Chapter 15 Series 11: Tadeus Han ISA-ISANG INALIS ni Shan ang suot niyang damit pang matanda na may bahid ng dugo at inihagis iyon sa laundry basket sa may banyo niya, bago niya inalis ang mga nilagay niya sa kaniyang mukha upang magmukhang matanda ang appearance niya at itinapon iyon sa basurahan sa banyo niya, at inalis na rin niya ang wig na suot niya bago nilingon ang sarili sa salamin. “What’s gotten into me?” tanong ni Shan sa kaniyang sarili habang nakatingin sa salamin na hindi niya napigilang ikangisi sa kaniyang sarili, na agad ding napawi at bumalik sa isipan niya ang nangyari sa ospital ng HIH, sa pagitan ng doctor na isusunod niyang mga napatay niyang doctor ng ospital ni Tad. *FLASHBACK* “Hindi naman, handa naman akong maghintay sayo, Doc. Ysharra El Diente.”sagot ni Sha