Get The Hell Out Of Here!

4943 Words
By: Michael Juha getmybox@hotmail.com --- “Bayaran mo iyan!” ang bulyaw ko. Nakatayong nakapamaywang ako at tiningnan siya habang pinupulot ang mga pagkain kong nalaglag sa sahig. Nahinto siya sa kanyang ginagawa at inangat niya ang kanyang mukha sa akin. Tinitigan niya ako. “K-kilala ba kita?” ang tanong niya. Pakiramdam ko ay sinaksak ng maraming beses ang aking puso sa narinig na tanong. Iyon bang feeling na trinaydor ka na nga, pagkatapos ng lahat na nangyari sa inyong dalawa at sa naging dulot nito sa iyong pagkatao, tatanungin ka na lang ng “Kilala ba kita?” Napako ang mga tingin ko sa kanya, nanggalaiti sag alit ang aking titig. Nagbakasakali ako na bawiin niya ang kanyang tanong at sabihin sa akin na nagbibiro lamang siya. Ngunit napako rin ang tingin niya sa aking mukha na tila pinanindigan talaga ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig at hinintay kung ano ang aking isasagot. Sa puntong iyon ay hindi ko na nakayanan pa ang sarili. Tumalikod na lang ako at nagmadaling tinumbok ang isang mesa sa isang gilid ng restaurant at doon ay umupo ako. Sinundan niya ako, hinayaan ang mga crew ng fastfood na siyang maglinis sa kalat ng pagkain at softdrinks. “Hey... sorry. Hindi ko sinadyang masagi ang pagkain mo,” ang sambit niya, sabay bitiw ng isang ngiti. Iyon bang parang ipinarating sa akin sa ngiti niyang iyon ang mensahe na ok lang ang lahat, walang problema. Ngunit hindi ko sinuklian ang kanyang ngiti. Bagkus, binulyawan ko siya. “Palitan mo iyon! Nagugutom ako!” Nakita kong sinensyasan niya ang isang lalaking crew at pinalapit. Noong nasa harap na niya, “Ricky, paki-dalhan mo nga kami rito ng dalawang spaghetti, dalawang hamburgers, dalawang iced tea, dagdagan mo na rin ng fries,” ang utos niya sa crew. “Yes sir.” Ang sagot naman ng crew. Pansin kong casual lang na sinabihan niya ang crew na iyon at tinawag pa sa kanyang pangalan. At napansin kong hindi rin siya nag-abot ng pera. Nungit inisip ko na lang na baka kilala lang siya sa restaurant na iyon, suki baga o baka puwede rin ang ganoon sa kanilang chain na mag-order lang muna atsaka na ang bayad. “Bakit dalawa ang inorder mo? Hindi naman ako ganyan ka gutom!” ang bulyaw ko uli. Inisip ko kasi na para sa akin ang lahat nang iyon. “Eh... ayaw mo bang sabayan kita sa pagkain? Gusto ko lang makabawi, manghingi ng sorry.” “O, e ‘di mag-sorry ka eh. Problema ba iyan,” ang pabalang ko pa ring sagot, ang mukha ay nakasimangot pa rin. Tinitigan niya ang mukha ko. “Galit ka pa rin eh.” “Galit ka pa rin eh...” ang pabulong kong paggagad sa kanyang sinabi. “Syempre galit ako! Gutom na gutom na nga ang tao, napurnada pa ang aking pagkain dahil sa katangahan mo.” “O sya... tanga na ako kung tanga. Huwag ka na lang magalit sa akin please?” “Huwag ka nang magalit please...” ang lihim kong paggagad uli sa sa sinabi niya. At sa isip ko lang ay, “Hindi ba niya talaga ako kilal? O umaarte lang siya?” “Ok... kain na tayo,” ang sambit din niya noong inilagay na sa mesa namin ang pagkaing inorder. Nang nakita ko ang pagkaing inilatag ng crew, walang pasabing kumuha na ako atsaka kumain. Hindi ko man lang siya pinansin o inanyayahan. Parang wala lang akong kasama. Syempre, inis na inis pa rin ako dahil pakiwari ko ay niloloko lang talaga niya ako. Imposible naman kasing hindi niya ako maaalala gayong napakaintimate ng nangyari sa amin, alam niyang siya ang una kong karanasa at naging kami pa, may pangako siyang binitiwan sa akin. Tapos ganoon-ganoon na lang pala. Yumuko na lang ako at walang imik na kumain. Kumain na rin siya. “Alam mo, parang kilala kita,” ang pagbasag niya sa katahimikan. At doon na ako nagreact. “Hindi mo ba talaga ako kilala?” ang sambit kong mataas ang boses. Itutuloy ko pa sana ang panunumbat sa kanya, sa kanyang pangakong napako, sa kahalayan na ipinaranas niya sa akin, sa pag-amin niyang mahal din niya ako ngunit nang mapansing nakatingin pala sa amin ang ibang custoers at crew ay bahagya akong nahinto. “Pagkatapos ng lahat, heto sasabihin mo sa akin na parang kilala mo lang ako?” ang pabulong kong sabi. Kitang-kita ko ang pagkabigla niya. Lumingon siya sa paligid, tiningnan ang mga taong nakatingin pa rin din sa kinaroroonan namin. “W-wala akong natatandaan talaga eh! Sino ka ba?” “Si YAK??? Hindi mo na ba siya natandaan? Hindi mo na ba natandaan ang batang kinantahan mo bago mo siya iniwan sa bus station at pinangakuhan mong balikan? Hindi mo ba natandaan kung bakit Yak ang tawagan natin?” ang pabulong ko pa ring salita bagamat igil na pigil ang galit. “Eh... hindi nga kita kilala eh. Ano mo ba ako? Bakit parang kung makapagsalita ka ay ganyan na tayo kalapit sa isa’t-isa?” “Bakit? Hindi ba? Pagkatapos nang ginawa mo sa akin? Ganyan na lang!” “What!” ang gulat na reaksyon nya. “A-ano ba ang ginawa ko sa iyo?” Tila binatukan naman ako sa tanong niyang iyon. Para kasing iginiit ko na ang sarili ko sa kanya. Kaya inilihis ko na lang ang topic. “Ang iyong inay na sinabi mong na stroke, ang dahilan kung bakit ka umuwi, nakita mo ba siya?” “K-kilala mo ang aking i-inay?” Hindi ko na nasagot ang tanong niyang iyon gawa ng pagsingit ng isang babaeng binulyawan kami. “Ano ang nangyari rito???” Isang babaeng ito na nasa mahigit 30 ang edad, may makapal na makeup, todo-pormal ang kasuotan na akala mo ay isang miyembro ng gabinete at mag-aattend ng meeting sa Malakanyang. Tiningnan niya ako nang matulis. Tiningnan ko rin siya. Nakipagtitigan ako. “Bakit ba?” sa isip ko lang. “Bakit mo tinaasan ng boses ang asawa ko?” ang sambit ng babae. Mistulang isang bombang sumabog naman sa aking harapan ang mga katagang narinig ko galing sa bibig ng babae. Pakiwari ko ay tinamaan ng mga shrapnels nito ang aking puso, warak na warak sa sobrang tindi ng tama. Ang sakit! Pagkatapos ng mahabang panahong paghihintay at paghahanap, heto siya nakita ko na sana ngunit may asawa na pala. Bigla akong nahinto. Tiningnan ko silang dalawa. Palipat-lipat ang aking tingin sa kanilang dalawa. At noong naramdaman kong babagsak ang aking mga luha dahil sa sakit ng aking damdamin, tuluyang na akong tumayo, tumalikod, at tinumbok ang exit upang makalayo sa lugar na iyon. Umuwi akong tuliro at punong-puno ng katanungan ang isip. Hindi ko talaga mawari kung bakit hindi niya ako kilala. “Siya kaya si James?” ang tanong ng aking isip. Ngunit hindi ko rin matanggap na hindi siya si James. Lahat ng mga katangiang taglay ni James ay nasa kanya. Ang mga dimples niya, ang nunal na parang maliit na tuldok lang ng ballpen sa kaliwang gilid ng kanyang ilong. Ang kanyang pananalita at pagalakad. “Siya si James!” ang sigaw ng isip ko. Hindi ako maaaring magkamali! Sa gabing iyon napagdesisyonan kong balikan ang fastfood chain na iyon at alamin ang sagot sa maraming katanungnang bumabagabag sa aking isip. Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Nais ko kasing tapusin muna ang aking mga assignments bago ko puntahan ang fastfood chain. At tsamba namang namukhaan ko sa library ang isa sa mga crew ng fastfood. Estudyante rin pala siya sa unibersidad na pinapasukan ko. Walang kyeme ko siyang nilapitan sa mesa kung saan siya ay kasalukuyang nagbabasa. “Hi... ikaw si Ricky ng MCJ Fastfoods ‘di ba?” ang tanong ko. “Ako nga!” ang sagot niyang mistulang nabigla. At may napansin ako sa boses niya. Mukhang may dugo siyang berde. Kasapi pala siya sa federasyon. Tiningnan niya akong maigi. “Namukhaan kita! Ikaw iyong nabundol ni Sir sa fastfood namin!” Natuwa naman ako na naalala rin pala niya ako. “Oo... ako nga, si Jassim,” ang sagot ko. “Paano mo akong natandaan?” dugtong ko. “Ako pa! Ang cute mo kaya. Kung nagkataong babae ka lang, bagay na bagay kayo ni Sir Marlon... Guwapo siya, at guwapa, este guwapo ka rin. Akala ko nga noong una, babae ka talaga eh. Mahaba kasi ang buhok mo, parang sa babae talaga. Makinis ang mukha, maputi, matangos ang ilong, at ang ganda ng mga mata at kissable ang lips… artistahin!” sabay bitiw ng nakakalokong tawa. “Sino ang hindi makaalala sa kapogian mo! At hindi lang ako ang nakyutan sa iyo. Kaming lahat ng crew!” dugtong niya Napangiti ako ng hilaw. Ipinangako ko kasi sa sarili na i-maintain ang mahabang buhok. Ito kasi ang isa sa mga nagustuhan ni James sa akin. Straight ito hanggang sa leeg, at alagang-alaga ko ito. Ang sabi nga nila, bagay na bagay raw ito sa akin. “Eh... Matagal ka na ba sa MCJ Fastfoods?” ang paglihis ko sa usapan. “May isang taon na. Pa renew-renew lang ng kontrata, panay probationary. Need ko lang mag working student kasi para makatapos. Ito ang stepping stone ko. Kaya, kailangang magtyaga, magpakahirap.” “Ah... ganyan naman talaga eh. Kapag may focus, may target, sakripisyo lang ang katapat,” ang sagot ko. “So kilala mo iyong sinabi mong Sir?” “Si Sir Marlon? Oo naman. Sa guwapo ba naman ng Sir ko, walang tao sa MCJ ang hindi nakakakilala sa kanya. Lahat kami ay humahanga sa kanya. At hindi lang guwapo ang sir ko, mabait pa. Super! Kaya mahal na mahal namin siya.” “M-Marlon ba talaga ang pangalan niya?” “Oo. B-bakit?” ang tanong din niya. “K-kasi... may k-kuya akong nawala. Hindi na sumipot. At naniniwala akong siya ang nawala kong kuya,” ang pag-aalibi ko. Biglang napatakip sa kanyang bibig si Ricky. Nanlaki ang kanyang mga mata. Iyon bang tipong may sikretong nalalaman ngunit controversial. “K-kuya mo siya?” ang tanong niya. “Bakit?” may alam ka ba? Lumingon siya sa paligid at hininaan ang kanyang boses. “Atin-atin lang ha? Magpromise ka.” Tumgano ako. “Promise...” “Kasi... may mga tsismis na umiikot na iyang si Sir Marlon ay napulot lang daw ni Ma’am Sofia!” “N-napulot? H-hindi ko msyadong naintindihan. Paanong napulot?” “Napulot. As in! Nawalan ng malay, dinala sa bahay, inalagaan. Ganyan.” “S-sino naman ang Ma’am Sofia na iyan?” “Iyong babaeng biglang sumulpot sa harap ninyo noong kakain na sana kayo ni Sir? Berdugo iyon, Killer. At kung makaasta ay parang pag-aari niya si Sir Marlon. Hindi naman kagandahan! Tsura!” “Ganoon ba? Tapos...” “Patay na patay iyon kay Sir Marlon. Inangkin niya ito atsaka ginawang manager sa branch ng fastfood nila dito sa bayan upang hindi na aalis si Sir sa kanya.” “Saan naman daw niya napulot si Sir Marlon mo? At bakit hindi siya umuwi sa kanila?” “Basta atin-atin lang iyan ha? Iku-kuwento ko sa iyo.” “Oo nga, atin-atin lang. Ikuwento mo na, please.” “Matagal na raw nangyari ito. Noong nagbiyahe si Ma’am Sophia patungo sa ibang bayan, naispatan niya ang isang taong walang malay na nakabulagta sa gilid ng bangin. Halos malaglag na raw ito kundi lang naharangan ng isang puno ng kahoy na tumubo sa gilid ng bangin. Ipinahinto niya ang sasakyan at inutusan ang kanyang driver-bodyguard, na tingnan kung tao nga ito. Bumaba sa gilid ng bangin ang driver at noong nakumpirmang tao nga ito, inutusan niya ang driver na iakyat ang nasabing tao. Nang naitaas na ito, pinagmasdan daw ito ni Ma’am Sophia. At doon, nabighani sa kapogian ni Sir Marlon ang malandi naming amo at dali-daling inutusan ang driver na idiretso nila ito sa pinakamalapit na ospital na nagkataong pagmamay-ari rin nila. May tama kasi ang ulo ni Sir Marlon at umaagos pa ang preskong dugomula sa sugat niya sa ulo. Ang hindi nila alam, may naaksidente palang bus na nalaglag sa bangin ding iyon at sumabog. Patay ang lahat ng mga pasahero. Obviously, kasama raw sana sa casualty si Sir Marlon ngunit maaaring nakatalon ito o nalaglag sa bus at tumilapon ang katawan sa gilid ng bangin na iyon bago sumabog ang bus kasama ang iba pang mga namatay na pasahero. Kaya siya lang ang mapalad na nakaligtas.” “G-ganoon ba?” ang sambit kong may gumapang na matinding awa para kay James at lalo na sa kanyang ina na siyang dahilan kung bakit siya umuwi sa panahong iyon, dahil na-stroke nga. At masaklap pa pala ang nangyari dahil hindi na nga sila nagkita, ganoon pa ang nangyari sa kanya. Parang piniga ang puso ko sa nalamang kuwento. Kung ako nga na nagdurusa sa paglayo niya, paano na lang ang kanyang ina na matagal nang nasasabik sa anak. At sa panahon pa na kailangang-kailangan siya ay hindi pa nakarating. Ramdam ko ang mga namumuong luha sa aking mga mata. “Kawawang James...” ang bulong ko sa aking sarili. Naalala ko tuloy ang kuwento sa akin ni James tungkol sa kaniyang ina. Mahal na mahal daw niya ito, at baka hindi niya raw kakayanin kapag may nangyari sa kanyang inay. May naikuwento rin si James na isang pangyayaring hindi niya malimutan tungkol sa kanyang inay. Maliit pa raw siya noon, nasa walong taong gulang nang hinabol siya ng malaking aso. Nang nakita ito ng kanyang inay, hinarang daw nito ang sarili upang hindi siya makagat. Kaya ang inay niya ang sinunggaban ng aso. At dahil sa sobrang laki nito, nagpambuno sila. Kitang-kita raw niya kung gaano iwinasiwas ng galit na galit na hayop ang inay niya. Kitang-kita rin niya ang dugong umagos sa katawan ng kanyang inay gawa ng pagdaluhong sa kanya ng aso. Wala siyang nagawa kundi ang sumigaw at umiyak. Nang tangkain niyang paluin ng kahoy ang aso halos nawalan na ng malay ang kanyang inay. Iyon na rin ang pagdating ng may-ari ang aso. Simula noon, ipinangako raw niya na palaging protektahan ang kanyang inay at hindi niya ito pababayaan. “Hoy! Nand’yan ka pa ba?” ang sigaw ni Ricky sa akin noong napansing nakatunganga na lang ako dahil sa aking pagbabalik-tanaw sa mga sinabi sa akin ni James. “E... oo, nakinig ako. G-ganyan pala ang kuwento niya?” “Oo... iyan ang kuwentong narinig ko at ng mga kasamahan namin sa restaurant. Nang nanumbalik na raw ang malay ni Sir Marlon, hindi na nito natandaan pa ang mga bagay-bagay sa kanyang buhay. Doon na pumasok ang demonyong plano ng aming among babae. Tuluyan niyang inangkin si Sir Marlon at bini-brainwash ito, isiniksik niya sa utak ni Sir na maglive-in partner daw sila at malapit nang ikasal... Iyan ang dahilan kung kaya sinadya niyang hindi ipagamot si Sir Marlon upang hindi na manumbalik pa ang mga alaala nito. Kampon talaga ng demonyo iyang amo naming babae!” Sa huling sinabing iyon ni Ricky, pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo. Tila may namuong tapang sa aking kalooban at malakas na udyok na agawin si James mula kay Sophia. “Hindi maaari! Lalabanan ko siya! Babawiin ko si James sa kanya!” ang nasambit ko. “B-bakit babawin? Kung totoo ngang kuya mo si Sir Marlon, ayaw mo bang magkaroon ng mayamang asawa ang kuya mo? Laruin mo na lang kaya. Tutal, masaya rin naman ata si Sir Marlon sa kanya,” ang sagot ni Ricky sabay bitiw ng isang tawa. Iyon bang may halong pagbibiro, hindi naniwalang kilala ko nga si Sir Marlon niya. “Basta... Ayoko! Alam ko, hindi siya masaya,” ang nasambit ko na lang. “Ok, fine... pero iyang kuwento na yan ay kuwento-kuwento lang ha? Wala namang katotohanan iyan eh. Alam mo naman ang tsismis, mas malakas ang signal kaysa smart, globe at PLDT. Di ba? Atsaka, huwag ka nang mag-ilusyon na kuya mo si Sir Marlon.” Napangiti naman ako ng hilaw sa sinabing iyon ni Ricky. “Kuya ko si Sir Marlon mo. At hindi tsismis ang narinig mong kuwento tungkol sa kanya, Ricky. Totoo ang lahat nang iyan...” ang seryoso kong sabi. “Ano ang proof mo na kuya mo nga siya?” Doon na ako nahinto. Wala naman kasi akong proof talaga. May mga bagay akong itinago na alaala ko kay James ngunit hindi naman sapat na pruweba iyon na magkaatid nga kami. “Wala akong pruweba na dala rito ngunit itong mukha ko…” turo ko sa aking mukha, “Hindi pa ba sapat na proof na magkapatid nga kami?” ang sambit ko. Sinubukan ko lang ang ganoong trick, nagbakasakaling maniwala siya. Narinig ko kasi kay James mismo na noong bata pa siya, halos kamukha ko rin daw siya. Tinitigan ako ni Ricky. “Hmm… pareho kayong guwapo, makinis din ang mukha mo, matangos ang ilong, kissable lips, at ang mga mata ay mistulang nanghihipnotize…” nahinto siya sandali at pinatayo ako. “Pareho rin kayong matangkad.” At doon na siya tila natulala. “OMG! ‘Di nga?” ang sambit ni Ricky na nanlaki uli ang mga mata, ang bibig ay tinakpan ng kanyang dalawang kamay. “Magkapatid ba talaga kayo???” “Oo... hindi ako nagbibiro. Kuya ko siya...” “God!!! Totoo nga! Anong gagawin mo ngayon? Aagawin mo ba ang kuya mo? Nasaan ba ang pamilya ninyo? Bakit hindi ninyo siya hinahanap?” Mistula naman akong nabilaukan sa mga tanong na iyon ni Ricky. Paano nga ba naman; hindi ko siya tunay na kuya talaga, at hindi ko rin alam kung ano ang tunay na address ni James, kung bakit hindi siya hinahanap ng kanyang tunay na pamilya. “E... kasi...” ang nasambit ko na lang. At noong may naalala ako sa sinabi ni Ricky, “Di ba sabi mo nga ay patay ang lahat ng mga pasahero? Iyan din ang akala namin kung kaya hindi na namin siya hinanap. Akala naming ay patay na rin siya at hindi mahanap ang mga labi niya. Iyon pala ay dinala siya sa bahay ng amo mo!” “Ah… Totoo. G-ganoon nga ang nangyari. E, kung ganon, kunin na ninyo siya. Upang hindi na mag-ilusyon sa kanya ang bruhang babaeng amo namin!” Tahimik. Hindi ko kasi alam kung paano. At wala naman akong katibayang kapamilya ko iyong tao. Hindi ko rin alam kung saan sila nakatira, o buhay pa ba ang na-stroke niyang inay. “S-sa palagay mo ba ay ibibigay ng Ma’am Sophia mo si Sir Marlon mo sa akin?” “Ah, iyan lang ang hindi ako sigurado Jassim. Pero kung may mga papeles kayo, kagaya ng birth certificate, litrato, mga testigo... baka madali lang siguro. Papuntahin mo a lang dito ang mga magulang mo. Kasi, sa tingin ko, hindi basta ibibigay ni Sophia si Sir Marlon. Ipaglaban ng demonyetang iyon nang p*****n si Sir Marlon. Baliw na baliw iyan sa pag-ibig niya kay Sir Marlon,” ang sagot ni Ricky. “Eh... w-wala na kaming pamilya eh. Kaming dalawa na lang ng kuya ko ang naiwan,” ang pag-aalibi ko pa. “G-ganoon ba? Kawawa naman pala kayo.” Nahinto siya nang sandali. “Litrato, mayroon ka?” Nag-isip ako. May litrato kasi kami ni James na kuha namin sa terminal bago siya umalis. Ngunit hindi ko na alam kung saan ko nailagay iyon, o baka naitapon ko na. Sa tagal na noon at sa galit ko rin sa kanya, hindi ko na ito inalagaan. “Eh... s-sige, maghanap ako. Alam ko may litrato ako sa kanya eh,” ang nasambit ko na lang. “Mabuti naman kung ganoon.” Tahimik. Nag-isip ako kung paano ko sisimulan ang pagbawi ko kay James. “Kung gusto mo, habang hinahanap mo pa ang mga katibayan, mag-apply kang crew sa restaurant naming,” ang mungkahe ni Ricky. “Oo nga! Tama!” ng sagot ko. “M-may bakante pa bang trabaho sa inyo? P-pede pa kaya ako?” “Mayroon. Naghanap kami ng dagdag na crew. Gagawa kasi kami ng annex kaya kailangan namin ng additional crews.” “Sige! Sige, Ricky! Mag apply ako! Para mapalapit ako sa kuya ko!” ang masaya kong sambit. Nag-apply ako sa kanilang fastfood chain. Ipinakisuyo ko kay Ricky ang aking resume. Kinahapunan agad ay tinawag ako. Lima kaming naka-schedule para sa interview, at si “Sir Marlon” ang nag-interview sa amin. Sobrang kaba ang aking naramdaman sa pagkakataong iyon. Excited akong makita siya at makausap. Ang tagal ko na kaya siyang hinahanap. At matindi ang kasabikang nadarama ko sa kanya. Noong ako na ang pumasok sa office, siya kaagad ang tumambad sa aking paningin. Nakaupo siya sa harap ng mesa, nagbabasa. Napakaguwapo niya sa kanyang suot na puting long sleeves na may stripes na asul, neck tie na dilaw na may maliliit na dots na asul din, at ang kanyang buhok ay mistulang sa isang bagong paligo. Ibang-iba na siya sa dating sekyu na simpleng-simple lang kung manamit. Noong inangat niya ang kanyang mukha, nagkasalubong ang aming tingin. Nginitian niya kaagad ako, tinitigan. Sigurado, naalala niya ang insidenteng nalaglag ang tray ko ng pagkain at ang galit ko sa kanya dahil doon. Mistula naman akong malulusaw sa titig niyang iyon. Iyon ang dahilan kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya at umibig. Ang mga matang nangungusap, ang ngiting tila nanunukso. 14 na taong gulang pa lamang ako noon habang siya ay 19 at isang hamak lamang na guwardiya ng isang bodega ng mga abaca at copra. Sinuklian ko ang kanyang ngiti. Hindi ko na siya sinimangutan. Alam ko na kasi ang dahilan kung bakit hindi na niya ako kilala. At naintindihan ko ang lahat. “Take your seat Mr. Jassim Castro...” sambit niya habang hawak-hawak sa kanyang kamay ang aking resume. “English speaking na rin siya...” sa loob-loob ko lang. Sabagay, ang sabi niya sa akin noon ay graduate daw siya ng Business Administration ngunit dahil hindi siya makapasok ng trabaho, nag-guwardiya na lang siya. Marami naman kasi ang ganoong kaso. Underemployed, kumbaga. Umupo ako sa inilaang upuan para sa interviewee, sa harap niya. “Thank you,” ang sagot ko. Tahimik. Muli niya akong tinitigan. Yumuko ako lang ako. Pakiramdam ko kasi ay nakakailang ang kanyang mga titig. “So your name is Jassim...” ang tanong niya. “Yes, sir.” “What a cute name! I like it.” “Thank you po.” “First of all, I’m happy that you applied here.” “Thank you po...” “And I’m really sorry for that incident.” Tahimik. Gusto ko sanang sagutin siya na wala na iyon, gawa lang iyon ng aking galit na hindi na niya ako natandaan. Ngunit hinyaan ko na lang ito sa aking isip. “Are you still angry with me?” “No Sir! No! I’m not angry anymore. M-may problema lang po ako that time, sir. Isa pa, I was the one at fault,” ang mabilis kong sagot. “Hmmmm... in love ka siguro kung kaya ay nagka problema ka, ano?” Napangiti ako ng hilaw sa tanong niyang iyon. Hindi ko kasi akalain na isisingit niya ang ganoong klaseng tanong. Syempre, sa kanya kaya ako na inlove. “Hindi po. Wala po akong love life sa ngayon,” ang sagot ko. “Pero I’m sure that at your age of 20, nakaranas ka nang ma-in love. Tama ba?” “Shitttt! Ano ba ito? Ba’t love ang pinag-usapan sa interview na itoooo!” ang sigaw ng isip ko. “Eh... oo naman sir. Pero wala na iyon. Hindi na niya ako naalala pa.” “Owww? Sa hitsura mong iyan? Nalimutan ka niya? Hindi niya alam kung ano ang nawala sa kanya.” Napa-“amfff” na lang ako sa sarili. Hindi na ako sumagot. Ano bang isasagot ko. Alangan namang sabihin ko sa kanyang “Ikaw iyon...” “I remember you mentioned that you know me? At may...” nahinto siya nang sandali, “g-ginawa ako sa iyo? Did I get it right?” “Eh...” ang naisagot ko na lang. Nabigla talaga ako na iyong mga personal na tanong ang isiningit niya. “Tell me something about it.” “S-sir... B-baka mali lang po ako. B-baka hindi po naman kayo iyon, eh.” “So kung hindi ako iyon, where is he now?” ang giit niya. “H-hindi ko po alam.” “Ano ang trabaho niya?” “G-guwardiya lang po siya... sa isang bodega ng abaca at kopra.” “Magaling palang humawak ng baril iyon kung ganoon...” sabay bitiw ng ngiti. Tahimik. “How are you related to him?” “Eh...” “What’s his name?” ang sunod kaagad niyang tanong. “J-James...” “James... hmmmm. Sounds familiar.” “Anong relasyon mo sa kanya?” “Eh... K-kuya po,” ang naisagot ko. Alangan naman kasing sabihing boyfriend ko, nakakailang naman na sabihin ko sa interviewer iyon, ‘di inamin ko na rin na bakla ako. Kung sabihin ko namang kaibigan, parang may kulang. “Ano iyong sinabi mong ginawa niya sa iyo? O... ginawa ko sa iyo?” “W-wala po. M-mabait po siya sa akin.” “Sinabi mo rin na may kinanta siya sa iyo bago ka niya iniwan?” “O-opo...” “Anong kanta?” “Beautiful in my eyes?” “Pwede mo bang kantahin para sa akin?” “H-hindi po ako masyadong marunong kumanta eh...” “Come on Jassim. Let me hear it.” Kaya wala na akong nagawa kundi ang kumanta – You're my peace of mind in this crazy world. You're everything I've tried to find, your love is a pearl. You're my Mona Lisa, you're my rainbow skies, And my only prayer is that you realize You'll always be beautiful in my eyes. The world will turn, and the seasons will change, And all the lesson we will learn will be beautiful and strange. We'll have our fill of tears, our share of sighs. My only prayer is that you realize you'll always be beautiful in my eyes… Nang natapos ko na ang kanta, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Nanariwa kasi sa aking isip ang mga eksena kung saan ay kinanta niya sa akin iyon, sa huling pagkikita namin sa terminal. Lihim kong pinahid ang aking mga luha. Narinig ko naman ang pagpalakpak niya. “What a nice song!” ang sambit niya. Tahimik. Hindi na ako kumibo. Naaasiwa kasi ako dahil sa patuloy na pagdaloy ng aking mga luha. Marahan kong dinukot ang aking panyo at ipinahid ang mga iyon. Napatitig naman siya sa akin. Parang napakalalim ng kanyang iniisip habang tinitigan niya ako. Hindi ko alam kung ano ang laman ng kanyang isip. Yumuko na lang ako habang patuloy ang pagpahid ko sa aking mga luha. Nasa ganoon kaming ayos noong bigla ring pumasok sa kuwarto si Sophia. Hinalikan niya si Marlon sa pisngi at pagkatapos ay umupo sa tabi nito at tinignan ako nang maigi. “Are you the one who came here yesterday and claimed to have known Marlon?” ang mataray na tanong niya. “A, eh…” ang naisagot ko. Natakot kasi akong baka hindi ako tanggapin sa trabaho kapag “Oo” ang isinagot ko. “No, he’s not Sophia. He just looked similar to that guy,” ang pagtakip naman ni Marlon sa akin. “Hmmmm,” ang reaksyon ni Sophia habang patuloy na tinitigan ako. Nakikinita ko sa titig niya na hindi siya naniwalang hindi ako iyon. “Ok... But I’m sorry, what’s your name?” “Jassim po...” sagot ko. “...Jassim, we can’t accept you!” ang diretsahan niyang sabi. Mistula namang hinataw ang aking ulo ng isang matigas na bagay sa narinig. Sobrang nadisappoint ako. “I accepted him already Sophia,” ang pagkontra ni Marlon. Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Sophia sa diretsahang pagkontra ni Marlon sa desisyon niya. “Hon... I don’t like him! He is not qualified!” ang med’yo tumaas na boses ni Sophia. “Well... I like him honey. And we have many unqualified crews here who underwent training. Look at them now. They’re doing great!” “My decision is final, honey. It’s a big NO!” ang paggiit pa ni Sophia. “And my decision is final too! It’s a big YES.” Hindi ko alam ang gagawin sa ipinakita nilang pagtatalo dahil sa akin at sa harap ko pa mismo. Para akong nataranta, natulala. “Desisyon ko ang nasusunod sa kumpanyang ito, Marlon,” ang galit na sabi ni Sophia. Nawala na ang tawag niyang “honey” kay Marlon. “I know. Sampid lang ako rito. But if you don’t want my decision, it’s fine with me. You can now start looking for my replacement. Ayoko na. Pagod na ako sa sunod-sunurang mga pakana, plano, at desisyon mo. Hindi naman ako nagi-exist sa opisinang ito, eh. Walang halaga ang opinions ko sa iyo.” Biglang ibinaling ni Sophia ang tingin niya sa akin. Tinitigan niya ako ng matulis atsaka bumulyaw ng, “Go outttttttt!!! Get the hell out of hereeeeee!!!” Nanginginig akong tumayo at dali-daling tinumbok ang pintuan upang mabilis na makalabas sa kuwartong iyon. Nabuksan ko na ang pinto at handa na sanang lumabas noong narinig ko naman si Marlon na nagsalita. “Wait Jassim. I’ll go with you!” (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD