Kabanata 5

1613 Words
Nakatulala habang nakatanaw sa salaming dingding ng kanyang opisina si Blade, hanggang ngayon kasi iniisip pa rin niya ang misteryosang babaeng nakatalik niya noong isang linggo. Kahit anong pilit niyang iwaksi sa isipan ang babae, hindi niya magawa. Kaya inaabala nalamang niya ang sarili sa trabaho, ngunit kapag ganito wala siyang pinagkakaabalahan hindi talaga mawala sa isipan niya ang babae. Ang bawat daing nito, ang kakaibang amoy nito, ang pakiramdam na siya ang nakauna dito. Lahat ng iyon ay nananatili sa kanyang isipan, maging ang lambot ng labi nito ang sarap ng katas nito. Hindi niya lubos maisip na may babaeng darating sa kanyang buhay na para hangin lamang. At kusang ibinigay nito ang virginity sa kanya kahit hindi sila mgkakilala. Sa katunayan matapos ng gabing iyon, sa tuwing may makikita siyang babae sinasadya niyang mapalapit sa mga ito para malanghap ang pabango ng mga ito. Ngunit bigo pa rin siyang maamoy ang napakabangong lutos na iyon. Lutos na tila natural na amoy ng babae. Isa pang pinoproblema niya ay ang kanyang spoiled brat na anak, hanggang ngayon wala pa rin siyang makuhang yaya nito. Mas lalong nagiging pasaway ang bata, minsan naaawa na siya kay Manang Dorry pero matiyaga naman itong nagbabantay sa kanyang anak dahil apo na ang turing ng matanda dito.Kahapon nga, nagbasag ng pinggan ang bata dahil lamang sa ayaw nito ng meryendang niluto para dito ni Manang Dorry. Napalo nanaman niya ito pero hindi ito umiyak, tiningnan lamang siya ng masama at sinigawan siyang " I Hate You Daddy". Napakatigas na talaga ng ulo ng batang iyon, pero kahit pa pinipilit siya ng magulang na kukuhain ito ayaw talaga niyang pumayag. Pero nagsabi na rin sa kanya si Manang Dorry kumuha na ng magiging Yaya nito dahil nahihirapan na rin daw itong pagsabayin ang pagbabantay dito at paggawa ng mga gawain nito sa bahay. Naaawa nga siya dito kaya naman ilang agency na ang tinawagan niya para kumuha ng magiging yaya nito pero halos lahat ay alam ang background ng anak niya. Halos lahat alam kung ano ang kinahihinatnan ng mga nagiging yaya nito kaya wala ng gustong mag-apply pa bilang yaya nito kahit pa nag alok na siya ng dobleng sahod. Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng kanyang opisina. "Sir, tumawag ang isang branch natin sa Makati kailangan daw po kayo don. May konting problema po yata ang branch at kelangan nyong personal na puntahan," sabi ng kanyang sektarya. Isang malaki at kilalang company sa Pilipinas ang kompanyang pag-aari ng kanyang pamilya at dahil siya lamang naman ang panganay at nag-iisang lalaking anak siya ang nakatukang magpalakad nito. Isa itong Telecom Company na ilang taon na ring nag ooperate sa bansa. So far, dumarami na ang kalaban ngunit patuloy pa rin ang tiwala ng mga tao sa kanilang kompanya at isa na iyong napakalaking blessings para sa kanya. Mabigat ang nakaatang sa kanyang balikat pero kinakaya niya para na rin sa pamilya at sa nag-iisang anak. Oo at hindi niya ito maalagaan at maipakita na mahal niya ito pero gusto naman niya itong mabigyan ng magandang buhay. "Okey Seig, pakisabi na pupunta na ako after lunch," sabi niya sa kanyang Secretary. Tumango naman ito, iniwan ang ilang mahahalagang papeles sa kanyang mesa tsaka nagpaalam na ito. Muli siyang tumanaw sa kawalan at tila inaaninag ang mukha ng babae pero hindi naman nabubuo sa balintataw niya ang itsura nito. Napabuntunghininga nalang siya at lumapit sa mesa para i-check ang mga papers na dinala ng kanyang Secretary. Samantala sa opisina kung saan nakaasign si Alison. Nahilot nalang niya ang batok at sintido ng pagdating niya sa kanilang opisina heto at punong-puno nanaman ng sticky note sa kanyang computer maging sa desk at dingding. Medyo masama pa naman ang kanyang pakiramdam nitong mga huling araw. Pano ba namang di sasama, masasakit pa rin ang katawan niya dahil sa pagkawala ng kanyang virginity. Maging balakang niya ay medyo masasakit pa rin, idagdag pa ng stress niya sa kanyang ex. Tuluyan na kasi siyang nakipaghiwalay dito. Sinabi niya na alam na niya ang tungkol sa panloloko nito at ni Jenny sa kanya. Humihingi ito ng tawad sa kanya kesyo mahal daw siya nito na nagawa lang naman daw nito iyon dahil mas malaking magbigay ng pera si Jenny, galanti daw ito kumpara sa kanya at isa pa anytime daw na gustuhin nitong magparaos ei nagagawa nito kay Jenny. Sa kanya daw hindi dahil na rin daw sa ayaw nya nga at ginagalang daw nito iyon. Mahal lang daw siya nito kaya sa iba nalang daw nito ginagawa ang lahat kesa naman daw sa kanya na alam nitong mahalaga sa kanya ang kanyang virginity. Isang malakas na sampal ang tugon niya sa mga kabaliwan nito. Tapos tuluyan na niyang sinabi na tapos na sila. Ngunit nagmagaling pa ito na kesyo hindi daw niya mapapanindigan ang desisyon niyang iyon, baka daw ilang araw lang ei umiiyak na siya at naglulumuhod na makipagbalikan dito. Suklam na suklam siya dito nong time na yon, don lang niya narealize kung gaano pala siya nagpakatanga sa lalaking iyon. Doon lang niya narealize na naging bulag pala talaga siya sa kasamaan ng pag-uugali nito. Kaya nagpapasalamat nalang siya na nakilala na niya ang totoong ugali nito.Yon nga lang dahil sa nasaktan siya nito ng lubusan nakagawa siya ng isang desisyong alam niya na siya rin ang talo sa huli. Pero kahit na ganon, mabuntis man siya aakuin at pakamamahalin niya ang baby kung sakali mang magbunga ang kanyang kahibangan. Isa pang ikinasasama ng kanyang pakiramdam ei, hindi niya maiwaglit sa isipan ang gabing iyon. Lalo na ang lalaking nakaniig niya, ang mainit at malambot na palad nitong humahaplos sa kanyang balat. Ang masarap na halik na pinalasap nito sa kanya, ang bawat paglapat ng labi nito sa kanyang katawan. Ang nakakabaliw na pagsamba nito sa kanyang p********e at ang pag-angkin nito ng tuluyan sa kanya hanggang sa sabay nilang narating ang paraiso. Lahat ng iyon ay hindi mawala sa kanyang isipan. Kinabukasan ng gabing iyon nilagnat siya sanhi ng sakit ng katawan, marahil normal lang iyon lalo pa at first time niya. Hindi nga siya nakapasok ng araw na iyon, kinabukasan katakot-takot na sermon ng inabot niya sa kanilang team leader at pati na sa kanyang mga co-worker. Lalo lamang siyang nanghina ng makita ang notes na nakadikit sa kanyang cubicle halos mapuno na iyon pero pinilit niyang tapusin lahat iyon para naman di na siya masermonan. Napabuntunghininga nalang siya kapag nababasa ang ibang notes na labas ng masyado sa trabaho niya, pero ginawa pa rin niya iyon. Ngayon, heto nanaman. Hay naku, pero ano pa nga ba ang magagawa niya. Sinimulan niyang kolektahin ang mga iyon para iarrange ang mga dapat niyang unahin at ihuli. At sa awa ng Diyos bago maglunch halos maubos na rin ang mga notes. Iilan nalang ang natira kaya nagpasya muna siyang maglunch. Nagtungo siya canteen, naabutan niya doon ang ilang ka officemate. "Oh, Alison buti naman dumating kana. Pwede bang makisuyo, ayoko kasi ng mga ulam nila dito sa canteen. Pwede bang ibili mo nalang ako ng Mang Inasal, ayoko kasi lumabas masyado mausok at tsaka napakainit pa mangingitim ako," utos sa kanya ni Windy. Nais niyang tumutol kasi talagang gutom na gutom na siya at isa pa gusto na talaga niyang makaupo para lamang makapagpahinga pero heto at may ipinag uutos nanaman ito. Kung susumahin ito talaga ang may pinakamaraming notes sa kanya ei. Kulang na nga lang siya na ang gumawa ng trabaho nito pero mabait siya ei kaya naman tumango nalang siya at ngumiti. Kinuha niya ang inaabot nitong pera at umalis na, sa kabilang kanto pa naman ang Mang Inasal kaya medyo matatagalan siyang makabalik nito lalo na at lunch break siguradong marami ang nakapila. Pagpasok ni Alison sa loob di nga siya nagkamali, napakarami ngang tao at medyo mahaba ang pila. Napailing siya, sigurdo siyang di nanaman siya makakakain ng lunch nito. Biscuit at tubig nanaman ang kakabagsakan niya nito. Mabuti si Windy halos walang ginagawa kaya pwede itong kumain anytime kahit nasa opisina. Samantalang siya ei hindi na yata nawawalan ng mga gawain. Muli siyang napabuntunghininga at pumila nalang din. Si Blade naman ay nagpark ng kotse niya sa parking lot ng Mang Inasal. Balak niyang dito nalang kumain, nagpasya kasi siyang magtungo na sa kanilang branch sa Makati dahil wala na rin naman siyang ginagawa kanina. Nakaramdam siya ng gutom kaya nagpasya siyang dito nalang kumain ng lunch, hindi naman kasi siya maarte pagdating sa pagkain. Mas gusto pa nga niya dito, mura na nga masarap pa. Bumaba siya ng kotse at nagtungo na sa loob, konti nalang ang nakapila. Naglakad na siya may counter, ngunit nabangga siya ng babaeng papalabas naman. Hindi siya nito napansin dahil may kung anong tinitingnan ito sa take out na pagkain, siguro tini-check nito. Saglit na napatingin ang babae sa kanya at nagsorry, saka nagmamadali na itong lumabas. Napakunot ang noo niya, agad na may bumundol na kaba sa kanyang dibdib, suminghot-singhot siya sa hangin animo may inaamoy. "s**t! Ang amoy na iyon! Lutos! Di kaya sya ang..." sabi niya sa sarili. Agad siyang tumakbo palabas ng Mang Inasal at agad niyang hinanap ang babae. Marami ang taong naglakakad noon, imposibleng makita pa niya ito pero hindi siya nawalan ng pag asa. Patuloy niya itong hinanap pero ilang minuto na, napapagkamalan na nga siyang baliw ng mga babaeng inaakala niyang ito. Kaya naman bagsak ang balikat na nagbalik na lang siya sa loob ng Mang Inasal para kumain. "Siguro hindi siya iyon, malay ko ba kung maraming gumagamit ng pabangong iyon! Hayyy, may pag-asa pa kayang magkita kaming muli?" tila nawawalan ng pag-asang bulong niya sa sarili. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD