Chapter Two
Hindi ako nagka-jetlag, pero sumakit ang ulo ko dahil sa problemang kinahaharap ng parents ko. Well, I'm very dawit dahil ako ang nais nilang lumutas ng problema nila.
"I'm so naloloka here, Mitsuaki. I don't want to get kasal with someone I don't even know." Rant ko sa best friend kong tulad kong Pinay pero nasa Japan ang puso. We both love to stay there. Mas kaya naming sumabay sa buhay sa Japan at hindi sa bayang sinilangan namin.
"Girl, how I wish matulungan kita with your problema. But... I have problema too." Napabuntonghininga ako. Wala rin talagang maitutulong ang kaibigan ko. Itinakwil ito ng family niya kaya nag-alsabalutan at nagtungo sa Japan. Ngayon ay isang kahit isang tuka rin ito roon.
"I wanna iyak-iyak here, Mitsuaki. I'm so stress na buti na lang I'm still maganda pa rin." Pero sa totoo lang ay naiiyak ko na kanina pa sa harap ng parents ko ang luhang naipon ko. Hindi ko na ma-remember iyong huling iyak ko. Ngayon na lang ulit talaga.
"That's the only thing we have. Ganda. Sorry, Yunako. Wala rin akong maitutulong sa 'yo. But girl, why not check first if magwapo ba iyong governor na sinasabi ng parents mo. What if pogi pala then you sayang him kasi ayaw mo pang magpakasal. Then you do realize na you're so bobo dahil you made a decision agad?"
"Even if he's gwapo or not... I still don't care. I'm not yet ready to get married. I'm too young for that."
"How about your parents?" napahilot ako sa sintido dahil natanong ko rin ang sarili ko katulad ng tanong ni Mitsuaki.
"Possible silang makulong... worst is patayin ng mga taong humahabol sa kanila ngayon. Oh God! I'm so stress na talaga, girl."
"Calm down, Yunako. For sure kapag kalmado ka ay makakapag-isip ka nang maayos. If wala ka pang maisip na solution... why not mag-go with the flow ka muna sa mga kaganapan d'yan sa Pilipinas. I told you naman kasi... I have kutob na hindi maganda sa pagmamadali ng parents mo sa 'yo."
"I really should have listened to your utog."
"What did you say?" ani ni Mitsuaki.
"Dapat ay nakinig ako sa 'yong utog."
"Ha? W-hat is utog?"
"You said utog... It's your hunch, right?"
"Gaga! It's kutob."
"Oh, my bad. I'm sorry." Nanulis ang ngusong ani ko rito. "But it sounds the same, doesn't it?"
"Yeah! Maybe it just means the same thing, pareho lang naman ng tunog."
"Yeah!" sang-ayon ko rin naman.
"Basta... stay there. Huwag kang magpadalos-dalos ng kilos. Because possible kayong mapahamak sa mga wrong decisions ninyo. Pag-isipang mabuti."
"Alright. Thanks, Mitsuaki."
"Basta... you can make tawag lang if you have a problem." Nagpaalam na ito sa akin. Kaya naman nang matapos ang tawag ay initsa ko na lang ang phone sa gitna ng kama.
"Yunako? Anak, pwede bang pumasok si mama?"
"Yes." Pagod na tugon ko rito. Bumukas ang pinto at pumasok si mama na agad ding nagsara ng pinto nang makapasok siya. She looks tired. Stressed.
Umupo ito sa gilid ng kama. Habang ako'y pabagsak na humiga ng kama. "Are you okay, anak?" ani nito. Umiling ako bilang tugon. "I'm so sorry, anak. Kung naging mas maingat lang sana kami. I'm sorry kung naiipit ka sa sitwasyon."
"Ito lang po ba ang paraan, ma? Wala na po bang iba?"
"Bago ka pa namin tinawagan ay ginawa na namin ang mga pwede naming gawin. Ikaw ang huling naisip naming paraan. I'm so sorry." Niyakap ako nito habang umiiyak siya.
"Bitawan n'yo na lang kaya ang company?" iyon na siguro ang isa sa pinaka-selfish na naisip ko. Alam mo kung gaano kahalaga sa kanila ang company. Pinaghirapan nila iyon. Iniwan pa nga ako sa Japan para lang maituloy ang pangarap nilang negosyo.
"Anak, hindi rin iyon gano'n kadali. Napakarami ng tauhang mawawalan ng trabaho kung maggi-give up na lang kami ng gano'n na lang ng papa mo." I get it. Ako talaga ang sacrificial lamb ng mga ito.
"Sino si Governor Grayson Lucca Gladiero, mama?" ani ko. Tama si Mitsuaki. Go with the flow muna ako habang hindi pa nakakaisip ng ibang paraan.
"Siya ay gobernador sa lalawigan ng San Pedro, anak. Tagapagmana rin ng Gladiero Corp. na pinamumunuan din n'ya at ng kanyang ama. He's a great businessman. Malinis ang pangalan. Tiyak kong mapapabuti ang kalagayan mo sa kanya. If you want pwede na nating siyang kitain. Sasabihin ko lang sa parents niya na nakauwi ka na. Tiyak na magkukumahog ang mga iyon na mag-set ng date para sa pagkikita ninyo ni Governor Grayson." Kumuyom ang kamao ko. I'm so angry. Not to mama... pero sa situation namin ngayon.
"O-kay. Inform them na makikipagkita tayo sa kanila. I don't want to do this, mama. But for you... and dad. Fine."
"Thanks, anak! I'll inform your dad also. Wait, I'll update you later." Nagkumahog pa itong umalis na ikinairap ko.
Fuck life! Ang ayos ng buhay ko sa Japan. Bakit biglang naging circus ngayon?
"Oh God! If it's just a dream... make me gising na." Isinubsob ko pa sa nahilang unan ang mukha ko. Ilang ulit pa akong napasipa sa sobrang frustration. "I can't imagine myself making hugas ng plato, make luto for my husband, and to be a wife to someone else's son. For sure I will look kawawa."
Habang mag-isang kinakausap ang sarili'y bumalik din agad si mama.
"Anak, kaya mo ba tonight? Payag silang i-meet ka tonight." Excited na ani nito.
Hindi pa nakakapagpahinga. Pero sige na lang.
I don't have a choice naman.
"Sige po, mama." Saka ko siya tinalikuran. Humiga ito sa kama at yumakap sa akin.
"I love you, Yunako. It's a big sacrifice... pero tiyak kong tama ang desisyon mo." Napairap akong muli. Tama sa kanila, but not for me.
How I wish makabalik ako ng Japan. Tapos doon na rin ako mag-hide... what if?
Nagpahinga na lang muna ako pagkaalis ni mama. Nang magising ay 6 pm na. May mga kasambahay pa ngang abala sa pag-u-unpack ng gamit ko.
"Ma'am, nakahanda na po ang isusuot ninyo. Maghanda na rin po kayo dahil 8 pm daw po ay dapat nasa restaurant na kayo." Magalang na ani ng isang kasambahay.
I just looked at them.
"Ma'am?" takang ani nila.
"K." Tipid na tugon ko at bumangon na ng tuluyan. Pumasok ako sa banyo at nagsimula roong mag-shower.
Nag-iisip na ako ng ways para ma-turn off iyong guy sa akin.
"Pero what if ma-turn off nga? What will happen na sa company? Oh my gosh! So nakaka-stress!" ani ko. Pero inayos ko pa rin ang sarili ko para sa dinner na iyon.
Sana pangit... sana pangit para may idahilan ako sa parents ko para mas ayawan.
"I don't like pangit. My gosh, baka mahawa pa ako." Katok sa pinto ng banyo ang nagpahinto sa pagsasalita ko.
"Ma'am, are you okay?" tanong ng kasambahay. Mukhang naririnig nila akong nagta-talk.
"Yeah! I'm okay. Just leave me alone."
"Okay po." Katahimikan ang namayani kaya ipinagpatuloy ko ang pagligo.
Nang matapos ako'y lumabas na rin ako ng banyo. I saw mama there. Waiting. Ngiting-ngiti ito. Nakaayos na siya habang ako'y naka-robe pa.
"You look so excited, mama." Medyo sarcastic na ani ko sa aking ina. "Don't make pahalata na gustong-gusto mo Ang nangyayari."
"Yunako, of course not! Hindi ko gusto ang sitwasyon na ito. Anak, I'm so sorry. Naghanda lang din at nag-ayos ako para mukhang presentable sa pamilya ng mga Gladiero." Paliwanag nito. "Halika. Tutulungan kitang mag-ayos." Akmang hahawakan ako nito pero umiling ako.
"I can manage. Don't hawak me, mama." Bumuntonghininga ang ginang at tumango. Pinanood ako nito habang nagbibihis. Pati nang naupo na ako sa upuan sa harap ng vanity mirror at nagsimulang mag-make up. Nagmamasid pa rin ang ginang.
"You're so good sa pagma-make up, Yunako." Puri nito sa akin.
"I'm good at everything, Mama. You don't know?" ngumiti si mama sa akin nang sulyapan ko ito.
"Of course! Of course, I know."
"No, mama. You don't know kasi you iwan me in Japan."
"Anak, may sama ka ba ng loob sa naging desisyon namin ng papa mo?" biglang lungkot ng tinig nito. Hindi ko makuhang tumingin sa kanya. I know I'll be sad din.
"Hindi ako mag-a-answer." Tugon ko rito.
"Para rin naman sa 'yo iyon, Yunako. For your future. We left Japan because we want a bright future for you."
"Where's that bright future now, mama?" medyo sarcastic na tanong ko sa aking ina. "I can't see it naman po."
Napayuko ito at bigla na lang nanahimik.
"Oh my gosh! I wanna iyak and run from you, guys!" ani ko sa disappointed na tono.
"No, Yunako. We really need you. We badly need you, anak."
Kinailangan ko pang itingala ang ulo ko para pigilan ang luha. "Don't worry, mama, I'll stay here. I'll try to help you."
"Thank you, musume." Saka ito lumapit at yumakap sa akin mula sa likuran.
Nang matapos akong mag-ayos ay agad na rin kaming umalis.
"We're so aga naman yata here, mama?" takang ani ko pagdating namin sa VIP room ng restaurant kung saan namin kikitain ang pamilya Gladiero.
Wala pang tao roon at inihahanda pa lang ang VIP room.
"That's fine. We can wait here."
I hate waiting pa naman. Pero nanahimik na lang ako.
Mahigit 30 minutes ang oras na nasayang.
"Smile, Yunako." Utos ni mama. I showed my fake smile.
Napabuntonghininga na lang ito. Nang bumukas ang pinto... finally... ay agad tumayo ang parents ko at pareho pang yumukod ang mga ito sa two people na pumasok.
Mas mukha lang silang older ng kaunti sa parents ko. Both smiling na hindi ko kayang suklian.
"Finally!" ani ng ginang na agad lumapit sa pwesto ko. I don't have a choice but to stand, hug, and beso her.
She's so happy to see me. "Hello, Yunako! I'm Merlene Gladiero."
"Hi po, I'm Yunako Brigette po." Pakilala ko naman. She seems nice kaya nice rin ako sa kanya nang sumagot ako.
"OMG! You're really pretty ha. How's life in Japan, hija?"
"Perfect po." Pasimple akong kinalabit ni mama. Pero hindi ko binago ang sagot ko.
"Oh, for sure kapag dito ka nag-stay sa Pilipinas ay mag-e-enjoy ka rin dito. Lalo na sa San Pedro, hija." Sounds mabantot ang name ng place. I don't think mag-e-enjoy ako.
"Mrs. Gladiero, pasensya na kung biglaan ito." Biglang kuha ni mama sa atensyon ng ginang. Nang mawala sa akin ang atensyon na iyon ay umupo na ako. Nang gumawi ang tingin ko sa matandang Gladiero ay nakita ko sa mukha nito ang amusement.
Nanulis tuloy ang nguso ko. Nang hindi nakatingin ang mga kasama ko'y pasimple kong dinilaan ang matandang lalaki na ikinatawa nito.
Napatingin tuloy rito ang lahat.
"What's funny?" painosenteng tanong ko rito.
"You, hija. You're so funny. Mukhang bagay kayo talaga kayo ni Grayson. Mukhang tama talaga ang napili ng asawa ko para sa aming anak."
"I told you, hon. Magaling akong mamili."
"Why po kayo ang namili? Is he pangit po ba? He can't choose and decide po ba because no one accepts him... because he's ugly?" ani ko.
Muling natawa ang matanda. Si mama ay muli akong kinalabit sa tagiliran ko.
"Hija, my son is not pangit."
"Really?" nilagyan ko pa nang pagdududa ang tinig.
"Yes, Yunako. Hindi ka madi-disappoint. Bagay na bagay kayo."
"Well... hindi tayo sure." Ngumiti lang sila.
Nang muling bumukas ang pinto ay gumawi ang tingin ng lahat sa nagbukas no'n. I saw a guy na sobrang gwapo. Is he Governor Grayson Lucca Gladiero?
"Son, I'm glad na narito ka na." Excited na sinalubong ni Mrs. Gladiero ang kanyang anak. Nakamasid lang ako. Serious face because the old man is watching and observing my reaction.
Nang mahuli ko itong nakatitig... ngumisi ako.
"Yunako, stand up." Bulong ni mama sa akin. "Introduce yourself."
Why me pa ang magpapakilala? Hindi ba nila kaya?