CHAPTER 3

2034 Words
He is the definition of danger.   Habang mataman ko siyang pinag masdan kanina. Mula sa mataas at maganda niyang pangangatawan hanggang sa matagpuan ko na lang na kinakabisado ko ang matapang niyang mukha. He has a prominent nose, a sharp jawline covered by mustache and a thin lip. Matapang at matalim ang mata nitong kulay tsokolate kung makatitig kay Jace pero bigla itong lumalamlam kapag nakatingin ito kay Sam.     "Mukhang nasa malayo yata ang isip mo baby doll, miss mo na agad yung dela Vega na iyon?"     Mula sa pagkakatitig ko sa labas ng bintana ng sasakyan nag baling ako ng tingin kay daddy. Nag hiwalay na kami kanina ni Jace sa labas ng airport habang kinakalma ito ng kapatid na si Kai. Buti nga sa kanya. Sa tingin ko parurusahan ng tadhana ng bongang-bonga si Jace dahil sa ginawa niya kay Sam at sa pamamagitan iyon ng Mister Cervantes na iyon.     "Dad...be nice to Jace. Kaibigan ko siya." kita ko ang pag asim ng mukha ni dad habang nag di-drive. Mediyo naipaliwanag ko na sa kanya kung bakit kailangan naming mag panggap bilang mag kasintahan sa public pero si dad mediyo may pagka old school din pala.     "Ayoko ng marinig pa iyang kuwento mo na iyan Keira. At sabihin mo kay Jace na kailangan ko siyang makausap, kailangan niyang linisin ang pangalan mo sa lahat. Isa kang Lopez, ayokong madungisan ang pangalan mo." matigas na utos ni daddy.     Napangiti na lang ako at tamang-tama naman ang pag hinto ng sasakyan dahil na ka-red light kaya niyakap ko siya ng mahigpit.     Siya talaga ang nag iisang superhero ko.     "I missed you daddy..." buong pag mamahal kong sabi.     "I missed you too, my baby doll," he answered back and planted a soft kiss above my head.     Nagkasakit ako. Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses ba nilang binuksan ang puso ko sa kaka-opera sa akin nung bata pa ako. I went to a major heart transplant when I was only sixteen years old. Tumigil kami sa Canada para doon ako tuluyang mag pagaling. Akala nila daddy nalimutan ko na ang kabanatang iyon ng buhay ko dahil ni minsan walang nag ungkat pa ng mga alaalang iyon sa pamilya, kahit sila Kyle at Kizsa pa.     Pero buhay na buhay pa rin sa pusong ito ngayon kung ano ang mga nangyari. I want to know him or her. I want to thank the people behind this heart I was having now.   "Kumusta ang Tito Lindon mo?" muling ibinalik ni daddy ang mata sa daan ng tuluyan na kaming makausad. "He's fine. Still the super busy doctor...Kaya nga nagagalit si Tita Felin sa kanya eh. Yakap na din yata nito maging sa pag tulog ang mga instruments niya." biro kong sabi. Daddy just chuckled. Bilin ni daddy na palagi akong bibisita kay Tito Lindon to still monitor my condition. Kahit na sabihing wala na akong nararamdaman kahit na ano, mainam pa rin daw yung nakakasigurado. "He's happy dad. Don't worry."   "Your mom misses you so much, baby doll. Pati ang mga kapatid mo..." Sumilay ang magandang ngiti sa labi ko. Habang papalapit na kami sa subdivision namin, excited na akong makita sila ulit! Mabuti na lang talaga at napilit ko si Jako na umuwi ng maaga.   Kahit mausok ang paligid, sige lang ang langhap ko ng hangin. Sawa na ako sa hangin ng Edmonton. Minsan, kahit na polluted ang hangin ng Pilipinas nami-miss ko din.     This is my home. Always. Pagkahinto pa lang ng sasakyan nag mamadali na akong umibis palabas dito. Hindi ko na pinansin ang pag iingay ni daddy at tinungo ko ang gate saka nag tatakbo papasok. The garden that I used to play on kasama ang mga kapatid ko, yung swing andito pa rin! Isa-isa kong tinignan ang bawat sulok ng kabahayan namin. Isa-isa kong binalikan ang mga masasayang alaala ko dito.   "Ate Keira!" agad akong lumingon at sumigaw ng makita ko si Kizsa. Agad kong tinawid ang pagitan namin saka siya excited na niyakap, "Ang laki mo na! Dalagang-dalaga ka na." mas kamukha siya ni mommy hindi tulad namin ni Kyle na kay daddy nag mana.     "Kizsa! Bumalik ka rito—" Hindi na natapos pa ni Kyle ang sasabihin sa kapatid ng makita ako, "Ate Keira?" para talaga siyang nakakita ng multo, humagikigik ako saka ko kinuha ang phone ko saka ko siya kinuhanan ng picture. Natauhan naman ito ng marinig ang shutter sound saka ako niyakap.   "God! I missed you..." bulong nito sa pagitan ng buhok ko. Tinanggap ko ang init ng yakap niya.   Kinagat ko ang ibaba kong labi at pinigil kong huwag maiyak. Tapos na kami sa kabanatang iyon ng pamilya namin. Tama ng makita ko silang lahat at ngayon, hinding-hindi na ako muling aalis pa sa tabi nila.   "Kapag hindi mo pa ako binitawan Alvis Kyle, ibi-bribed kita at ibabandera ko ang effortless mong picture sa mga fangirls mo." naiiling na lang ako ng agad-agad niya akong pinakawalan habang nanunulis ang nguso.   "Ang sama mo. Na-miss ka lang eh..." nakasimangot pa nitong sabi.     "Balita ko kumikita ka na ng milyones ha..." untag ko sa kanya. Napakamot naman ito sa batok nito. "Asan si mommy?" Excited akong makita siya. Kaya hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at nag tatakbo na ako papasok ng mansyon. Alam ko na kung saan lagi nag papalipas ng oras ang mommy ko.     "Kizsa, tulungan mo na ako dito at malapit ng dumating ang ate mo." dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Likod pa lang niya alam ko na kung ano ang ginagawa niya. She's baking my favorite jamocha almond cake.   Walang ingay kong ginamit ang dalawa kong kamay upang takpan ang mga mata nito. I heard her gasp.     "Kizsa, stop that!" mataray na sabi ni mommy, tahimik lang akong tumatawa dahil konti na lang mapipikon na si mommy.     Cassiedy Hopkins-Lopez, maiksi lang ang pasensya niya sa lahat ng bagay. Maliban sa pamilya niya. She was a self-proclaimed stubborn woman as described by my Tita Amanda, mommy ni Jako. Mag best friend kasi sila.   "Kizsa, I'm not joking...I need to finished this before your sister comes home..." ginagap na nito ang kamay ko na nakatabing sa mga mata niya ng maramdaman ko ang pagkagulat nito. "Oh my God!" dahan-dahan nitong hinaplos ang mga kamay ko. Tumawa siya bigla at ramdam ko ang pamamasa ng mga mata niya sa kamay ko.     "Mom," yun lang ang nasabi ko bago siya tuluyang humarap sa akin na umiiyak na.     "Jazsmine...My princess!" yumakap ng mahigpit si mommy sa akin kaya hindi ko na namalayan ang pagiyak ko. I missed her. I missed daddy. I missed my siblings.     "I thought...mamaya pa ang dating mo..." haplos-haplos pa rin niya ang mukha ko. "Atrasado na nga po kami eh, na ipit kami sa airport ni Jako." sabi ko, bakas sa mukha ni mommy na hindi pa rin siya makapaniwala na andito na ulit ako.     "Tulungan ko na po kayo mom." saka ko inagaw sa kanya ang pang whipped ng batter.     "Nako hindi na hija, ako na. Just go to your room at tatawagin ka na lang namin kapag tapos na ang cake mo. May inaantay pa naman tayong bisita."   "Bisita? Sino naman pong bisita?" curious kong tanong. Akala ko ako lang ang hinihintay nila? At saka pang pamilya lang ang araw na ito diba? I gave Kyle, Kizsa and dad a weird look. "Parating na iyon, babydoll." tukso sa akin ni daddy. Sa diko maipaliwanag na dahilan, biglang nag bago na naman ang t***k ng puso ko at kahit anong sawata ko sa kanya tila ba may sarili itong isip na pintig ng pintig sa taong hinihintay nila mommy at daddy na wala akong ka-ide-idea kung sino naman. "Dapat ba akong kabahan sa mga tingin niyo na iyan sa akin?" idinaan ko na lang sa biro ang kaba na nararamdaman ko.     "No. Mas matutuwa ka pa nga, ate..." Kyle gave me a ridiculous grin na lalong nagpatambol sa dibdib ko.   Ano ka ba heart! Diba nag usap na tayo? Hahanapin natin ang dating nag ma-may ari sa iyo, kaya shut up ka na diyan, please?   "Ah...siguro nga kailangan ko na munang magpahinga, napagod ako sa biyahe." Paalam ko sa kanilang lahat saka ko tinungo ang dati kong silid.     Halos ganito pa rin. Walang pinag kaiba maliban sa nawala na ang mga cartoon character kong mga bedsheets at napalitan na iyon ng plain peach na balot na tinernuhan ng dark peach na kurtina na siyang humaharang sa mainit na sikat ng araw.   Nahiga ako pero hindi pa rin maialis sa isip ko kung sinong bisita ba iyon at bakit kailangan pa siyang maki-share sa home coming party ko? At bakit pati itong puso na ito ang gulo-gulo?   . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .    Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Tinignan ko na wala na palang araw sa labas at pag silip ko sa bedside clock ko.   Eight o'clock.     Shit. Gabi na pala! Ano naman bang nakain ng pamilya ko at hindi man lang nila ako ginising. Wag nilang sabihing wala pa rin yung bisitang hinihintay nila?     Nag inat ako ng sarili ng may mabangga ang braso ko sa matigas na bagay. Lumingon ako dito saka lang halos lumuwa ang mga mata ko.     Loading...     10 %...     Pakurap-kurap pa ako, sinubukan ko ring sampalin ang pisngi ko at baka nananaginip ako ng gising.   30%...     As in hindi ako nananaginip? Andito siya?   50%...   Lalaki… May lalaki sa kuwarto ko!     80%... May lalaki sa kama ko?!   100%...     "Aaaaaaaaahhhh!!!!!" Tili kong sigaw, "Manyak! Manyak ka! Anong ginagawa mo rito!" nagising ko na rin ang diwa ng talipandas na nakiki-agaw ng kama ko.   "Tsk. Ang ingay mo!" tila naalimpungatan nitong wika saka lang ako talaga nahimasmasan ng mapag sino siya.      "Ikaw!?" Sabay naming sigaw sa isa't-isa. "Anong ginagawa mo rito?! At bakit ka nasa kuwarto ko?!" yung dibdib ko halos parang punong-puno na ng hangin sa sobrang gulat ko.   "Tsk." nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang tumayo sa kama ko at mas napatili ako ng makita ng dalawa kong mata kung ano ang itsura niya.   "Aaaaaaaaahhhh!!!! Daddy! Mommy! May hubad sa kuwarto ko!!!!" tumakbo ako papunta sa pintuan at akmang bubuksan ng mas mabilis pa ang ginawa ng lalaking exibisionist na manyak ng ilapat nito ang palad sa pinto at sa lakas niya hindi ko na talaga nabuksan ang pinto ng kuwarto ko.   "Help!!! Daddy!!!! Kyle!!!! Help—" nanlaki ang mga mata ko ng takpan niya ng kamay ang bibig ko at saka idinikit ang likod ko sa dibdib niya.     Oh my God! Pakiramdam ko mahihimatay na ako sa sobrang pag tatambol ng puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi naman kaba ang nararamdaman ng puso ko.     Parang kinikilig pa ito! Yung totoo heart? Diba tayo ang magkakampi?     "I didn't know that you are too loud, Jazsmine." kinilabutan ako at ang lahat ata ng buhok ko sa batok nag sipag taasan ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa likod ko. Pagkakuwan ay tinanggal niya ang takip sa bibig ko at isinandal ako sa likod ng pinto.   "A-ano bang ginagawa mo dito sa kuwarto ko?!" nalilito kong tanong sa kanya. "And please, wear your pants on!" namumula na yata ako habang nagpi-piyesta ang ngayon ay makasalanan kong mga mata sa hubad niyang katawan. Tinawanan niya lang ako saka umiiling-iling na sinuot ang pants niya but leaving his upper body naked. I saw how his upper back ripped muscle flexed at hindi iyon nakakatulong sa pag ayos ng t***k ng puso ko. Damn. Magkaka-heart attack ata ako ng maaga! Ginamit ko ang sandaling iyon para buksan ang pinto para humingi ng tulong ng pag bukas ko ng pintuan tamang-tama namang nasa harapan ko na si mommy.     "Mommy! May lalaki sa room ko!" hiyaw ko na pag susumbong.     "Oh! You meet our visitor. Railey, siya pala si Jazsmine."     Napauwang ang bibig ko at itinikom na lang din ng wala akong maisip na sabihin. Pinag palit-palit ko lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. No. It can't be.     Siya ang bisita namin!     Railey James Cervantes?!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD