Inis na nahiga si Alison sa kanyang kama ng dumating na siya sa kanyang Condo. Nabwesit kasi siya don sa mamang bigla nalang nanyakap kanina sa may parking lot ng kanilang building. Naiwan niya kasi sa kanyang cubicle ang kanyang biniling bagong release na song hits. Balak niya sanang maglibang sa pagtugtog ng guitara. Hilig talaga niya ang music, pinakapaborito niyang instrumento ay guitara sunod naman ay piano. Medyo may boses din siya katulad nga ng sinasabi ng mga taong nakapaligid sa kanya syempre lalo na ang kanyang Inay. Kapag nalulungkot siya, o may pinagdadaanan sa kanta lamang siya humuhugot ng lakas.
Kaya lang di na niya tinuloy ang pagkuha kasi naman may manyak na lalaking basta nalang nanyakap sa kanya kanina. Sarap gulpihin ei, tama lang na nasampal niya ito para magtanda. Tsaka bigla namang sumagi sa isipan niya iyong naganap sa kanila ng estranghero noong nakaraang linggo. Tapos parang tinutudyo siya ng isipan na, iyon nga hinayaan mong maangkin ka tapos kanina yakap lang grabe ka kung makapag react. Naipilig niya tuloy ang ulo, kung ano-ano nalang sumasagi sa isipan niya. Hay naku, kakaiba talaga ang epekto ng gabing pagkalimot na iyon sa kanya. Tila buong buhay niya nagbago ei, pati na iyong Alison na patay na patay sa kanyang boyfriend na kahit napakasama ng ugali nito ay di manlang niya makita ngunit ngayon. Namulat na siya at dahil lamang iyon sa estrangherong lalaking iyon na nagpadama sa kanya ng walang kapantay na ligaya.
Sa pagkaalala sa bagay na iyon, andon nanaman ang pakiramdam na animo nag iinit ang buo niyang katawan, pakiramdam niya nais niyang gawin muli ang bagay na iyon. Isa lang ang paraan na ginagawa niya simula ng mangyari iyon sa kanya, umiinom siya ng isang puno sa pitsel na tubig na malamig at naliligo siya. Medyo naiibsan ang init na kanyang nararamdaman kapag ginagawa niya iyon. Nababaliw na nga siya, bakit yata hinahanap-hanap ng katawan niya ang bagay na iyon. Bumangon siya at naghubad ng kanyang damit. Wala siyang itinira tsaka humarap sa salamin. Hindi naman perpekto ang kanyang katawan pero sapat na iyon para sa kanya. Pero simula nong may dumantay na ibang kamay sa kanyang katawan at sumamba dito paulit-ulit nalang niyang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Maraming katanungan sa kanyang isipan. Katulad ng...
"Nagustuhan kaya niya ang hubog ng katawan ko?"
"Nasarapan kaya siya sa pagsimsim sa dede ko?"
"Nagustuhan kaya niya ang lasa ng hiyas ko? Di kaya sya nandiri sa katas ko?"
"Pero baka naman nagustuhan niya dahil nga sinimsim naman niya at halos wala ngang tinira."
Yang mga iyan, na batid niyang mga katanungang kabaliwan. As if naman na may chance pa na magcross muli ang landas nila. Ewan, nais talaga niyang kalimutan ang lalaking iyon pero hindi niya magawa. Lalo na kapag ganitong nakakaramdam siya ng init ng katawan. Minsan pa nga nagawa na niyang hagurin ang sariling hiyas pero natakot siya hindi niya itinuloy. Para sa kanya kasi kalapastanganan sa sariling katawan ang bagay na iyon kaya iniligo na lamang niya at uminom ng malamig na tubig, ayon nakatulong naman kahit papano. Ganon nga ang ginawa niya para din maginahawahan. Matapos maligo, kinuha niya ang newspaper na binili niya kaninang umaga.
Hilig talaga niyang magbasa ng diyaryo.
Hanggang sa mahagip niya ang isang anunsyo doon. Naghahanap ng Yaya, halos lumuwa ang kanyang mata sa sahod. Di siya makapaniwala, yaya tapos ang sahod thirty thousand a month?! Ano yon? Halos doble pa sa sahod niya, tapos marami pang kaltas kaya naman magkano lang ang natitira sa kanya. Binasa niya ang detalye ng anunsyo. Isang nagngangalang Blade de Vega ang magiging amo, at isang limang taong gulang na bata ang babantayan.
Parang familiar sa kanya ang pangalan, parang narinig na niya kung saan. Baka sobrang yaman ng lalaking ito kaya naman handang magbayad ng malaki kahit yaya lang ng anak nito. Napaisip tuloy siya, kung hindi lamang niya mahal ang trabaho tiyak mag aapply siya dito. Pero bigla siyang napaisip, stay in ang nakasaad sa anunsyo. So meaning kapag nag apply sya at natanggap, buong thirty thousand kada buwan ang sasahurin niya. Wala ni anumang kaltas dahil libre lahat pati na tirahan. Samantalang sa kanyang trabaho kulang-kulang eighteen thousand a month may kaltas pa. Tapos babawasan ng bayad sa apartment, ilaw at tubig, plus pamasahe pa niya araw-araw, pagkain, kaya kokonti lang ang naipapadala niya sa magulang niya sa probensya. Halos wala na nga siyang naitatabi ei, kinukulang pa nga dahil sa mga hirit noon sa kanya ng ex nya.
Kinuha niya ang cellphone at sinubukang idial ang number na nakasulat sa anunsyo. Susubukan lang naman niya, ewan para kasing nagsasawa na siya sa trabaho. Araw-araw nalang kasi ganon at ganon pa rin ang ginagawa niya wala mnlang pagkukusa ng kanyang katrabaho. Mas lalong tumatagal parang mas lalo lamang lumalala ang mga ito. Mas lalo pa siyang inaabuso. Hindi naman siguro masamang sumubok ng ibang trabaho, marangal din naman ang tarabaho bilang yaya ei.
Samantala.
Nakabalik na si Blade sa kanyang opisina ng oras na iyon. Medyo busy siya dahil pagbalik niya ay marami nanaman ang kailangan niyang icheck na papers at pirmahan. Tutok na tutok siya sa ginagawa kaya kahit nag riring ang kanyang phone ay hindi niya iyon pinapansin. Medyo sumasakit na kasi ang ulo niya kakareview sa papers na nanggaling sa isang branch nila, medyo may problema kaya kailangan niyang busisiin iyon.
Ilang beses pang tumunog ang kanyang phone, medyo nainis na siya ang kulit kasi ng caller. Kinuha niya ang phone, tamang-tama naman na namatay na iyon. Tiningnan niya ang tumatawag, number lang iyon, napailing siya baka isa nanamang prank call kaya hinayaan lamang niya, kapag tumawag ulit sasagutin na niya ito. Inilapag niya ang phone at muling hinarap ang ginagawa pero hinihintay niya na magring muli ang phone ngunit hindi na iyon tumunog.
Maya't-maya ang tingin niya sa phone kung magriring pa ulit pero hindi na talaga, ewan ba niya parang may nag uudyok sa kanya na tawagan ang numerong iyon. Kaya naman tinawagan niya ito. Ilang beses muna nagring bago sinagot ng nasa kabilang linya.
"Hello," tipid na sagot nito.
Babae ang sumagot, ang ganda ng boses, malumanay na masarap pakinggan. Parang katulad nong boses nong babaeng nakakasama niya sa kotse. Naipilig tuloy niya ang ulo, kung ano-ano nanaman ang nasa utak niya puro nlang ang babaeng iyon.
"Ahm, tumawag ka kanina sa number ko ano bang maipaglilingkod ko sayo?" tanong niya.
Natahimik ang babae sa kabilang linya. Tumikhim ito bago nagsalita.
"K-Kayo po ba si Mr. Blade de Vega?" tanong nito, ang hinhin talaga ng boses.
"Yes speaking," sagot niya.
"Ah, nakita ko po kasi sa news paper na naghahanap daw po kayo ng Yaya. Nagbabaka sakali lang po sana ako kung hindi pa kayo nakakahanap, mag aapply po sana ako," tila hindi humihingang pahayag nito.
Nasapo niya ang ulo, kung ano-ano na iniisip niya mag aapply lang pala bilang Yaya ni Alexa. Pero medyo natuwa na siya, atleast may nagpresinta din sa waks na mag apply ilang araw na siyang naghihintay ng tawag ng mga nais mag apply na Yaya pero wala talaga, ito lang ang naglakas ng loob.
"Wala pa Miss, kaya tanggap kana! Sa bahay nalang kita iinterbyuhin, itetext ko sayo ang address ng bahay at gusto ko bukas na bukas din ay magtungo ka na doon okey?" pahayag niya dito.
"Ho?! Ganon kabilis?!" tila nagulat na sabi nito.
Napakunot noo naman siya.
"Gusto mo ba ang trabahong ito o hindi?" medyo may pagkainis na sa boses niya. Ei kasi naman parang nag-aalangan pa ito.
"G-Gusto Sir, kaya lang po may kasalukuyan pa ho kasi akong trabaho hihingi lang po sana ako sa inyo ng kahit tatlong araw na palugit. Aayusin ko lang po ang dapat ayusin bago ako magtungo sa bahay ninyo," tila nahihiyang sabi nito.
Naiintindihan naman niya ito, bilang isang may ari ng kompanya alam niyang hindi tamang basta-basta nalang ito magreresign.
"Okey, tatlong araw Miss. Kapag natapos ang araw na iyan at hindi kapa dumating, hahanap na ako ng iba," seryosong sabi niya dito.
"Sige po Sir, salamat po," tipid na pasasalamat nito.
"Maaari ko bang malaman ang pangalan ng kausap ko?" sabi niya dito.
"Ah, opo Sir. Alison po, Alison Buendia," sagot nito.
"Alison Buendia? Okey, Alison aasahan kita sa isang araw ha," sabi niya dito.
Medyo may kakaiba siya nararamdaman ng sabihin nito ang pangalan, ewan ba niya o napapraning lang siya. Maging boses nito ay gustong-gusto niyang marinig.
"Okey po, maraming salamat Sir Blade," sagot nito, yon lang at ito na mismo ang pumatay ng call.
"Sir Blade! Bakit parang kakaiba sa pandinig ko ang paraan ng pagtawag nya ng Sir sakin?! Bakit parang iyong babaeng nakatalik ko ang naaalala ko?! Pero imposible!" bulong niya sa sarili.
Malala na talaga siya, hindi na siya matahimik ng dahil lamang sa babaeng iyon. Nahilot tuloy niya ang sentido sabay hilamos sa kanyang mukha. Kapag kuwa'y itinuloy na ang ginagawa.
ITUTULOY