7

1569 Words
Chapter Seven "What? Tatawa na lang ba us? I won na ba?" gulong-gulo tuloy ako. "Seryosohin mo kasi, Yunako." Komento ng host. Itinuro ko ang sarili ko. "Am I not seryoso about this game?" ani ko na takang-taka pa. "I want money. I wanna win. Come on, guys. Stop laughing." Nakasimangot na ani ko. "Naihi na ako sa panty ko. Manang, help!" ani ng Lola ng lahat. Dali-dali namang inalalayan ito ng yaya. "Let's play again... aanhin mo ang damo kung patay na ang?" Hindi pa man ako nakakapag-isip pero sa akin na itinutok. "G-ardener?" sagot ko. I'm not so prepared. Tapos she asked me na agad. That's not fair. "Bigyan ninyo na lang iyang batang iyan ng pera." Tawang-tawa itong daddy ni Governor. Nakasimangot na ako. "I want money, but I wanna win fair and square, guys." "Paano ka mananalo kung lahat ng sagot mo mali?" Governor Grayson asked. "Did I gave maling answer?" sa tono'y hindi makapaniwala. Tumango naman ang lalaki. "Why I am not out pa pala?" "Dahil sumagot ka... sila hindi sila nakasagot." Turo nito sa mga pinsang na out na. "Okay. I'm so good pala talaga." Tugon ko na nakuha pang pumalakpak. Nang tignan ko si mama ay napapa-facepalm pa ito. Why? She's not proud that I am so magaling? "Let's continue... bugtong-bugtong naman ito." "And what's bugtong-bugtong?" nagtaas pa ako ng kamay. Paiba-iba sila ng game. Hays. I'm so magaling pa naman sa mga kasabihan. "Riddle, Yunako." Sagot naman ng lalaking katabi ko. "Oh! I'm good din d'yan." Mabilis na ani ko. Kahit pa tinitigan ako ni Governor Lucca as if hindi siya naniniwala. "Unahan sa pagsagot... for 50k." "Game!" ani ko. I just need to maunang mag-answer. "Bugtong-bugtong... may apat na binti ngunit hindi makalakad." "Lumpo!" mabilis na sagot ko. "Mesa!" nauna ako kay Governor na sumagot. Mesa? What the heck? "Anong sagot mo, Yunako?" "Lumpo." Confident pa ring sagot ko. "Ikaw, gov?" "Mesa." Tugon naman ni governor. "Lumpo is wrong, mesa is correct." Tugon ng Tita nito. "Wait... wait!" ani ko. 50k is so sayang if hindi ako manalo. "I'm talo?" takang ani ko. "Mali ang sagot mo, hija." "Why? But you said... unahan sa pagsagot. I answered first." Giit ko. "Unahan sa pagsagot ng tamang sagot, Yunako." "Oh! You didn't say tamang sagot. I thought unahan lang makasagot. Ayaw ko na. Madaya." Ang tulis ng ngusong ani ko. Saka ako lumapit sa Lolo ni Governor. "Give me na lang ng money po." Naglahad pa ako ng palad nito. Inabutan naman niya ako ng isang bundle ng perang nasa tabi niya. 100k iyon. Kaya ang smile ko ay sobrang lawak. "She's so cute." Aliw na aliw na ani ni Mrs. Gladiero. Inilagay ko sa bag ko ang pera. Saka naupo sa single couch kung saan ay may cute na pusang mukhang tamad. Kinandong ko iyon. Hindi naman ito matapang, parang gusto pa ngang magpa-baby. "You're so cute!" aliw na ani ko. "That's my cat." Masungit na ani ni Governor Lucca pero hindi ko siya pinansin. He's not gwapo and I don't have plans to waste my time sa pangit. "What's your name, cat?" ani ko na bahagyang sinilip ang mukha ng pusa. "She's Fussy." "Oh, why naman pinangalan mo siya ng p***y? Parang not nice naman to hear---" "Fussy!" giit ng lalaki. Saglit akong napaisip. "Oh, Fussy? I thought you call her pussy." "Stop." Saway nito sa akin. Tumayo ako't buhat pa rin ang pusa. Even though the may-ari wants to get his cat... I didn't bigay it to him. Fussy is cute. I wanna take her home. Pagsapit ng alas-6 ay niyayaya ko na sina mama na umuwi. I'm so tired so nagpunta agad ako ng car. Sa backseat ako naupo habang nasa loob ng jacket ko si Fussy. She wants me kaya no reklamo siya kahit nasa loob siya ng jacket na suot ko. "Bye, Yunako! See you tomorrow." Todo ang kaway ni Mrs. Gladiero. Ngumiti lang ako rito without minding iyong sinabi nito na see you tomorrow raw. Nang umusad ang sasakyan ay nanatili pa ring naka-hide ang cat sa jacket ko. My parents doesn't even notice it. Nakalayo na kami saka ko lang in-open ang jacket ko. "What the f**k, Yunako?" gulat na gulat na bulalas ng aking ina. "Why po?" tanong ko rito. "You kidnapped the cat!" pinanlakihan pa ako nito ng mata. "Isn't catnapped? Yes, I catnapped it. She likes me." Ipinakita ko pa kung paano ko iyon pinanggigilan. Wala namang reklamo ang pusa. Dinilaan pa ang pisngi ko. "Jesus Christ, Yunako! That's not yours---" "Now it's mine." Proud na proud na sagot ko rito "Yunako, Diyos ko ka! Pusa ni Governor Grayson iyan! Ibalik natin." Agad akong umiling dito. "Fussy is so cute, mama. I want her." "I'll buy you one---" "We're mahirap na, right? We can't afford it." "What? Seriously?" "I'll take care of her. Promise ko iyan." Ngiting-ngiti na ani ko rito. "Anak, magagalit sa 'yo ang gobernador. Wait! Sinadya mo ito para magalit siya? Yunako!" "You're so maingay, mother! Can you shut up muna?" "Kung hindi lang ako nakaupo rito ay tiyak may tampal ka sa akin---" "You're always hurting me, mama. Don't you notice?" biglang seryosong tanong ko. Nakailang sampal na ito sa akin. Kahit pa anong reaction ko sa mga nagaganap sa life namin... it's normal. Tapos they expect me to make ayos the problem. Natahimik si mama. Tuloy-tuloy ang biyahe namin na hindi na ito umimik. Nakauwi kami sa bahay. Agad akong nag-ask sa kasambahay na sumaglit sa mall to buy ng mga need ng new cat ko. "Fussy?" tawag ko sa pusa. Agad naman itong lumapit when I sat in the couch. Naghihintay lang kami ng kasambahay na nasa mall pa. "Ang cute mo talaga, Fussy." Niyakap ko ito. Saka ako humiga sa couch na yakap pa rin ito. I tried to sleep na muna while waiting. Pero while sleeping and waiting... someone make gising to me. Nang dumilat ako ng mata ay napatili pa ako. "Yunako, stop!" awat ng gobernador sa akin. Tinakpan niya ang bibig ko para lang hindi na ako makasigaw pa. "Oh gosh, Governor Lucca! Akala ko monster ka!" ani ko na nainis dahil sa nasirang tulog. Bumalik ako sa pagkakahiga nang maayos at niyakap muli ang pusa at balak ko na sanang matulog ulit, but he make gising na naman to me. "What's wrong with you? Can't you see a beautiful girl making tulog here?" He's so slow ba? Can't he understand na I need to beauty rest?" "You kidnapped my cat!" akusa ng lalaki. Then I remember his cat... in my arms. "Akin na iyang pusa ko, babae!" inis na ani nang masungit na gobernador. Pero niyakap ko lang iyon. "She's mine now, Governor Lucca. You don't have a cat here." "Governor Grayson?" takang tinig ni mama ang narinig ko. "Mrs. Dizon," may pagkamasungit ang tono ng tinig nito sa aking ina. "Hijo, what are you doing here? Gabing-gabi na, gov." Bumukas ang ilaw sa sala. Kanina ay dim light lang ang naka-on. "My cat was lost, Mrs. Dizon. Kung saan-saan na namin hinanap. Tapos kinuha lang pala ng anak ninyo." Nata-facepalm si mama. "Pasensya ka na, hijo. Sobrang tigas ng ulo. Pusa na raw niya iyan at hindi namin mapilit na ibalik sa 'yo." Hiyang-hiya pa si mama. Wow! Mas nahihiya siya because of what I did kaysa sa pagpilit sa akin na piliin si gov? Yucks! "That's fine, Mrs. Dizon. I'll get it now." Agad kong niyakap ang pusa sa parang hindi nito makukuha. "Akin na lang siya, governor. She's my p***y now." "Fussy. She's Fussy." Mariing ani ng lalaki. "Akin na siya, Yunako." Seryosong ani nito sa akin. Pero umiling pa rin ako. "Yunako, ibalik mo na." Singit ni mama. Pero muli pa rin akong umiling. "No. She's mine now." "Yunako!" sigaw ni mama sa akin. Pero hindi pa rin ako nakinig. "Fine. Ikaw ang may kasalanan kung bakit gagawin ko ito." Hindi ko gets ang ibig nitong sabihin. Nang tumingin ito kay mama ay dinugtungan nito ang sinabi. "Mrs. Dizon, kukunin ko muna ang anak ninyo para makauwi ang pusa ko sa bahay." Hindi pa man pumayag si mama ay bigla na lang akong binuhat ni Governor Lucca. "Lucca-lucca!" malakas na tili ko. Pero narinig ko pa rin ang malakas na tawa ni mama. "Mama, help! Your child is being kidnapped! Mama! Help!" maingat na ani ko. Naisakay ako ng lalaki. Saka niya isinara ang pinto. Balak ko sanang buksan pero nai-lock niya agad iyon. Nang makapasok siya ay naisara rin niya agad ang door at in-lock. "Open it!" utos ko rito. But he didn't listen. "Are you bingi? I said open it!" pinalo ko pa ang braso nito.v "Ibabalik mo na ba si Fussy?" "No. This p***y is now mine." "Fussy." Pagtatama na naman nito. "Kung hindi mo ibabalik ay wala na akong choice kung 'di ang isama kang babae ka. Last chance... ibalik mo na ang pusa ko." "No." Giit ko. Binuhay nito ang makita ng sasakyan. "Bahala ka! Sasama ka ulit sa beach house." "What? No! Ibaba mo kami ng p***y ko." "Fussy!" inis na inis na ito. "Why you look so inis? Wala ka bang pasyente?" sa sobrang bilis kong magsalita ay mali pa tuloy ang bigkas. "Pasyen... pasensi... patience?" "Para sa 'yo? Wala, Yunako. Kapag may pagkakataon ako. Isisilid talaga kita sa drum at itatapon sa ilog." Nakasimangot ito. Umirap pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD