5

1960 Words
Chapter Five Masama ang naging titig ng gobernador sa akin. "Just sama me with you, Governor Lucca. You're going to make huli some fish? I wanna subok din." Biglang na excite na ani ko. Hindi pa man ito pumapayag ay dali-dali na akong lumapit sa bangka. "How to akyat in your boat?" tanong ko sa matandang lalaki. "Manong barbero, help me please!" ani ko rito. Napakamot ang matandang kalbo. "Bangkero ba, Yunako?" ani ni Governor Lucca na may pagtataka sa tinig. "Bangkero? Barbero? Isn't the same?" umiling ito. "Mr. Fisherman, how to climb---" bigla na lang may brasong pumulupot sa bewang ko at iniangat ako pasakay sa bangka. "Thanks!" ani ko kay Governor Lucca. I'm not here to worry sa wedding delusions ng parents namin. I'm here to enjoy. Iisipin ko na lang na wala si governor dito. "Kasintahan mo, gov?" tanong ng kasama naming matandang lalaki. "Hindi, Mang Dick." Tugon ni Governor. "W-hat is his name?" ani ko. Kinalabit ko pa ang gobernador na paakyat na ng bangka. "Mang Dick." Tugon ng lalaki. "Like a d**k? As in... what's the tagalog of d**k?" "Stop and shut up! Nagyaya ako kay Mang d**k na pumalaot para makaiwas sa inyong lahat. Tapos sumama ka pa." Masungit na ani ng lalaki. "I'm your iniiwasan?" "Obviously!" masungit na ani ng gobernador. "Well, pareho lang naman tayo. I wanna make iwas din because I don't like their plan. Don't mind me, and I'm not going to mind you too." Naupo na ako nang maayos. May makina naman ang bangkang gamit namin ngayon. "Wow! This is so astig." Amaze na ani ko habang mabilis na umaandar ang bangka. "Manong d**k, is this safe?" "Opo, ma'am." Tugon ng lalaking ayaw tumingin sa akin katulad ni Governor Lucca. "Can we catch a big fish using this?" "Opo, pwede po. Pero po mag-spearfishing si Governor Lucca." "Really? Can he do that?" may pagdududang tanong ko. "You think I can't?" ani ng gobernador. "Yes!" walang pag-aalinlangan na sagot ko. "You look like a rich boy lang kasi na asa sa servant." Napasinghap ang lalaki. "Tsk. Mang d**k, mali talagang isinama itong babaeng ito." Nakasimangot na ani ng lalaki. Natawa lang ang matanda. "Gawin na lang kaya nating pain? Hindi naman alam sa amin na sumama siya." Mas lalong natawa ang lalaki. "Why? Gusto ba ng mga fish ng magandang pain? If my kagandahan will help you. You can use me as your pain. Kawawa ka naman if you have props then you can't get even a small fish." "Props?" ani nito. Inginuso ko ang mga gamit niya. "Yes, props." Mukha kasing props lang ang mga iyon at wala talaga itong skills. "Okay. Let's see." Nang huminto ang bangka ay nagsimula na itong maghanda. Nakamasid lang ako. "Gaano kalalim ang water?" curious na ani ko. "Nasa 20 meters po iyan, ma'am." Tugon ng matandang lalaki. "Governor Lucca, it's so malalim. I'll understand if you don't have huli. Let's just buy fish in the market. So you don't look kawawa---" hindi na nito tinapos ang sinasabi ko. Tumalon na lang siya basta, kaya naman agad ko siyang sinilip. "Magaling iyan si governor, ma'am. Libangan ng mga Gladiero ang spearfishing. Mas prefer nila ang ganitong paraan nang panghuhuli ng isda. Nag-e-enjoy raw po kasi sila." "Mang d**k, is he mabait po?" "Opo naman! Mabait at maaasahan po si governor. Kaya mahal na mahal ng mga taga San Pedro iyang si governor." "Oh, then he should marry his lalawigan not me." Mahinang bulong ko. Mahal pala siya ng mga nasasakupan niya eh. I'll suggest that to his mother. Nang umangat si Governor Lucca ay may hawak na itong isda. Napasinghap pa ako nang makita kong malaki iyon. Pero nalungkot nang makita kong sa ulo ang tama no'n. "You're so masama. You hurt the isda." Komento ko. Pumapasag-pasag pa ang fish. Kawawa talaga. "Arte mo, Yunako. Manahimik ka na nga lang d'yan." Inirapan pa ako nito. Saka iniabot kay Mang d**k ang huli niya. "Bababa rin ba ako, gov?" "No. Stay there. Walang kasama si Yunako." Nang maiayos na ang isda sa bangka ay muli itong lumangoy pailalim. Hindi rin nagtagal ay umangat ulit ito. May huli na naman. Pahaba na ng pahaba ang nguso ko. Nagkatitigan pa kami ng isdang may nakatusok na spear shaft. Nang makita ni governor ang itsura ko ay sa akin pa talaga niya iniabot ang isda. "O, masarap sa sinigang iyan." Nakangising ani nito na medyo hingal pa. "Ang salbahe mo. Wala kang awa sa mga isda." May umagos ng luha sa mata ko. Agad kong pinunasan iyon. Sisinghot-singhot pa. "Mas kawawa kami kapag wala kaming isdang ulam. What's the difference ng mga isda rito at ng isda sa palengke? Nothing!" ani nito. "Wala kang awa sa mga kalahi mo!" "W-hat? Kalahi?" ani nito. "Mukha kang bisugo!" umugong ang tawa ng kasama naming kalbo. Tapos si Governor Lucca ay hindi makapaniwala. "Itong mukhang ito... mukhang bisugo para sa 'yo? Damn, woman! Magpa-check ka ng mata mo." Mayabang na ani nito saka lumangoy na naman ito patungo kay Manong d**k. Ibinigay niya ang huli niya. Ang tagal namin nag-stay roon. "I'm so bored na, Mang d**k. My bangs is not okay na." Bahagya ko pang inayos ang bangs ko na hinahangin. "Okay lang iyan, ma'am. Maganda ka pa rin naman." "I know that I am sobrang ganda, manong. Kaya we're not bagay ni governor." "Gwapo si governor, ma'am." Mabilis na ani nito. "Ang dami ngang mga dalagang nagkakagusto sa kanya." "I'm glad I'm not isa sa nagkakagusto sa kanya. I don't have taste in men if like ko siya. Just ewww po." "Baka in denial ka lang po, ma'am. Bagay kayo ni gov." "Ngiii! That's ewww! No way!" diring-diri sa idea na ani ko rito. Tumawa lang ito. Nahinto kami sa usapan nang sumulpot na naman ang gobernador. May dalang isda. "That's enough, Governor Lucca. Hindi ka na na maisasalba sa impyerno if you'll add more fish---" "Shut up!" iyon lang ang sabi nito. "May shark ba d'yan, manong? Kainin sana siya ng shark! Bad boy!" pikon na ani ko. "Ganyan na ganyan nagsimula ang love story ng Lolo at Lola ko---" "Buhay pa ba sila?" "Patay na, ma'am." "See, ayaw kong mag-end up na patay sa love story na naiisip mo." Imbes ma-offend ay malakas ulit na tumawa ang matanda. Nang umahon na si Governor Lucca ay masaya silang mag-talk ni Mang d**k. They're masaya because maraming fish ang na catch ni gov. "Ikaw lang ang hindi masaya na maraming huli." Puna nito sa akin. "Because they are so kawawa!" "They are so kawawa!" panggagaya ni gov sa pagsasalita ko. Nakakainis siya. Inirapan ko. "Tignan natin later kung kawawa ba sila kapag naging sinigang at inihaw na sila." "I'm not going to kain that poor fish." "Let's see." Confident ito. Hindi talaga. I eat fish, ha! Hindi ako naaawa because pwede nang kainin kapag isine-serve sa akin. This is the first time na sumama ako to catch a fish. This is the first time to see rin a fish na may tusok sa kanilang head. So kawawa talaga... but sinigang and inihaw na fish is so tempting. "Sa Isla muna tayo, Mang d**k. Doon na tayo kumain." Dinig kong ani ni Governor Lucca. Abala ito sa pagpunas ng buhok niya. Saka ko lang din napansin na may mga nakalagay sa bangka na lagayan ng food. Nang makarating kami sa isang Isla ay naunang bumaba si Governor Lucca. Patay na ang makita ng bangka at pwede na akong bumaba. Island hopping ba ito with my summer dress and my 3-inches sandals. "Come here." Seryosong ani ng lalaki. Lumapit ako sa side nito. Tumalikod ito sa akin. "Bakay." Utos nito. Kinalabit ko siya. Lumingon naman ito. "What's bakay?" "Hays!" ani nito. Kaysa magpaliwanag pa ay inabot niya ang bewang ko at binuhat na lang ako nito. Nang makarating sa buhangin ay ibinaba na niya ako. "Tanggalin mo na iyang sandals mo. Para kang tangang naka-heels sa buhanginan." Agad ko namang sinunod ang sinabi nito. Binitbit ko lang din iyon. Sandals ko lang ang inaalala ko, habang iyong dalawa ay busy sa pagbaba ng mga dala. "Ihaw na lang ito, gov?" dinig kong ani ni Mang d**k. "Oho, linisin na ninyo. Magpaparingas na ako." Sumunod ako kay gov pagkatapos niyang magsalita. May nipa hut naman at doon kami sumilong. "Tutunganga ka na lang ba d'yan?" masungit na ani nito. "Ayusin mo ito sa table." "Say please!" utos ko rito. "Tsk. Kung ayaw mong kumilos ay hindi ka namin bibigyan ng pagkain." "Are we going to stay here ba nang matagal?" "Yeah! Afternoon na ang balik sa beach house." "What? Bakit hindi mo sinabi?" "At bakit ko sasabihin? Sabit ka kasi nang sabit." No choice, ayaw kong ma-hungry kaya nag-help na rin ako rito. Palinga-linga pa nga. "What are you doing?" curious na tanong ko. "Nagpaparingas, Yunako. Bobo lang? Hindi mo alam?" "You're so full of sarcasm! I'm asking... and yes I'm bobo to some Filipino culture." "Tsk. Huwag kang mag-expect ng gas stove sa ganitong Isla. Kumuha ka ng gatong." Iniabot ko rito ang gallon na may tubig. Takang tinitigan naman niya iyon. "Bakit iyan?" "You said kumuha ako ng gallon." "Hays! Gatong! Gatong! Gatong!" Napatitig ako sa gallon. Iniisip pa ang ibig nitong sabihin. "Gatong, Yunako." "What's gatong?" napabuntonghininga ang lalaki. "Kumuha ka ng kahoy. Tuyong kahoy para gamiting panggatong dito sa kalan." "Where's the kalan?" tatlong bato lang naman ang nasa harap nito. Huminga ito nang malalim. Breathe in, breathe out. Tumayo ang lalaki. Nilayasan ako. Sa hindi kalayuan ay dumampot ito ng mga tuyong sanga. Si Mang d**k ay busy sa paglinis ng isda, si Governor Lucca ay busy sa pagkuha ng kahoy, ako... ganda lang. Buti na lang I'm so beautiful. May ambag pa rin. Nang makabalik si Governor Lucca ay sinimulan na nitong ayusin iyon sa 'kalan' daw. I only see lang naman ay 3 big bato. Hays. "Posporo." Lumingon ito sa akin. Naglahad pa ito ng kamay. "P-osporo? As in phosphorus? "Posporo lang, Yunako! Pangsindi rito!" pikon na ata ito. "What's posporo?" "Bobo ka nga!" masungit na ani nito. Kaya pinalo ko siya sa braso. "You're so bad! Slight bobo lang. Not full bobo!" "Ewan ko sa 'yong babae ka." Inirapan pa niya ako. Siya na rin ang tumayo at kumuha no'n. Isang maliit na cuboid shape na lalagyan iyon. Nang buksan niya ay agad kong sinilip. "That's posporo?" tumango naman ito. Saka niya biglang kiniskis sa gilid at umapoy. "Wow! That's cool, ha!" saka ko inagaw iyon. I tried. Pero nabali lang. Inulit ko ulit. Nabali lang din ulit. Nakasampu na ata ako no'ng inagaw nito. "That's enough. Don't waste it." Napaapoy na nito. Sinigang daw ang lulutuin at inihaw. They have all their kailangan. Naupo na lang ako dahil baka masabihan na naman ako ng bobo... slight lang naman kasi. If they will tell I'm bobo... it should be 'slight bobo' not just 'bobo'. "Tubig, ma'am?" alok ni Mang d**k. "Thanks, manong!" ani ko pagkatapos tanggapin iyon. "Pwede kang maligo kung gusto mo, ma'am. Mamaya pa naman ito maluluto." Turo nito sa nakasalang. May kanin na, baon nila. Pero niluluto pa lang ang ulam. "It's so mainit pa po. I'll swim later." Nang matapos silang magluto ay nagyaya na rin silang kumain. "Mang d**k, may ulam pa d'yan sa tupperware." Turo ni Governor Lucca sa tupperware na nasa tapat ng matanda. Agad nitong dinampot iyon at ipinasa sa lalaki. Pagkatapos tanggapin ay binuksan naman ni governor iyon. "Eat." Inilapag ni governor iyon. "Lechon kawali iyan." Kumuha ako. Tinikman ko muna. It's good. "This lechon kawawa is so masarap." Komento ko na may ngiti pa sa labi. "It's lechon kawali, Yunako. Nakakapagod kang kausap." Masungit na ani ni Governor Lucca. "Pilipit iyang dila mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD