Chapter Six
"Wow! This sinigang is delicious." Bulalas ko habang humihigop ng sabaw. Umulit pa dahil hindi nakontento sa Asim na humagod sa lalamunan ko. "Your so good, Mang d**k. Your sinigang is so masarap."
"Si ma'am talaga. Hindi po ako ang nagluto." Napasinghap ako.
"Who else, Mang d**k?" ani ko na kunwari'y hindi pansin ang gobernador na masama ang tingin sa akin.
"Tsk. Kaartehan. Awa-awa pa sa isda. Ngayon naman ay sarap na sarap sa pagkain." Pasaring nito sa akin.
"May sinasabi ka?" tanong ko sa lalaki.
Inirapan ako nito.
"Wala. Kumain ka baka sakaling sa tulong ng asim ng sinigang ko ay matuwid iyang pilipit mong dila." Nilagyan pa nito ng sabaw ang mangkok ko.
"Masarap ang sinigang ni gov, ma'am?" aliw na tanong ng matanda sa akin.
"Iyon lang po ang masarap sa kanya... iyong siniganggang niya... si-ni-gang." Daig ko pa ang naghimay ng salita just not to mispronounce it.
"Mang d**k, nasubukan mo na bang mang-iwan ng sakay mo?" dinig kong tanong ng lalaki sa kasama naming matandang kalbo.
"Mang-iwan ng hindi sinasadya, opo. Pero kung sasadyain ay hindi ko pa nasubukan."
"We can iwan Governor Lucca, Mang Dick." Mabilis na ani ko.
"Tsk. Hindi ka kasali sa usapan. Ikaw nga itong iiwan." Napasimangot ako sa tinuran ng lalaki.
"For sure your mother will sermon you if you iwan me here." Confident na tugon ko. "She likes me to be her daughter---"
"Daughter-in-law not daughter." Pagtatama ng lalaki. "At hindi iyon mangyayari."
"Sino bang may sabi na I want that to mangyari? Come on, I think I am the who who looks lugi in this arranged marriage. I'm so kawawa if I marry an only guy."
"As if... kahit kasing edad kita ay hindi ka pa rin pasok sa standard ko. I have standards when it comes to women." Humagod pa ang tingin nito sa akin. Saka nagsalita. "Hindi ka pasok sa standard na iyon."
"Thank God! Thank God! I'm not naiinsulto with your words, Governor Lucca. Actually, I'm masaya about your not so high standard. I'm glad I'm not pasok." Nakaramdam pa ako ng relief saka malawak na ngumiti rito. "Ayaw ko talagang magpasakal sa 'yo. I can't imagine myself marrying a not so handsome man---"
"Iwan na talaga natin itong babaeng hindi nag-aral ng Filipino subject niya no'ng elementary, Mang Dick." Parang masama pa ang loob ni governor. Am I wrong? No, I'm always right!
"Ma'am, gwapo si governor. Tignan mo naman. Napakatikas pa ng katawan." Sakto lang ba o sadyang nag-flex ng muscle ang lalaki?
"What's napakatikas? As in hard?"
"Magligpit na lang po tayo." Tugon ng matanda na ayaw atang ma-stress sa pagpapaliwanag.
"Can I swim?"
"Go on, Yunako. Lubayan mo muna kami. Bigyan mo kami nang katahimikan dito."
"Sinasaboy mo ba ako?" nagkatinginan ang dalawa.
"Ano raw?" ani ng matanda.
"Sinasaboy ko raw siya, Mang d**k. Sinasaboy... sinasaboy... what do you mean?" direkta na nitong tanong sa akin.
"You want me to leave... you sinasaboy me."
"Tinataboy. Lumayas ka muna at baka maisaboy talaga kita." Napipikang ani ni governor kaya naman dali-daling iniangat ko ang summer dress ko. Sabay pang napapikit ang dalawa.
What's wrong with them?
Nagkibitbalikat na lang ako saka tuluyang hinubad ang damit. I know na may dagat sa pupuntahan kaya ready ang two-piece swimsuit ko.
Lumusong agad ako sa tubig na medyo napasinghap pa dahil sa lamig. Ilang beses akong lumangoy bago lumingon sa nipa hut.
Tinutupi ni Governor Lucca ang dress ko. Saka niya inilagay sa gilid. Nang lumingon ito sa akin, I kaway my hands to him.
I think inirapan niya ako. Tsk. That's weird old man!
Habang nagswi-swim ay na forgot ko pa nga ang mga problem ko. I enjoyed it.
When Governor Grayson called me... I don't wanna stop swimming but I don't have a choice. Baka they leave tapos they make iwan me.
Iniabot agad ni governor sa akin ang shirt niya.
Before I use it... I make amoy muna iyon.
"Inamoy mo pa talaga." Masungit na puna ng lalaki sa akin.
"Just checking... what if you have putok pala? Ewww, right?"
Nang matiyak kong mabango iyon ay isinuot ko na.
"Kaartehan mo talaga, Yunako."
"Am I maarte just because I wanna check your shirt before I make suot?"
"Hindi lang dila mo ang pagod na sa pagsasalita mo. Pati kaming nakikinig."
Binilisan nila ang pagliligpit. I just watch and wait.
Nang dalhin na nila sa boat ang mga gamit... I make sakay na agad without asking if aalis na kami.
"Hindi pa tayo aalis, Yunako." Nakangising ani ng lalaki. Napasimangot ako.
"Just making sure, Governor Lucca. I don't want to be left alone on this island." I still remember iyong sinabi niya kanina. He will left me here. "Mang d**k, let's go! Let's make iwan na si gov." Yaya ko sa matandang nadamay pa sa bangayan namin ni governor.
"Ako na lang ata ang maiwan dito. Napapagod ako sa bangayan ninyo." Kamot sa ulong ani nito.
"Mang d**k, what's your shampoo? Your head is soooo shinny!" ani ko. Biglang nawala sa issue ang atensyon. Nakuha ng shinny head nito ang atensyon ko.
"Aba'y nadamay pa nga ang ulo ko." Kinuha tuloy nito ang kanyang sombrelo.
Nang umalis kami ng islang iyon ay medyo maalon na.
"Oh Lord! I wanna live pa!" malakas na hiyaw ko. Tapos tinatawanan lang ako ng dalawang matandang kasama. I wanna cry na nga eh.
"If I die... mamatay ka rin, govvvv!" ani ko na muling napatili dahil talagang malakas ang alon and they're not takot.
I feel so traumatized. Then they just make tawa as if it's just a normal thing.
Nang makarating kami sa pampang ay umiiyak na ako.
His mother make salubong to us. She's so takang-taka.
"Why? What happened?" agad ako nitong niyakap, and I cried.
"I'm so takot na takot, old lady." Iyak kong sagot dito.
"W-hy?"
"OA mo naman, Yunako. Ano bang ine-expect mo sa alon? Lalambingin ka?" nakasimangot na ani ni Governor Lucca. "Pakidala na sa kitchen itong mga nahuli namin." Senyas nito sa tauhan.
"Oh, I'm sorry. Sobra ka bang natakot?" masuyong tanong nito. Agad naman akong tumango rito.
"I'm so scared... like this!" ipinakita ko pa ang expression kong takot na takot.
But she laughed. As if I'm so funny sa kanyang paningin.
"Ang cute mo talaga, Yunako. Halika na nga. Hindi natin bati si Governor Grayson." Inakbayan ako nito at iginiya na patungo sa beach house.
Dinala niya ako sa isang silid.
Hindi nga ako pinansin ng parents ko. As if gusto nilang si Mrs. Gladiero ang umasikaso sa akin.
Naroon ang mga gamit namin ng parents ko. Kumuha agad ako sa bag ng pamalit.
"I'll wait you here. Magbanlaw ka na sa banyo."
"Thanks, old lady."
"Ikaw talagang bata ka! Kung hindi lang kita gustong maging future daughter-in-law ay baka nakalbo ka na katatawag sa akin ng old lady." Hindi ko na pinansin pa ang rant nito, I just went to the bathroom. Naligo ako roon. Mabilis lang because the water is so cold. Walang heater.
Natapos na akong naligo at nakapagbihis na. Paglabas ko'y nagulat pa ako nang makitang naghintay nga talaga ang ginang.
"Why naghintay ka pa? I can manage here naman." Lumapit ito at iginiya ako patungo sa vanity table. Nang maka-sit ako roon ay agad nitong dinampot ang comb.
"You know what... pangarap ko talagang magkaroon ng anak na babae. Kaso si Grayson lang ang ibinigay sa akin ni Lord. Ang tipid 'no?"
"Maybe you did not ginalingan sa paggawa ng baby." Napasinghap ito, pero pagkatapos ng gulat na reaction ay natawa ito.
"You're right, hija. Hindi siguro talaga namin ginalingan kaya isa lang ang baby namin." Aliw na ani nito. "Pero sa totoo lang... hirap talaga kaming makabuo noon. Si Grayson lang ang milagrong ibinigay sa amin."
"Then dapat ginawa ninyo siyang Santo." Umugong ang tawa ng ginang. Why laugh? I'm serious kaya.
"Kaya kapag naging mag-asawa na kayo ni Grayson... bigyan ninyo kami ng isang dosenang apo."
"Duhhh! First, I'm not a baboy. Isang dosenang anak? No way! Second, I really don't like your anak. He's old, he's not my type, and he's engaged already with his love of his life. Get a life, old people."
Maingat nitong sinuklay ang buhok ko.
"Mabibigyan ka niya ng magandang buhay, hija."
"I can manage to give myself that kind of life, Old lady." Confident na ani ko rito.
"Pero iba pa rin kapag isang Gladiero ang mapangasawa mo. For sure magiging masaya kayong dalawa."
"Still no... I can't imagine myself taking care of an old husband while I'm still young. Kaya kong mag-find ng guy na hindi sobrang tanda."
"Grabe ka sa anak ko. Hindi pa iyon matanda. 30 pa lang iyon." Nalolokang ani ng ginang.
"You know what... you're salbahe, ikaw and your angkan with that kind of tradition na you want to continue. Let your child live the way they wanted. Don't control them. Let them choose who they wanted to be with them."
"Hija, hindi naman namin sila kinokontrol. Wala namang problema kung matino iyong babae o mabait. Susuportahan pa namin sila. Kaso hindi namin gusto iyong babae ng anak namin. Feeling namin ay hindi siya makabubuti sa anak namin."
"Feeling ninyo? Hays, I really don't want to be your daughter-in-law. What if feeling mo ganito and ganyan. Eh 'di stress ako palagi sa feeling mo I can sense it na mas importante pa iyong feeling ninyo kaysa sa son ninyo. He's kawawa ha. May parents siyang controller." Natahimik ang ginang. Nasobrahan ba ako sa pag-say ng thoughts ko?
Sinulyapan ko siya. Ngumiti naman ito.
"I just want the best for my son, hija."
"And I am the best choice? You're wrong if your sagot is yes. Maganda lang ako, but I'm slight bobo. If you need a perfect daughter-in-law... hindi ako iyon. Exam nga sa math hindi ko ma-perfect, perfect wife pa kaya?"
Napabungisngis ang ginang na tapos na sa pagsuklay sa buhok ko.
"Hindi kailangan perfect wife, hija. Ang kailangan lang ay mapapasaya ang anak ko."
"I-arranged marriage mo po siya sa clown."
"Hindi ka talaga nauubusan ng sagot." Bahagya nitong pinisil ang pisngi ko. "Kaya talagang bagay kayo ng anak ko." At doon pa rin bumagsak ang usapan.
Nang lumabas kami ng silid ay bahagya lang sumulyap ang parents ko na abalang nakikipag-usap sa mga relatives ni gov.
"Oh, ready na ang prizes. Maglaro na tayo." Excited na ani ng isang ginang na may hawak na bundle-bundle na pera.
"Yunako, sali ka sa laro. Ganito kami kapag nagkakasama-sama. Nagpapalaro ang mga tita." May nga kaedaran ko na biglang sumulpot. Hindi ko sila napansin kanina.
"Game! Game!" ani ng isa.
Bahagya naman akong itinulak ng ginang para humanay na rin. Katabi ko pa si Governor Lucca na bahagya lang sumulyap sa akin.
"Let's play dugtungan!"
"What's dugtungan?" kalabit ko kay Governor Lucca Gladiero. Pero tinignan lang ako nito at inirapan ako. 'Ay, baka bobo rin at hindi alam." Mahinang bulong ko.
"Simple lang ang mechanics sa larong ito. Dudugtungan lang ninyo ang mga kasabihan o proverbs."
Proverbs? Ha? Like... action word?
"Is it action word, Governor Lucca?" muli kong bulong.
"Verb iyon, Yunako. Proverbs is short sentence that offers advices or life lesson." Napatango-tango ako kahit hindi ko pa rin gets.
"Let's start!" ani ng ginang.
Si Governor Lucca ang mauuna at sunod ako.
"Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa itaas..."
Minsan ay nasa sasakyan. Iyon ang sagot ko.
Pero hindi ko ituturo kay Governor baka kasi itanong din sa akin.
"Minsan ay nasa ilalim." Confident na sagot ng governor.
"Correct!" nagpalakpakan sila.
Shit! Buti hindi iyon ang tanong sa akin. I'm so f*****g wrong. I wanna make iyak tuloy.
"Next." Na-pressure ako bigla. "Kung may itinanim... may?" itilapit pa sa akin ang microphone.
"May maha-harvest?" ani ko. Feeling ko correct iyon. Kaso nagtawanan sila. Napakamot pa sa ulo ang Tita ni gov. Why? My sagot is mali ba?
"Tama iyon. Pwede na." Tawang-tawa na ani ng daddy ni Governor Lucca. See! I'm so correct!
Sa first round ay walang natanggal. Sa ikalawang round...
Nakasagot si governor. Ako na ulit. So fast ng balik sa akin.
"Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay..."
"Will get lost?"
This time... pati si governor na kalaban ko ay malakas na tumawa. What's funny? Am I wrong?