Chapter Three
"Son, meet Yunako Brigette Dizon. Anak ni Mr. Chen II Dizon and Yuri Dizon." Dahil mommy na ni Mr. Gladiero ang nagpakilala sa akin sa lalaki ay tumayo na ako't naglahad ng kamay. I can see it... may pandidiri sa mga mata nito habang nakatitig sa kamay ko.
"Heay! Malinis ang hand ko. If ayaw mag-shakehands ay sabihin mo na lang." Medyo defensive na ani ko. Saka lang kumilos ang lalaki at nakipag-shakehands sa akin. Wala man lang kangiti-ngiti ang isang ito. Parang pasan nito ang problema ng buong San Pedor... Pader? What is it again?
Nang bitiwan nito ang kamay ko ay naupo na ulit ako. All adults here looks masaya. Then Government Gladiero is not masaya, he's serious. Tapos ako pretty lang.
"Hijo, may idea ka naman siguro kung ano ang meron ngayong gabi?" ngiting-ngiti na ani ni mommy. Tsk. Hindi na nakapaghintay.
"Mrs. Dizon, I don't know what's going on here. Tumawag lang si mom para sabihin na pumunta ako rito---"
"We're getting married." Putol ko sa sinasabi ng governor. "Our family needs your help. Kaya we need to get sakal para sa ibibigay na tulong ng family ninyo."
"Yunako, stop. Masyado mo namang binibigla ang governor." Saway ni mommy sa akin. Pero hindi ako nakinig dito.
"We need your help, Governor Gladiero. Pero hindi ako interested to marry you. I'm too young." Awang ang labi ng mga kasama namin dito sa table. "Can you help us? Just help, no marriage?"
"Hija, excuse me." Kuha ni Mrs. Gladiero ang atensyon ko. Mukhang nabigla si Gov, pero mas lalo ang mga magulang nito.
Ngumiti pa ako sa ginang na kumuha ng atensyon ko.
"Yes po? You wanna say something po?"
"Hija, pasensya ka na. Alam kong nabigla kayong pareho sa planong ito. Pero makukuha lang talaga ng family ninyo ang tulong na kailangan ninyo oras na pakasalan mo si Grayson." She's so calm while nagta-talk siya. Sa sobrang calm, I listened to every word she said.
"Yunako, kasal lang talaga ang kailangan gawin para matuloy ang tulong nila sa atin." Hinawakan ni mama ang kamay ko. "Anak, please! Makisama ka." Pakiusap nito. Nag-iwas ako nang tingin.
"Hija, alam kong mahirap na desisyon ito. Pero tiyak naming pareho kayong makikinabang ng anak ko sa kasunduan na ito."
"Why you, guys, sounds like you make kumbinsi me? How about Governor Grayson? Is he okay with your plano?" maarteng ani ko sa kanilang lahat.
"Hija, yes naman." Confident na ani ni Mrs. Gladiero. Bumaling ang tingin ko kay Governor Grayson.
"No. Ayaw ko sa pinaplano ninyo. Mahirap bang irespeto ang desisyon ko, mom?" bakas sa tinig nito ang inis. Tumingin ito sa akin. "I don't like you---"
"Same!" ani ko rin. Alangan namang siya lang ang may ayaw. I don't like him too... kahit gwapo siya.
"Grayson and Yunako, pwede bang kumalma muna tayo. Pag-usapan natin ito nang mahinahon. Isipin ninyo ang mga consequences na pwedeng mangyari kung pareho kayong aayaw. Yunako, listen to me. Hindi kami tutulong sa pamilya ninyo kung walang kasal na magaganap." This time ay ramdam ko na seryoso na ang sitwasyon the way na mag-talk si Mrs. Gladiero. Nanulis tuloy ang nguso ko. "Grayson, alam mo ang tradisyon sa pamilya natin. Ang unang planong kasal ay ang pinakamatibay na---"
"Mom, nangako na ako ng kasal sa fiancee ko. Unang planong kasal iyon... mas matibay."
"May fiancee ka na?" gulat na ani ko.
"Yes. Kaya walang kasal na magaganap sa pagitan natin. I'm getting married." Tumingin ako sa magulang ko.
"Seriously, parents?" sarcastic na ani ko. "You, guys... you're willing to make sira someone's relationship just for this?" disappointed na tanong ko sa magulang ko.
"Yunako, anak! Gano'n kami kadesperada na malutas ang problema. Kung ito lang ang way to save the company, us, everything... anak, sana naman maunawaan mo kami."
"I can't unawa it, mama! It's not okay." Giit ko pa sa kanila. "Heay, old people!" kuha ko sa atensyon ni Mr. and Mrs. Gladiero. "You know your son is getting married... why this?"
"Hija, hindi mo kasi maiintindihan pero parte ng tradisyon sa pamilya namin ang arranged marriage."
"Your tradition is soooo weird. Are you a cult?" natawa si Mr. Gladiero. What's funny? I wanna make dabog kasi natatawa ito for no reason. Siya nga lang yata iyong nag-e-enjoy, while us... we're so stressed.
"Kulto raw, misis." Tudyo nito sa asawang napasimangot sa sinabi nito.
"Again... hindi ako pabor sa plano ninyong lahat. May fiancee na ako. Siya ang pakakasalan ko." Giit ng gobernador.
"Hijo, b-aka pwedeng pag-isipan mo muna. Kung kailangan kong lumuhod dito ay gagawin ko. Hindi na namin alam kung paano susulusyunan ang problema namin. Ito na lang din ang huling alas namin para maayos pa ang gulong napasok namin." Iyak na ni mama. Mariin akong napapikit.
Dang it!
"Wala na pong dapat pang pag-isipan. May babae na po akong pinangakuan ng kasal. Hindi ko sasaktan ang babaeng iyon dahil lang sa inyo... sa kanya." Sabay turo sa akin. Inirapan ko ito. Who cares naman... tsk.
"Anak, alam mong hindi kami pabor sa relationship ninyo ni Libby---"
"Ewww!" maarteng ani ko kaya napatingin ang lahat sa amin. "So, you're matabopre po? Because you don't like her, against ka na sa relationship nila? That's so eww!" bahagyang ngumiti ang ginang. Si mama ay kalabit na ng kalabit sa akin pero hindi ko pinapansin.
"I'm not matapobre, hija. I just know na tama ang instinct ko sa babaeng iyon---"
"Yuck! You judge her pa?"
"Yunako!" hinila na ni mama ang braso ko. Dahilan para mapaupo ako at tumama sa kanto ng upuan ang siko ko.
"Oh my gosh! I'm sorry, anak!" ani ni mama sa akin. Galit na tinitigan ko ito. Saka ako tumayo ulit.
"Mama, humanap na lang kayo ng other person na pakakasalan ko. I'm not going to marry someone na may fiancee na. Hindi tayo maninira ng relationship here." Saka ko binitbit ang bag ko at humakbang na paalis. Pero huminto ako.
"Old lady," kuha ko sa atensyon ni Mrs. Gladiero. "Ang weird ng tradition ninyo. What kind of tradition is that? Meddling with your son's relationship is sooo ewww!"
Hindi ako mag-steal ng lalaki just to save myself and my parents... how about the fiancee? Kawawa naman siya. No way.
Tuluyan na akong lumabas at iniwan ang mga ito. Sa parking lot ko na lang hihintayin ang parents ko. Iisip na lang kami ng ibang plano to fix this.
"Miss Dizon," agad akong napalingon sa tumawag sa akin. No other than... Governor Grayson Lucca Gladiero. He's so handsome. No doubt.
"Hays! You have a pakakasalan na pala... dapat you talk more there." Masungit na ani ko rito.
"I don't like you---"
"Do you think I like you too? No. Hindi kita like. You look matanda na rin for me." Napaawang ang labi ng lalaki sa tinuran ko.
"Excuse me?"
"You make daan na... go ahead."
"I mean... matanda ang tingin mo sa akin?"
"Yes. Tooo old for me." Binigyan diin ko pa iyon dito. "Saka you're in a relationship na rin. Convince them na lang kaya na tulungan na lang kami at hindi tayo magpasakal pa?"
"Kasal." Pagtatama nito.
"Yeah, kasal. We just need your pera and connection to solve our problema. Can you do that?" maarteng tanong ko sa lalaki. With kumpas pa ng mga kamay.
"Solve your problem. Huwag na ninyong idamay ang pamilya ko." Masungit na ani ng lalaki. "We're not going to waste our money and connection---"
"Hays! You're so masama, ha! You can help but you choose not to make tulong---"
"It's not our obligation."
"Yeah, right! I know it's not your obligation to help my family. Right. Right. We'll find someone else na lang." Napabuntonghininga ako. "For sure may iba pang pwedeng lapitan." Tinalikuran na ako ng lalaki. "Heay, old man!" tawag ko rito. Lumingon ito pero ang sama ng tingin sa akin. "Ipaglaba mo ang fiancee mo. If you love her, fight for her."
"Tsk. Ipaglaban. I don't know how to wash clothes." Ha? Paanong napunta sa wash clothes ang usapan?
He's so weird ha.
Pinanood ko itong lumakad palayo.
Sana lang kasing gwapo nito ang mahanap nila mama na kapalit... he's sayang ha. If he's single, fine. But he's not single. Thank you, next!