Kabanata 6

1472 Words
Iniabot ni Alison kay Windy ang pinabili nito pero padabog nito iyong kinuha tapos nakasimangot pa. "Napakatagal mo naman Alison! Hindi ko na to makakain kasi patapos na ang lunch break, sa susunod naman bilisan mo!" inis na sabi nito, tsaka binuksan na ang pagkain at sinimulang kainin. Parang hindi na niya kaya pang magtimpi sa ugali ng babaeng ito. Sya pa ang may ganang magalit dahil sa medyo natagalan siya, at dipa man lang nagpasalamat. Huminga siya ng malalim, pinilit niyang kalmahin ang sarili. "Pasensya ka na kung medyo natagalan ha, marami kasing pila sa Mang Inasal kanina kasi nga lunch break. Pero sana naman next time Windy matuto kang magpasalamat manlang hindi iyong ikaw pa itong galit," mahinahon niyang wika dito. Kunot noong tiningala siya nito. "At kailan ka pa natutong sumagot ngayon ha?! Pinapangaralan mo pa ako? Lumayas ka nga sa harapan ko, bwesit!" galit na singhal nito sa kanya. Napabuntunghininga na lamang siya at pagkuwa'y umalis na sa harapan nito. Minabuti niyang bumili na lamang ng sky flakes at tubig para kahit papano may laman ang tiyan niya. Saka siya umakyat ng muli sa opisina, may naiwan pa kasi siyang gawain na dapat na niyang matapos para makauwi siya ng maaga. Talagang medyo masama ang kanyang pakiramdam, gusto niyang mahiga agad pag uwi. Ngunit pagdating niya sa kanyang cubicle parang gusto niyang maluha sa sobrang inis. Ayon, ang kokonting stickynote kanina ei nadagdagan nanaman at halos mas nadoble pa. Nahilot niya ang kanyang sintido at ipiniksi ang ulo. Binulong niya sa sarili, "okey lang yan Alison, dika pa ba nasanay?Kaya mo yan!". Huminga siya ng malalim at sinimulan na ang mga dapat gawin. Bibilisan na lamang niya para makauwi na agad siya. Hindi na niya pinagkaabalahang kainin ang Skyflakes at inumin ang tubig. Tuloy-tuloy lamang siya sa pagtatrabaho. Hanggang sa matapos na ang lunch break at nagsiakyatan na din ang kanyang mga kaopisina. "Oi Windy, alam mo bang nasa opisina ngayon ni Manager Chavez ang CEO ng ating kompanya?! Grabe, papalicious bebe!" sabi ng isa nilang kaopisina kay Windy, siya naman ei walang pakialam sa mga ito. Patuloy lamang siya sa pag-iencode paki ba niya sa pinag-uusapan ng mga ito. "OMG! As in si Mr. Blade de Vega nasa office ngayon ni Manager?!" bulalas naman ni Windy. "Oo nga! Grabe mas gwapo pala siya sa personal bakla! As in napakamatcho!" kilig na kilig na sabi nito kay Windy. Napailing na lamang siya, ugali talaga ng mga ito ang magchismisan muna bago gawin ang mga dapat gawin. Sabagay siya na nga pala ang gumagawa ng mga gawain ng mga ito. Nakita niyang tumayo si Windy. "Bakla, okey ba ang porma ko maganda ba ako ha? Dyosko, makikilala ko na yata ang aking dream boy!" tili ni Windy. Maganda naman talaga si Windy, babaeng-babae ito sa suot nito na pink na floral dress at may lace pa ang laylayan. Friday ngayon kaya malaya silang magsuot ng kung anong gusto nila. Bagay na bagay dito ang damit, samantalang siya ay ang suot lamang ay pantalong maong na may punit-punit na design at tshirt na may hood. Nakasuot pa siya ng salamin dahil sadyang mahina ang kanyang paningin. Bihira lamang siyang magsuot ng contact lense kapag may aatendan lamang siyang okasyon. Hindi talaga siya komportable sa bistida at palda, medyo maton kasi siyang kumilos dahil nga puro lalaki ang kapatid niya. Pero likas lamang talaga ang kabaitan niya kaya nga naaabuso siya ng mga katrabaho at pati na ang kanyang ex. Agad na nagsalamin si Windy at maya-maya'y kinuha ang ilan na niyang naencode. "Hoy Alison, grabe ito palang ang naencode mo! Ang kupad mo namang kumilos! Akin na nga mga yan! Dadalhin ko na kay Mr. Chavez para magkita na kami ng love ko!" masungit na saad nito sa kanya. Napailing na lamang siya sa asal ng babae. "Good luck bakla!" tila nanunudyo namang pahabol ng katrabaho nila dito. Kilig na kilig naman ang babae bago lumabas ng pinto. Mga ilang sandali lamang ay padabog na may nagbukas ng pinto. Si Windy iyon, tila badtrip. "O anong nangyari?" tanong ng isa nilang kasamahan. "Bwesit na panot na yan! Si Mr. Chavez, ayaw akong papasukin! Ayaw paistorbo, nakakainis!" bwesit na bwesit na pahayag nito. Lihim namang natawa ang ilan nilang mga kasama. Siya naman ay patuloy lamang sa ginagawa. Nagdadabog si Windy na umupo sa upuan nito at ibinato naman sa kanya ang ilang papers na hawak nito. "Ayusin mo kasi trabaho mo! Pati ako nadadamay sa katamaran mo," inis na sabi nito sa kanya. Agad na tiningnan niya ito ng masama, parang sumusobra na talaga ito ha. Andon ung kagustuhang patulan na ito pero naisip niya na baka siya ang mawalan ng trabaho kapag ginawa niya iyon lalo pa at mas matagal na sa kanya si Windy. "Windy! Sobra naman na yata ang ginagawa mo kay Alison! Siya na nga ang halos lahat ng gumagawa ng mga trabaho nyo dito ginaganyan nyo pa sya! Baka gusto nyong makarating ito sa nakatataas para mabigyan kayo ng desciplinary action. Hinahayaan ko na lamang kayo pero below the belt na yang asal mo Windy, isa pa at pasensyahan tayo," galit na pahayag ng kanilang team leader dito. Tila natakot naman si Windy, tumahimik ito at nagsimula ng magtrabaho pero matalim ang tinging ipinupukol sa kanya. Hanga din siya kay sir Oscar, ito lang talaga ang nagpapatiklop sa mga ito. Pero syempre isa din ito sa mga nagdidikit ng notes sa kanya pero ikinararangal naman niya iyon. Ito kasi ang tumanggap sa kanya noon nong nag apply sya. Maya-maya'y nakaramdam siya ng ihiin, lumabas muna siya para umihi. Iisa lamang ang cr sa kanilang office meron naman san sa opisina naman ng kanilang manager kaya lang under maintenance pa ito. Kaya iisa lang talaga ang ginagamit nilang cr. Napatingin siya sa salamin, matapos umihi tsaka bumuntunghininga. Talagang iba ang pakiramdam niya ngayon, siguro mabuti pang magpaalam muna siyang uuwing maaga. Matapos maghugas ng kamay, nagpasya na siyang bumalik sa opisina para magpaalam sa kanilang team leader. Noon nama'y paliko na si Blade patungo sa cr, sira pala kasi ang cr ni Manager Chavez kaya sa cr ng mga empleyado siya nito itinuro. Kanina pa kasi siya naiihi. Natanaw niya ang babaeng nanggaling sa cr, naipasalamat nalang niya na wala ng gumagamit. Ihing-ihi na kasi siya kaya nagmamadali siyang nagtungo doon. Pagpasok niya agad niyang inilock ang pinto at saka humada na para umihi. Ngunit agad siyang natigilan. Andon nanaman ang familiar na amoy. Ang amoy ng lotus! Ang babae! Iyong babaeng nanggaling kanina dito, siya kaya iyon! Nagmadali siya sa pag-ihi, halos hindi na nga niya maayos na naisara ang zipper ng pantalon, agad siyang lumabas para hanapin ang babae. Bawat sulok, hinanap niya ito pero wala. Agad niyang naisip ang mga empleyado nila baka isa ang babae doon. Sa floor na ito puro empleyado lang naman nila ang andito kaya Imposibleng hindi niya ito makita. Mabilis siyang nagtungo sa opisina ni Mr. Chavez, sinabi niya ditong gusto niyang makilala ang mga employees nila pero ang totoo, gusto lang niyang matiyak kung sino ang babae. Sinamahan naman siya nito sa opisina kung nasaan ang kanilang employees. Ngayon kaharap na niya ang mga ito, pero natandaan niyang nakapantalon ang babae kanina at may hood ang suot nitong T-shirt pero wala sa mga babae na nandito ang may ganong kasuotan. Pero medyo naaamoy niya ang lutos kaya lang nahaluan na ng Ibat-ibang amoy dahil siguro sa marami sila dito at naka-aircon ang opisina. Isang babae ang tila kilig na kilig na makita siya, halos ayaw na nitong bitiwan ang kanyang kamay ng makipagkamay ito sa kanya. Agad niyang sininyasan si Mr. Chavez, nakahalata naman ito kaya nagpaalam na. Laglag ang balikat na nagpaalam na din siya sa manager. Nagtungo na siya sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan niya. Ngunit naagaw ang pansin niya ng babaeng nakahood na nagmamadaling papasok sa loob. Kinabahan siya, agad niya itong hinabol. "Miss! Miss!" tawag niya dito. Mukhang abala ito habang naglalakad, tila may hinahanap sa bag. Bigla niya itong hinawakan sa kamay at iniharap sa kanya. Gulat na gulat naman ang babae. "Sh*t! Ang amoy niya!Parehong-pareho nong sa babae!" sabi nila sa sarili. "B-bakit Sir?!" nauutal na tanong nito. Tila natatakot itong nakatingin sa kanya, agad niyang narealize na mali ang kanyang ginawa. Pero bugso ng damdamin yata ang nagtulak sa kanya, kaya walang ano-ano'y niyakap niya ang babae. Agad naman itong tumili, tinulak siya at isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa mukha niya. "Manyak! Bastos! Walanghiya!" sabay tumakbo ito palayo, patungo sa sakayan. Siya naman ay natigilan, habang hawak-hawak ang nasampal na pisngi. "M-Mukhang hindi siya yon, baka nga may kaparehas lamang ang pabangong iyon," napapailing na sabi niya sa sarili. Nahihibang na nga siya. Dapat talaga hindi na siya umaasa pang magkikita silang muli. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD