1

1843 Words
Chapter One "Yunako!" galak na salubong ng aking ina at mahigpit akong niyakap. She's so pusturang-pustura. "Mama, it's so mainit here." Agad kong reklamo. Kaya ayaw kong tumapak ng Pilipinas. Hindi ko kasi talaga kinakaya ang init. Masyado ring polluted and I hate that. "Halika na sa sasakyan. Hayaan mo na ang mga tauhan sa mga maleta mo." Excited na ani nito. Hindi ko alam kung bakit agaran akong pinauwi nito. Emergency raw. Pero sa itsura nito ngayon... parang wala namang emergency. "What's the matter ba, mama? What's the emergency? You're so madaling-madali na mag-go home ako?" ang kilay ko'y hindi ko maiwasang magsalubong. I'm so busy with my life in Japan. Tapos tumawag ang mga ito at pinamamadali ang plano kong pag-uwi... but I don't have plano naman kasi talagang umuwi. "Yunako, let's talk later. Sa bahay na tayo mag-usap, musume." Bahagya pa nitong pinisil ang pisngi ko. Nang makalulan kami sa sasakyan ay agad ding umusad iyon. Hindi pa nga nakalalayo ng airport ay traffic na. "Why so traffic naman here, mama?" "Ganito talaga rito, musume. Nasanay na nga lang kami ng papa mo." "How's papa?" "He's not okay, Yunako." Agad bumaling ang tingin ko rito. "What? That's the emergency---" "Anak, before ka mag-overthink ay uunahan na kita. Walang sakit ang papa mo. Napaka-healthy niya. Pero mukhang magkakasakit na dahil sa stress at dami ng problema." "What problema? You guys have problema?" takang ani ko. "Yunako, ayusin mo nga iyang pagsasalita mo. Sumasakit agad ang ulo ko wala pa mang ilang minuto tayong magkasama." Nanulis ang ngusong tinitigan ko ang aking ina. I can think naman ng diretso in Tagalog. Pero kung magsasalita ako... lumiliko talaga ng landas ang mga salita ko. "Bear with me, mama. I can't do that." "Tsk. Sarap hilain ng dila." Dinig kong ani nito. "Sarap? You can tikim that, mama?" takang ani ko rito. "Shut up." My Mama's favorite line. Shut up kapag hindi makasabay sa mga sinasabi ko. "What's the problema ninyo ni papa?" "Later. Later, Yunako. Kayo ng dad mo ang mag-uusap." "After naming mag-talk... I can leave na po?" nagpapungay pa ako ng mata para lang makarinig ng magandang sagot mula rito. "I don't think so, Yunako." "Why?" "Kayo na lang ni papa mo ang mag-usap." Napairap ako sa naging tugon nito. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa bintana. Nang may makitang grupo ng mga taong sumisigaw sa labas ng isang establishment ay na curious ako't agad nagtanong sa aking ina kung ano iyon. "What's that, mama?" traffic ulit. Kaya mas tumapat ang sasakyan namin sa grupo na mukhang gigil na gigil at sumisigaw. Mukhang exciting iyong ginagawa nila. "Rally iyan, anak. Stop it." Takang tinignan ko ito. "Ha?" "Tinitignan mo sila na parang gusto mong sumali. Stop it, Yunako." "It looks exciting. I want to try---" "No. No, Yunako. Utang na loob. Hindi ka gaganyan dito sa Pilipinas." Nang muling umusad ang sasakyan ay umayos ako ng upo. Napaisip kung ano ba iyong emergency na sinasabi nila. I don't have plano to go home pa. But I don't have a choice. They pilit me to go home. Nang makarating kami sa bahay ay sinalubong agad kami ni papa na may malawak na ngiti. Nang makababa nga ako ng sasakyan ay agad ako nitong niyakap. "Konnichiwa, papa!" ani ko na energetic agad. "Ang ganda naman ng anak ko. O kaeri nasai." "Pasok na muna. Mamaya lang ay tiyak na nagrereklamo na naman iyang anak mo." Nauna na si mama na pumasok. Saka lang din gumawi ang tingin ko sa napakalaking bahay na pag-aari namin. Mas familiar pa ako sa mga iskinita sa place namin sa Japan kaysa sa bahay na ito. "Na-miss mo ba ang bahay natin na ito?" tanong ni dad. Half-half si papa. May dugong pinoy at hapon ang aking ama. Sa Japan naman talaga naka-base ang family namin. Pero nang subukan nilang magnegosyo rito ay nag-decide silang umuwi. Iniwan ako roon with my yaya. "No, papa. Why ko po mami-miss ang house na ito? This is not my home, papa." "Anak, from now on... ito na ang magiging tahanan mo." Nakapasok na kami ng bahay nang marinig kong tinuran iyon ng aking ama. "No, papa! No! No!" umiling-iling pa ako at nauna nang lumakad patungo sa couch. "Yunako, kailangan mong mag-stay rito dahil kailangan namin ng tulong mo." Nang makaupo ako sa couch ay saka ko lang ito tinignan. "What tulong, papa? If money... mas marami kayo no'n." Umupo na sila ni mama sa couch. Magkatabi. "Alam kong hindi ka pa nakakapagpahinga. Mas mabuti sigurong magpahinga ka muna bago tayo mag-usap." "No! We need to usap na now. Talk, papa." Medyo demanding na ani ko. Mainipin akong tao. I don't wait, mas prefer kong ako ang hinihintay. Kahit maarte kung magsalita, kapag tinopak ng kamalditahan ay talo ko pa ang aking mama. "Okay. Dahil mapilit ka'y sige. Pag-usapan natin ang dahilan kung bakit ka namin pinauwi rito sa Pilipinas." Sobrang seryoso ng mga mukha nila. Mukhang hindi biro ang tulong na nais nilang hingin sa akin. "What is it? Tell me na po." "Nalulugi na ang company, hija." Napasipol ako dahil hindi ko inasahan na maririnig ko iyon sa mga ito. My father is so magaling sa business. So, why lugi? "At bakit ninyo ako pinauwi?" "Dahil kailangan namin ang tulong mo para maisalba natin ang company. Alam mo naman kung gaano kahalaga ang company sa amin. Iyon na rin ang buhay ko, 'nak." Teary eyed ito. "Papa, you forgot po ba that I am a painter not a business woman? I don't know how business works." Parang takot pa silang deretsahin ako. "Yunako, may taong pwedeng tumulong sa company natin. Willing sila na isalba ang company na pinaghirapan ng dad mo." "Oh, iyon naman po pala. Why you make pauwi pa ako?" ani ko. Ang tulis na naman ng nguso dahil hindi ko ma-gets ang point nang pagpapauwi nila sa akin. "Gusto nilang pakasalan mo ang anak nila---" "What? Why naman po they want na sakalin ko ang anak nila?" Gusto ba nila akong maging criminal? That is so bad! "Kasal, Yunako." Giit ni mama. I heard it. "Yes, mama. Sakal. Why? I don't get it!" ani ko na litong-lito. "Marriage, Yunako." "What? Marriage?" pareho silang tumango. "Tutulungan nila tayo para isalba ang company. Pero kailangan mong pakasalan ang anak nila... iyon ang demand nila kapalit ng tulong na ibibigay nila sa atin." "Can we still call it tulong... if they demanding that kind---" "Hindi biro ang perang ilalabas nila, anak." "Kahit pa, papa. No. Hindi ako magpapasakal." "Kasal." "Okay, kasal. No. I'm not going to marry someone na hindi ko knows." "Ipapakilala ka namin---" "That's not the point. Papa, marriage is no joke. I love being single. I don't even need a man. I'm so bata pa." "But you're not a minor anymore. Legal age." Nawawala na yata sa sarili si dad. Lalo na sa sagot niyang iyon. Yes, I'm not a minor anymore. Pero bata pa ako... iyon ang tingin ko sa sarili. "Pa," hinilot ko ang sintido ko. "No. Ayaw ko po." Matigas ang pagtanggi ko dahil hindi naman simple ang pabor na hinihingi nila. "Yunako, ang company na iyon na lang ang makakasalba sa atin. Pupulutin tayo sa putikan oras na tuluyan na iyong bumagsak. Sana naman maunawaan mo." "I don't understand, papa. Why ako?" "Alangan naman ako?" ani ni mama. Sa sobrang seryoso nang usapan ay hindi ko napigilang matawa. "Why not, mama?" nadampot tulog nito ang pillow at ibinato sa akin na tinawanan ko lang naman. "Guys, it's a joke? Hindi totoo, 'di ba? Pinauwi ninyo ako kasi miss n'yo na ang pretty daughter ninyo?" "Walang nagbibiro, Yunako. Lahat ng mga sinabi namin ay totoo. Anak, possible rin akong makulong." "What?" ani ko na nanlaki pa ang mata sa sinabi ni mama. "Kaya mo bang tanggapin na makukulong ako, Yunako?" "For what reason?" sobrang tahimik ng buhay ko sa Japan. Hindi umabot sa akin ang mga ganito. Ngayon ko lang narinig sa kanila ang mga issues nila. "Anak, nautangan ko na ang mga kaibigan ko para lang makatulong sa papa mo. Kailangan ko silang bayaran as soon as possible. Ipapakulong daw nila ako if hindi ko sila bayaran sa ipinangako kong oras." "How much? I have ipon---" "Millions. Anak, milyon-milyon ang nahiram namin." "What the heck!" ani ko. Kanina'y wala naman akong jet lag na nararamdaman. Pero ngayon parang biglang meron na. "Guys, anong ginawa ninyo?" stress na ani ko. "Why so maraming problema? What happened?" naiiyak na ako dahil bigla akong na stress sa mga problema nila. Hindi ko kayang makita si mama na nakakulong. "Naloko ang papa mo ng isang kaibigan. Nagtiwala. Nagpahiram ng pera. Pero hindi na naibalik pa. Hindi na mahanap iyong kaibigan niya. Iyong perang ipinahiram niya ay hiniram lang din ng papa mo dahil hindi naman siya pwedeng maglabas ng malaking pera agad-agad." "Iyong tubo ay tumutubo rin, Yunako. Nabaon ako sa utang kahit hindi naman ako ang gumamit ng pera." "Nasaan na iyong nag-barrow ng money?" "Naglahong parang bula. Iyong mga kaibigan namin ay nahiraman na namin dahil kailangan naming mabayaran kahit tubo lang. Puro tubo lang." Iyak ng aking ama. "Anak, tulungan mo kami." Pati si mama ay umiiyak na rin. "Wait... my brain is so kawawa. Hindi ako makapag-isip." Nag-angat pa ako ng kamay para lang pigilan silang magsalita. "Yunako, ikaw lang ang makakatulong sa amin. Iyong ibang kaibigan namin ay tinalikuran na kami. Iyong iba ay galit na sa amin. May mga death threats na rin." "Oh, God!" napaiyak na ako ng tuluyan. Tumayo si mama. Lumapit sa akin. Sa gulat ko'y bigla itong lumuhod. "Anak, nagmamakaawa ako sa 'yo. Ayaw kong makulong. Hindi rin namin kakayanin ng papa mo na mawala sa atin ang company. Help us. Nagmamakaawa ako sa 'yo." Sobrang bigat nang iyak ni mama. She looks so stressed. "Tayo, mama. You don't need to lubod in front of me." Maarteng ani ko habang umiiyak na rin. "We're so desperate, Yunako. Help us. Hindi na kami makatulog dahil sa dami ng problema. Sinubukan naming ayusin pero wala, eh. Bigo kami." Iyak nito. "My God! My God! I don't know, mama. I don't want to get married. I'm too young for that." Iyak ko. "P-aano kami ng papa mo? Ginawa namin ang lahat para sa 'yo. Ibinigay namin ang magandang buhay sa 'yo, Yunako. Ngayon lang kami hihingi nang tulong dahil sobrang ipit na ipit na kami." Tumayo na rin si papa. Katulad ni mama ay lumuhod na rin ito. Damn! Never pumasok sa utak ko na magagawa nilang magmakaawa sa akin. Nasasaktan ako para sa kanila. Pero kasi'y kapag tinanggap ko ang gusto nilang mangyari... how about me? "Stop it, guys. It's so mahirap to decide. Don't do this to me." "Anak, parang awa mo na. Pakasalan mo si Governor Grayson Lucca Gladiero. Tiyak na mareresulba ang lahat ng problema natin. Magiging maayos pa ang buhay mo." I don't even know kung sino iyong pangit na binanggit ni papa. Oh God! Tama bang umuwi pa ako ng Pilipinas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD