang mapag-isa, mag-isa at walang kasama. Napapagod kaaagad akong makihalubilo sa ibang tao at ayokong napapasama sa malaking pagtitipon. Basically, I've had panic attacks before kaya naman iniiwasan ko ang mga pagtitipon na may maramiing tao. Dahil dito ay kakaunti lamang ang maituturing kong mga kaibigan ngunit kuntento naman ako dahil alam kong mapagkakatiwalaan ko talaga sila. Bago pa ako mahilo sa dami ng tao ay agad na akong pumasok sa loob. Napanatag ako nang makita ang guard na nagbabantay dahil kahit paano ay may seguridad naman pala sa building. Lumapit ako sa kaniya hila ang malaking maleta ko at sinabi ang pakay ko. Itinuro niya ako sa isang opisina kaya naman lumapit ako doon at kumatok sa bintana. "Hello po." bati ko sa mukhang mabait na Ale na nakaupo sa loob. "Ma'am, ako po Boon-mee Chantharat. Bagong tenant sa room 205." "Okay, sandali lang at iche-check ko, ha?" nakangiti niyang sabi na sinuklian ko naman. "Sure po." "Okay, nasabi na sa akin ni August na may lilipat sa kwarto niya at maswerte ka rin dahil wala na talagang bakante sa building na ito. Ito ang susi sa kwarto at ito naman ang listahan ng mga rules and regulations ng dorm na ito." "Thank you, Ma'am." Kinuha ko ang susi at ang papel at ibinulsa ang mga ito. "Have a good day po." muli akong ngumiti sa mabait na ginang bago hinila ang maleta ko papunta sa elevator, mabilis ko namang nakita ang kwarto ni Augustus at pumasok na sa loob. "Sa wakas!" sigaw ko kasabay ng pagtaas ng dalawa kong kamay sa ere at hinayaang bumagsak ang maleta ko sa lapag. Ngumiti ako at namaywang habang inililibot ang paningin sa paligid ng magiging pangalawang tirahan ko habang narito ako sa Maynila. Mas malaki ito ng kaunti sa kwarto ko sa bahay namin sa Chiang Mai at Nueva Ecija. "Ayos naman ang disenyo. Simple lang ang mga gamit." sabi ko sa sarili ko habang tumatango-tango. My phone started ringing so I fished it out of my pocket and ruffled my curly hair a little. Saglit kong pinasadahan ng tingin ang mukha ko sa malaking salamin na nakakabit sa wall bago sinagot ang tawag. Bumungad sa akin ang mukha ng kaibigan kong si August o mas kilala bilang Gus. Siya ang orihinal na may-ari ng kwartong ito at nang marinig niya ang sitwasyon ko ay sakto namang palipat siya ng ibang School kaya ibinigay na lang niya ito sa akin. "Hey, Gus." I greeted him as I stare at his face in the video. August also smiled showing his dimples which added to his charm. No wonder girls are all over him. Him leaving is not really new to me. He did it before when his three girlfriends found out that they are dating him all at once. Suffice it to say, August is a womanizer. Sinuklian niya rin ako ng ngiti at lumabas ang dalawang malalim niyang dimples na nakadagdag sa kaniyang kakisigan at kagwapuhan. Hindi naman talaga nakapagtatakang maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kaibigan kong ito. Ang paglipat niya ng School ay hindi na bago kung tutuusin dahil ilang beses na niya itong nagawa noon para takasan ang mga babaeng niloko o pinaglaruan niya. If you haven't catched the drift by now, August Dela Cruz is a womanizer. "Hi, Mik! Kumusta ang Maynila?" I rotated the camera around his room to show him that I've arrived. "Mainit, mausok, maraming tao, maingay." iritableng sabi ko. Malayo ito sa Chiang Mai na tahimik at maganda ang paligid. Ang Maynila ay magulo at maraming tao. "Sus! Introvert ka talaga kahit na kailan! Do you like it though?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang kwarto. "Ayos lang naman, bro. Simple lang at walang masyadong gamit." kibit-balikat kong sagot sabay tawa dahil sa sinabi niya. "Siraulo ka." Ang buong kwarto kagaya marahil ng iba pang kwarto dito ss dorm ay kulay asul ngunit malinis naman. Wala kang makikitang agiw o hindi kaya naman ay natatanggal na pintura sa mga pader. "Feel free to redecorate the place." Sumalampak ako sa lapag and motioned around the room. "Bakit hindi mo tinangay mga gamit mo? Madaling-madali ka na namang makatakas sa mga babae mo?" akusa ko sa kaniya. "Gagi, wala akong babae diyan." tanggi niya ngunit kinamot ang ilong tanda na nagsisinungaling siya kaya naman napailing na lang ako. "Kailan naman tayo magkikita? Ngayon lang ako ulit nakabalik dito and we haven't seen each other for five years." August looked away and stared at something and I took that moment to stare at his face. Indeed falling in love with a straight man is every gay guys nightmare. Oo, mahal ko si August. Pero hindi ko kailanman inisip na mag-confess sa kaniya at balak kong tangayin sa libingan ko ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kaniya. Kuntento na akong maging kaibigan lang siya. Isa pa, hindi ko ipagpapalit ang pagkakaibigan namin sa damdamin kong maaaring makasira lang sa amin. Masakit na makita siyang masaya sa iba pero nakaya ko naman at kakayanin ko pa. He was my first love after all. Nakita ko kung paanong nawala ang ngiti sa mga labi niya bago nag-iwas ng tingin. Huli ka balbon, may nagawa nga si bugok. Kilalang-kilala ko na siya at alam ko ang hitsura niya kapag guilty siya. "I'm sorry, Mik. Hindi kita puwedeng puntahan diyan pero tatawagan kita and let's meet somewhere near there, okay?" Curious man sa sagot niya at pag-iwas ay tumango na lang ako. "Okay." "August, you asshole!" Muntikan ko ng malaglag ang cellphone ko dahil sa sigaw mula sa labas. "Sino 'yun?" "U-uhm, Miks, sorry I have to leave. Tawagan na lang kita ulit, ha? Ingat ka diyan." "By--" bago pa ako makapagpaalam ay ibinaba na niya ang tawag kaya naman naiwan akong takang nakatingin dito. "Nạ̀n pĕn pạỵh̄ā?" (Problema n'on?) "Lumabas ka diyan at harapin mo ako, you traitor! H-hik." Seryoso ba 'to? Sino ba 'tong ugok na ito't makasigaw ay akala mo kung sino? "August!" sigaw pa rin ng lalaki kasabay ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Inis at bwisit dahil sa ingay ay binuksan ko ang pinto. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang lalaking nakatayo sa labas ng pinto ko at nakayuko. Nalukot ang mukha ko ng maamoy ang nakakasulasok na amoy ng alak mula sa kaniya. "Wala si August dito, last week pa. Hindi mo alam? Pwede bang huwag kang mag-eskandalo kasi nakakaabala ka na?" inis kong sabi sa kaniya at tinignan ko siya mula paa hanggang ulo. "Gaano ba karami ang nainom mo?" "W-why? Hik." he asked without even raising his head. "Why?" ulit ko sa tanong niya at napabuntong-hininga. Kaya ayoko sa mga lasinggero. Pinapatay ang mga sarili imbes na harapin ang problema tapos ay mami-mewisyo ng ibang tao. Tapos gusto ni Lolo ay kaibiganin ko ang isa sa kanila? "Malay ko." dagdag kong sagot. Babalik na sana ako sa loob pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. Sinamaan ko ng tingin ang kamay niyang nakahawak sa akin at siya mismo. "Bibilang ako ng tatlo, kapag hindi mo ako binitawan ay makakatikim ka talaga sa akin. Isa," pagbabanta ko sa kaniya at nagsimulang magbilang. "Dalawa." "Tatlo." nagulat ako nang siya na ang tumapos ng bilang pero mas nagulat ako nang makita ang mukha na dahilan kung bakit ako nasa magulong mundo ng Maynila ngayon. "G-gray Price?" gulat kong bulalas habang nakaturo sa mukha niya. Alam kong sooner or later ay magkikita kami pero bakit ngayon? Bakit dito? At bakit agad-agad? What he did next surprised me more. . . . . . The asshole just vomited on my clothes! Bwisit! Khuṇ chokh dī māk t̄h̀xmtạw! Khuṇ p̂xn xarị! (Napakaswerte mo talaga, Meek! Ano ba itong pinasok mo?) Lo, pwede bang ibaon ko muna siya ng buhay? Joke lang. Slight. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD