CHAPTER 2

1361 Words
  "Angel..."     Pilit kong inaaninag ang mukha niya pero hindi ko talaga makita.     "Mahal kita Angel..."     Naglalagos ang tinig niyang iyon hanggang sa kaibuturan ng puso ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi makaramdam ng tuwa.     "Angel! Baka kung mapano ka!" Nag-aalala at humahangos ang boses nito habang papalapit sa akin.     "Huwag mo akong iwan. Please..."     Bakit ganon? Naiiyak ako? Gusto kong sabihin sa kanya na andito lang ako, pero hindi kayang gumalaw ng katawan ko.       "Angel...."   . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .  Agad akong napamulat ng mga mata. Iyon na naman yung panaginip na iyon. Umayos ako ng upo saka sinipat si Jace sa tabi ko. Humugot ako ng malalim na hininga habang pinag mamasdan ko siyang nakatingin lang sa malayo. Pinilit ko siyang umuwi dito sa Pilipinas. Gusto kong tuparin niya ang pinangako niya kay Sam noong mga bata pa kami. Alam kong hindi niya pa iyon nalilimutan. Sa tagal na naming magkakilala hindi ko na nabilang kung ilan na ang naging girlfriend ng mokong na ito. Pero ni isa man doon wala siyang sineryoso. Perhaps he was still in love with that sweet, beautiful, innocent girl he left when he was nineteen. And I want to help him. I want to help them.     "Anung plano mo pagkatapos nito, Jako?" Inayos ko na yung seatbelt ko gaya ng utos ng crew ng eroplano.     "Wala."     Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, "Anong wala? Andito ka na sa Pilipinas, magagawa mo na ang dapat na ginawa mo four years ago." tuya kong sabi sa kanya. Hindi ako tangang katulad niya no. Alam ko namang kung may pagpipilian siya noon, hindi niya gagawin ang iwan ang babaeng pinakamamahal niya. Jace's a hopeless romantic guy.     "Things has changed, Jazs." makahulugan nitong sagot sa akin.     "Maloloko mo ang iba pero hindi ako Jace, kilala kita hanggang sa amoy ng utot mo. Kaya huwag mo akong subukan." Pinag-lololoko ba niya ako? E kahit naman grade one na bata alam kung ano ang sagot sa mga tanong niya noon pa lang eh.     "Ano pa bang gusto mo Jazsmine? Sinunod ko ang kasunduan natin ng tulungan mo ako. Here I am, making my me step in this land. Again. Aayusin ko lang ang problema natin at uuwi na rin ako ng Canada. Andoon na ang buhay ko." Kahit kelan talaga, denial king itong hayop na ito. Siya na nga yung tinutulungan ang arte pa!     "So, kung ganon naman pala ang plano mo. Mabuti na ring kausapin mo si Sam, linawin na ninyo ang tungkol sa inyo. Have closure Jace, so that my friend can move on and have her life of her own." angil ko sa kanya. Pinag salikop ko ang mga braso ko saka naiinis na tumahimik na lamang. Hindi na rin nagsalita si Jace. Mabuti naman yon, dahil hindi rin naman siya mananalo sa akin.     Ako yata si Jazsmine Keira Lopez. Palaban ako. Mula bata ako iyon na ang ginagawa ko. Theme song ko ang kanta ni Cristina Aguilera na Fighter. At wala pa akong laban na natalo ako. Maliban sa isang bagay na nag pagulo sa akin simula ng magising ako sa ospital matapos ang heart transplant ko. Creepy to say pero pakiramdam ko, hina-hunt ako ng taong nagmamay-ari ng pusong ito. Dinama ko ng marahan ang kaliwang bahagi ng dibdib ko.     Bakit ganon na lang ang mga panaginip ko? Diba dapat pagkatapos mong magising sa panaginip mo halos wala ka ng matandaan? Ibang kaso ang nararanasan ko dahil malinaw na malinaw ang sinasabi ng lalaking iyon sa panaginip ko.     Angel...Mahal kita Angel...     I shook my head vigorously saka nagsimulang kumilos ng tuluyan na kaming makalapag sa lupa. Pansamantala kong isinantabi ang mga iniisip ko. Abo't-kamay ko na ang mga sagot sa mga tanong ko dahil nasa Pilipinas na ako. I will asked my daddy. I will, and I will not stop hanggat sa hindi niya sabihin sa akin ang totoo.     "Andiyan na daw si Kai sa arrival area, siya ang susundo sa iyo kasi daw si Tito Jake may meeting pa daw." tunghay ko kay Jako habang sinusundan lang niya ang lahat ng kilos ko.     "How about you? Sasabay ka ba sa akin?" tanong niya sa akin ng tuluyan na niyang binuhat ang mga gamit ko.     "Nope." Iling ko, "Daddy is waiting for me, he's outside na rin." pilit kong kinuha sa kanya ang mga gamit ko pero isang matalim lang na tingin ang isinukli niya sa akin. Sinimangutan ko na lamang siya dahil hindi rin naman ako mananalo sa kumag na ito. "Kaya ko Jako, huwag kang praning diyan." asar kong turan.     Ever since my operation at tuluyan na akong makapag-adjust wala pa rin ipinagbago ang mga tao sa paligid ko, parati pa rin silang nakaalalay sa akin which is not good for me. Hindi na ako iyong batang babae na madaling hingalin, mamutla at maya-maya ay mawawalan ng malay.     "Kahit na, ayokong napapagod ang fiancée ko." Pabiro nitong sabi.     "Gago." asar kong sabi sa kanya. Pero tinawanan lang niya ako. Adik ka talaga Jako. Totoo na kayang naaasar na ako, akala mo ba loko pa rin ito? "Daddy wants to talk to you, siguro about what he had heard in the news." That was the reason. Kung bakit napaaga ang plano namin ni Jako na bumalik ng Pilipinas. Nagkakagulo na ang mga matatanda dito dahil sa nabalitaan nila tungkol sa amin. E pano ba naman, kung hindi ba kasi bopols itong lalaking ito, nuncang mapupunta kami dito sa ganitong situwasyon.     Kulang na lang magpakita kami ni Jako ng mga wedding pictures para lang maniwala si Jessie at ang mga magulang nito. Natuluyan tuloy kami ni Jako mag gawa ng act sa public. Nagpa-presscon siya at doon in-announced na engaged na kami. The night of that, umuusok na ang mga telepono namin sa kakatawag ng mga magulang namin.     "Don't worry brat, aayusin ko ang lahat." seryoso niya sa aking sabi.     Duh! Alam ko namang walang hindi malulusutan itong si Jako. Tinagurian siyang isa sa mga pinaka-clever businessman of his generation. Sisiw na lang ito sa kanya. Wala din naman akong paki sa mga balitang iyan. Because I know for a fact that I was not and never will be, in love with this bull.     "f**k! Jazsmine, bakit nila nalaman ang pagdating natin?!" inis na singhal niya sa akin. Tinignan ko ang tinutukoy niya.     Press!     "I don't know Jace, hindi ako sira–ulo para ipag sabi ang pagdating natin no dahil alam kong ganito ang mangyayari." balik kong sagot sa kanya.     “The Hotel Magnate, Jace Kristofer dela Vega is right here now at the Ninoy Aquino International Airport, and with him was the rumored girlfriend Jazsmine Keira Lopez.”     "Damn, move brat or else dadagsain tayo at kakainin ng buhay." halos kaladkarin na niya ako papalabas ng airport para makaiwas kami sa mga reporters kaso bigla ring tumalima ng may marinig kami ni Jace.     “Masiyado tayong mapalad ngayong araw na ito mga kapuso dahil sa naglalakihang mga tao na halos sabay na dumating sa Pilipinas. Abot-tanaw na natin ang paparating na Business Tycoon na si Railey James Cervantes and there! Look! He was warmly welcomed by the ever-gorgeous, Ms. Summer Vienne Saavedra.”     Natigil si Jako sa pagkaladkad sa akin the moment he heard the name of Sam. Ako din ay biglang nahinto ang mundo when I heard who's the man they're talking.     Railey James Cervantes.     Ipinilig ko ang ulo ko para alalahanin kung saan ko ba narinig ang pangalan na iyon. I know that name, hindi ko lang alam kung saan o kailan. Pero sigurado ako, pamilyar sa akin ang pangalan na iyon.     "Jace." worried ako sa hitsura niya ng makita ko siya. He was furious.     Nagulat na lang ako ng mag about-face siya at tinutungo na niya ngayon ang kinalulugaran nila Sam at Railey James Cervantes. Naiinis akong sinundan na lamang siya dahil ayokong mapahamak siya sa padalos-dalos niyang desisyon. Unang araw pa lang niya sa Pilipinas ha?     Habang papalapit ako sa kanila nagiging iba ang pakiramdam ko. Parang yung dibdib ko sasabog sa sobrang excited.     Ano bang nangyayari sa akin?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD