Chapter Four
Isang malakas na sampal mula kay mama ang tumama sa pisngi ko.
"That's masakit ha!" ani ko rito habang nakatitig dito. Hawak ang pisnging sinampal nito. "You're so masama, mama. Why saktan me?" ani ko na kung pwede lang pumadyak ay ginawa ko na. Disappointed ang titig nito sa akin. Kararating lang namin sa bahay. Sobrang tahimik nila kanina sa car. Ngayon pala nila ako balak kausapin.
"Yunako! Alam mong nasa desperate situation tayo pero bakit kailangan mong gawin iyon sa harap nila? Hindi ka ba naaawa sa amin?" ani nito na bigla na lang napaiyak.
"How about me? Naaawa ako sa inyo, kaya I'm still here. If not... for sure nasa Japan na ulit ako kahit kararating ko lang dito. How about you, guys? You want me to marry a man na may fiancee na! That's ridiculous!" muli akong sinampal ni mama. "That's ouchy, ma!" ani ko.
"We need the Gladiero's help and connection, Yunako. We need them kaya kahit alam naming may fiancee na ay willing pa rin kaming ituloy ang arranged marriage na ito. Anak, please! Ikapapahamak natin kung hindi ito matutuloy."
"No!" giit ko. "I'm not a relationship wreaker! I'm not a mang-aagaw."
"Alam namin iyon. Isipin mo na lang na pure business ito, anak. Please. Gustong-gusto ka ng parents ni Governor Grayson. Ikaw ang napili nila para sa anak nila. It's a privilege, anak. That's connection, power, and wealth. Tatanggi ka?"
"Anak, parang awa mo na. Nagmamakaawa kami ng daddy mo sa 'yo. Kailangan naming nang tulong mo. Huwag mong ipagdamot iyong tulong na pwede mong ibigay sa amin."
"Find someone else, mama. Iyong taong walang sabit na makatutulong sa atin. Pakakasalan ko agad. Huwag lang iyong may sabit." Seryosong ani ko.
"Okay... pero hindi iyon gano'n kadali. Anak, kung pwede sana'y pakisamahan mo muna ang mga Gladiero habang naghahanap kami ng pwedeng pumalit kay Governor Grayson. Hahanap kami agad. Oras kasi na bitiwan na natin sila... aatakihin tayo ng mga taong naniningil sa amin ng Daddy mo. Alam nilang ang mga Gladiero ang tutulong sa atin kaya medyo lie low sila. Pero kapag nalaman nilang walang kasal na matutuloy ay baka manggulo na naman sila." Napailing ako.
"Why did you put me in this position, ma? I can't handle it!" stress na naupo ako sa couch.
"I'm sorry, Yunako." Bagsak ang balikat na bulalas ng aking ama. Nang tignan ko ito ay hindi ako nito magawang tignan. Ang laki nga naman nang ipinayat ni daddy. Guilt ang nababakas ko sa mukha nito. Maluha-luha rin ito. "Ayaw kitang malagay sa posisyon na ito, anak. It's fine nga kung ako lang... kung hindi kayo madadamay ng mama mo ay okay lang na saluhin ko lahat. Kasalanan ko naman kasi. Pero nasa ganito na tayong sitwasyon. Anak, nakikiusap ako sa 'yo. Tulungan mo kami ng mama mo."
Nag-iwas ako ng tingin.
"Nag-text si Mrs. Gladiero. Iniimbitahan niya tayo sa beach house nila bukas. Anak, punta tayo? Habang hindi pa kami nakakahanap nang kapalit... ilapit muna natin ang sarili natin sa kanila."
"Nandoon si governor?"
"Baka wala... for sure mainit ang ulo no'n sa parents niya. Baka hindi dumalo."
"Ang unfair kasi sa fiancee niya, ma. Kung nandoon siya tapos I go there... hindi magandang tignan, right?" ani ko sa maarteng tinig.
"Anak, baka Wala iyon doon. Makisama muna tayo, Yunako. Please." Tumayo na lang ako. I'm too tired na. I wanna rest. Kung sila'y hindi pagod, ako pagod na pagod.
"I'll go to my kwarto na, parents. Good night." Iyon na lang ang sinabi ko.
"Yunako, maaga bukas." Pahabol na bilin ni mama.
--
They're so seryoso na early kami today. Masakit ang head ko, medyo madilim pa pero on the way na kami sa beach house. They gising me as if sobra kaming nagmamadali.
"Are you okay, anak?" tanong ni mommy kaya sinulyapan ko siya. Bahagya ring inangatan ng kilay.
"No." Tugon ko rito. Napabuntonghininga ito. "You know the dahilan, ma. I'm not okay because of this freaking situation. I don't have enough pahinga, you forgot ata na kahapon lang ako dumating."
"Anak, ngayon lang naman ito. Tapos pwede kang mag-rest and---"
Hindi pa man tapos sa pagsasalita si mama ay nagsuot na ako ng earphones. No tunog, I just wear it.
Nakuha kong umidlit habang nasa biyahe kami. Ginising na lang nila ako no'ng makarating kami.
"We're here na, Yunako. Mag-ayos ka muna bago ka bumaba. Kailangan maganda ka palagi sa paningin nila." Napabuntonghininga ako. Bahagya kong ginulo ang buhok ko. Sumama tuloy ang tingin nito sa akin. "Yunako, hindi ka ba marunong makinig? Ito na ba ang resulta ng hindi namin paggabay sa 'yo dahil abala kami sa trabaho?" ani ni mama.
And I answered immediately. "Yes, mama! Kulang po ako sa aluga."
"How come kulang ka sa aruga? Ibinibigay naman namin ang mga kailangan mo."
Ah, aruga pala iyon. "Time, attention, love, and effort to be with me. Iyon po ang kulang. But it's fine. Wala naman akong choice." Bumaba na ako kahit magulo pa ang buhok ko.
"Yunako!" excited na ani ng ginang na galing sa loob ng villa. Sinalubong ako nito at bumeso agad ito sa akin.
Nang matapos ay bahagya nitong hinaplos ang buhok ko. She fixed it.
"Ang ganda-ganda mo talaga, hija. Magulo o maayos man ang buhok mo.
"Is that a papuke?" ani ko rito.
"W-hat?" ani ng ginang na sinulyapan pa si mama na nasa likod ko.
"Yunako, papuri." Oh, my bad! Wrong word.
"Is that a papuri?" ulit kong tanong.
"Oh, of course!" ani naman ng ginang. "You're so beautiful like your mother."
"Thanks, Mrs. Gladiero. But this girl in your harap will never be your daughter-in-law. I don't want to be part of your kulto." Tugon ko. Tumabi siya sa akin habang natatawa siya.
Saka ako iginiya papasok.
"You know what... lahat naman ng member ng kulto na ito na ipinapakasal namin ay mga gwapo. Ayaw mo ba ng asawang gwapo?" aliw pang tanong nito.
"Gwapo or not... it's not a problem. The only problema here... he's not single."
"Hija, itong tradisyon namin ay hindi biro." Muli ko itong tinignan.
"And that's weird. Iyong mga old people sa family ninyo... like you... mga manipulator kayo. Mga controller kayo. That's masama, ha." Kahit gano'n na Ang sinabi ko ay ngumiti lang ang ginang. "Why hindi ka pa rin na offend? I'm actually... insulting your cult."
"Dahil sa totoo lang, mas napapabuti pa rin ang mga desisyon namin. Believe me, hija. Ikaw ay magiging asawa ni Governor Grayson Lucca Gladiero. Magiging isa kang Gladiero."
"I hope not, Mrs. Gladiero. I'll pray hard."
"Hija, nauna na akong nagdasal eh. Baka iyong dasal ko ang unang dingin." Nakangising ani nito. "Halika na. Ipakikilala kita sa mga future in-laws mo."
"My parents---"
"Sa loob na natin sila hintayin." Pagpasok namin ay agad bumaling sa amin ang mga tao sa sala. Hindi karamihan.
"Nasa kwarto pa si Grayson. Gusto mo bang doon dumeretso?" bulong ni Mrs. Gladiero.
"No, Old Lady. I'm fine here. Morning, guys. If you're asking nasaan ang good sa morning. Wala." Tugon ko sa energetic na tinig. Nagtawanan ang mga ito.
"She's the one?" tanong ng isang matandang babae sa akin.
"Yes, Mama." Tugon ni Mrs. Gladiero. "She's the one."
"Why? Iyong iba ba ay double?" painosenteng tanong ko.
"Who is she?" tanong ng isang ginang.
"She's Yunako Brigette Dizon. Anak ni Chen and Yuri Dizon. She's so pretty, right?" ani ng ginang. Bakas sa tinig nito ang pagka-proud sa kagandahan ko.
"Yes, she is! Welcome to the family, hija."
"I think you're wrong, ma'am." Magalang na ani ko. "You should say... welcome to the cult, hija." Hindi ko napansin na nasa likod ko na si mama. Pasimpleng kinalabit ako nito. Tanda na I need to magpakabait na.
Kaya I have to be quiet na.
"She's the one." Parang sang-ayon ng isa pang ginang.
"I know!" confident na ani ni Mrs. Gladiero.
Isa-isang ipinakilala ng ginang ang mga bisita niya. Birthday pala niya. Hindi engrande ang setup. Pero halatang mga mahahalagang tao lang ang invited.
"How about your wish para sa akin?" ani ng ginang habang hawak ko ang cake. Yes, I am the one they made tagahawak of the celebrant's cake.
"My wish? I don't know. We're not close kaya I'm not sure."
"Simpleng wish lang." Pilit nito.
"Okay. My wish for you... don't die early. If you wanna live... just breathe. If you don't hinga... you'll die." Si mama na nakatitig sa akin ay napabuntonghininga. Samantalang itong ginang na humihingi ng birthday wish ay mukhang masaya pa.
"Thank you, Yunako. Yes, hihinga ako para hindi ako mamatay."
"Perfect!" napapalakpak pa ako rito. Napabungisngis ang ginang at niyakap ako. Hindi ko pa nakikita si Governor Grayson. Sana hindi ko na makita.
May breakfast na inihanda para sa lahat.
Nang maging busy sila sa pagkain at kwentuhan ay nakuha kong sumalisi.
Naglakad-lakad ako sa tabing dagat.
Hindi pa naman masakit sa balat ang araw kaya naman nag-stay ako roon.
Then I saw Governor Grayson Lucca Gladiero. Walking. Patungo sa direction na ito.
May mga bitbit ito. Sakto namang may humintong bangka.
"Where are you going?" agad kong tanong sa lalaki nang makarating ito sa tabing dagat.
"Sa malayo sa 'yo." Balewalang tugon nito sa akin.
"Sama ako!" mabilis na ani ko.