CHAPTER 4

2155 Words
Nakasimangot pa rin ang mukha ko na dumulog sa hapag kainan. Bakit wala man lang nag inform sa akin na dito tumutuloy ang hinayupak na guwapong nilalang na ito? At talagang sa kuwarto ko pa talaga siya natutulog!     "As I have said a while ago, babydoll. Railey is your childhood friend. Kung hindi mo natatandaan siya yung nakahanap sayo nung mawala ka." napatango na lang ako kay daddy. Three times na nga niya yata binanggit iyang kuwento na iyan sa araw na ito.     Lihim kong pinag masdan ang lalaking tinutukoy nilang childhood friend ko. Sarap na sarap siyang ngumunguya sa mga pagkaing niluto ng mommy ko.     Kapal! PG lang…     Actually, hindi ko masasabing childhood friend ko siya. Porke ba nakita niya akong nawawala sa park kaibigan ko na siya? Eh, after nga ng insidenteng iyon never ko na siyang nakita ulit eh. Tapos ngayon, iginigiit nilang lahat na mag kababata kami? Anu ba?!     Ito? Itong lalaking, brown ang mga mata na may matangos na ilong at may manipis at pinkish na labi? Itong may six-pack abs na ito at may makapal at hot na bigote, childhood friend ko? No way!     Agad akong nag bawi ng tingin ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Yung puso ko feeling ko lumulundag sa excitement sa simpleng pag titig niya sa akin. Langya!   Nakakainis! Bakit ba ganito na lang ka-eksahirado ang t***k ng puso ko?   Muli ko siyang tinignan pero parang luluwa na talaga ang pusong ito ng kindatan niya ako. Walanghiya! Sa sobrang hiya ko napasubsob na lang ako sa kinakain ko at hindi ko namalayang naubos kong lahat ang pagkain sa plato ko.   "Hindi ko alam na inampon na pala ni daddy ang lalaking iyon." puno ng pang uuyam na tanong ko ng maiwan kaming mga babae sa kitchen para mag linis ng mga plato.   "Jazs, it's not what you think. Railey is a nice man. Tumutulong siya sa daddy mo sa mga negosyo ng pamilya." iyon ang paliwanag ni mommy sa akin pero hindi ko magawang maniwala. Duda ako sa kapal ng bigote niya.     "He's daddy's ex-girlfriend's son ate." nanlaki ang mga mata ko sa tsismis nani-share ni Liv sa akin.   "Mom!" napamaang ko na sabi pagkaharap ko sa kanya. Pero hindi man lang siya natinag sa pag pupunas ng mga nalinis na baso. "Why did you let him come inside our house pano kung...papano kung—"     "Walang kasalanan si Railey kung naging anak man siya ng ex-girlfriend ng daddy niyo."     "Is he...Is he's d-daddy's?" hindi ako makakuha ng maayos na term sa gusto kong itanong sa kanya. Paano kung anak pala siya ni daddy sa babaeng iyon?   "No! Of course not, princess. Hindi siya anak ng daddy niyo!" irap na sagot ni mommy sa akin.     Nakakainis! Bakit ko ba naisip ang bagay na iyon? Bakit naisip kong magagawa ni daddy kay mommy ang mag taksil? "P-pero bakit? Bakit siya malapit kay dad?" naguguluhan pa rin kong tanong. Hindi ko maiwasang hindi mag taka. Bakit sa dinami-dami ng puwedeng makisosyo sa negosyo namin, bakit si Railey Cervantes pa?     "Your dad has a special bond with Railey, kahit noon pa. He treated him as his own son. Masiyadong kumplikado ang kuwento na iyon anak...Ah basta! Ngayon, Railey is part of this family." matapos sabihin iyon ni mommy, naiwan kaming dalawa ni Kizsa na puno ng katanungan sa isa't-isa.     . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .    "A penny for your thoughts?" umikot ang mga mata ko ng marinig ko ang boses niya.     "Pati ba naman dito kailangan sundan mo ako?" naiirita kong sagot.     "Hinahanap ka ng daddy mo..." Tumayo ako at akmang aalis ng hinatak niya ang braso ko.   "Saan ka pupunta?" kunot noo niyang tanong. Bigla na naman ang naging pag babago ng t***k ng puso ko. Hindi dahil sa malamig na boses niya kundi dahil sa init na naglalandas sa katawan ko dahil sa pagkakahawak niya sa akin.     "A-aalis. It seems hindi ko makukuha ang katahimikan dito." mataray kong sagot sa kanya at saka tinangka kong bawiin ang braso ko na hanggang ngayon ay hawak pa rin niya.     "Bakit ba ang sungit mo!?" mataas ang boses niyang tanong.     "Bakit ka sumisigaw?! B-bitaw. Anu ba!" isinama ko na ang isa kong kamay sa pagkalag ko sa kamay niya pero kinuha din niya ang isang kamay ko kaya nakagapos ako ngayon sa kanya. "A-anong ginagawa mo?" hintakutan kong sabi.     "Pakasalan mo ako." nanlaki ang mga mata ko na para siyang nakapag bitaw ng nakakabaliw na salita. "Nababaliw ka na ba?!" singhal ko sa kanya. "Pakawalan mo ako, ano ba! Rai-Railey!" pagpupumilit ko pa rin. Ang kaninang matapang niyang mga mata ay biglang lumamlam saka niluwagan ang hawak niya sa akin. "My name sounds so sweet in my ears kapag ikaw na ang nag sasalita, Keira." he said softly. Sa isang iglap parang napaso ako sa sarili ko sa sobrang init ng pakiramdam ko. "You saw me naked. Dapat panagutan mo ako. Strict kaya ang parents mo."   "T-tan…tantanan mo nga a-ako puwede ba." I actually had the guts to stammer. Siya kasi eh. Ginugulo niya ako--nagugulo niya ang mundo ko. Lakas ng tawa niya ng makita ang pamumutla ng mukha ko. Tamang trip siya talaga eh. Hindi lang siya mas malaki sa akin kanina ko pa siya sinuntok. Napipikon pa rin akong tinalikuran siya.     "Keira, sandali!" habol nitong tawag sa akin. Napahinto ako sa paglalakad at saka siya nilingon. "Alam kong ayaw mo ang presensya ko dito ngayon. But believe me, it’s for the best." pormal niyang turan sa akin.      Akala ko si Jako malala na ang saltik sa ulo. May mas ilalala pa pala itong lalaking ito. Obvious na ayoko siyang makita dito. Unang pagkikita pa lang namin sa airport alam ko ng may warning sign ng nakapaskil sa noo niya kung lalapit ako. Kaso anu ba naman itong pagkakataon na ito at talagang pinag bubuhol kaming dalawa sa isa't-isa.   Umiwas na ako simula ng gabing iyon. Kahit sabihan pa niya akong bratinela wala na akong pakialam. Feeling-ero siya. Anung for the best, for the best na sinasabi niya? Nakikitulog na nga siya dito sa amin yun ba ang for the best? Siguro naman may bahay siya or condo. Mukha naman siyang hindi nag hihirap eh.     "Jazs, hindi ka pa ba tapos mag ayos? Mali-late na tayo sa party." katok na sabi ni mommy. Anniversary ng parents ni Summer at imbitado ang pamilya namin. "Mauna na kayo mom. I'll bring my car." sigaw ko. Sa totoo lang gusto kong sumabay kaso naman ayokong makita na naman ang pagmumukha ng Railey na iyon. Ang hirap kaya siyang iwasan. Ilang araw na rin ako dito sa mansion at ganon din siya. Hindi ba siya hinahanap sa kanila? Nakakalabas lang ako kapag pumupunta siya sa opisina niya eh at ang aga pa niyang umuuwi.     Kumilos na ako para mag umpisang mag ayos ng biglang tumunog ang phone ko.   "O, bakit na naman?" maanghang kong sagot sa tawag. Nag register pa lang ang pangalan ni Jako sa telepono ko alam kong may kailangan na naman siya sa akin. Hindi puwedeng wala. Ang lalaking katulad niya mang gagamit ng pagkakaibigan, abusado.     "Where are you?"   "Sa bahay...nag aayos...pupunta sa party ng mga Saavedra." putol-putol kong sagot.   "I need you to do something, brat."     "Hindi puwede, pass muna ako sa kalokohan mo Jako." umiiling kong sabi.     "No, Brat. I need your help. Please naman..."     Tumaas ang kilay ko sa ka-frustrated-an ng boses ni Jako sa kabilang linya. Mukhang desperado talaga ang gago. Never siyang humingi ng pabor sa akin na nag please pa siya. Una ito. At kung makikita ko lang siya ngayon. Aasarin ko talaga siya.     I sighed. "What do you want me to do?" suko ko ng sagot. Anu nga ba ang choice ko kung tatanggi ako sa kanya?   "Gusto kong hindi makapunta si Railey sa party."     "What! Ano? Pakiulit nga ng sinabi mo?!" nabibingi na ata ako sa dami ng nainom kong kape.     "I want you to do something...anything, brat. Para hindi siya makarating sa party. Gusto kong masolo si Sam sa gabing ito. Just keep him company."     Napasalampak ako sa kama ko at hindi makapaniwalang um-oo ako sa plano niyang ito. Iniiwasan ko nga siya tapos aaliwin ko pa siya ngayon para hindi makarating sa party?   Buwisit ka talaga dela Vega! Buwisit ka!     Napakamot ako ng madiin sa ulo ko. Nakakainis naman talaga. Ano ba itong napasukan ko? Mabilis akong nag isip ng plano kung papaano ko maisasakatuparan ang maitim na balak ni Jako ng sakto namang pagkakita ko sa gulong ng kotse ko, flat tire!     "Nakupo naman!" nasapo ko ang noo ko sa tindi ng inis ko. Bakit ba ang sama ng araw ko ngayon? Lumabas ako ng kotse ko at saka pinamaywangan ang flat kong gulong, as if naman kung tititigan ko siya lolobo siya diba?     Nakapamaywang akong nag ti-type ng number sa cellphone ko para sa pag to-tow nila ng sasakyan ko. Hindi ko na pinansin yung sasakyan na kaninang bumusina sa akin. Mainit kasi ang ulo ko.   "Keira, may problema ba?" Agad akong napasinghap at bumilis na naman ang pag t***k ng puso ko ng makita ko siya. He is dashingly hot on his suit and tie at kahit na makapal pa rin ang balbas sarado niyang mukha bakit hindi masagwang tignan? Nag mukha pa siyang sobrang hot.     "Ahm, Keira, iyong bibig mo, nakanganga." namumula ang mukha kong umayos saka nilakipan ng katarayan ang boses ko.     "Anong ginagawa mo rito?" nagkibit balikat lang ito sa pinakita kong katarayan.     "I was about to go to Sam's parents' anniversary party ng makita kita dito. Tumirik ba ang kotse mo?" nakita ko ang pag inspeksyon niya sa kotse ko, "Flat yung gulong mo. Papano ka ngayon pupunta sa party?"     "I-I'll just ride a taxi." umingos ako ng tingin sa mga dumadaang sasakyan, baka sakaling may dumaang taxi. "Hindi masamang magtaxi, Keira." sabi nito ng lumapit siya sa akin. Tumabi siya at sumandal sa kotse ko saka nagsalita uli, "Kaso ang mahirap, papaano kung modus ang taxing nasakyan mo? May mga nababalitaan ako sa tv na after nilang nakawan yung pasahero nila, pinapatay." nanindig naman ang balahibo ko sa kuwento niyang iyon.   Ayoko pang mamatay no! May hahanapin pa ako. Napakagat ako sa labi ko ng naramdaman ko siyang lumakad pabalik sa kotse niya.     No. Hindi ito maaari. Hindi ako maaaring humingi ng pabor dito sa lalaking ito. Lahat ng efforts ko sa pag iwas sa kanya, mababaliwala ng parang bula lang!     Kaso nga paano kung totoo yung kinuwento niya? Papaano kung holdaper yung taxi driver na masakyan ko tapos patayin ako after niya akong hold-up-in?   Naiipit ako sa inuutos ng utak ko at sa sinasabi ng pride ko. Nakakainis naman kasi. Bakit ba ang malas-malas ko ngayon? Tapos kailangan ko pa siyang lansiin para kay Jako.     Natigilan ako. Speaking of Jako, yung bilin niya sa akin! Bago pa ako matauhan, narinig ko na ang rebolusyon ng sasakyan ni Railey. Aba't ang bakulaw na ito, talagang iiwanan akong mag isa sa daan?! Nag mamadali kong kinuha yung purse ko saka hinabol ang papausad na niyang sasakyan.   "Sandali! Railey, sasakay ako!" habol kong sigaw habang tumatakbo ako. Hinihingal na ako at pinapawisan na ang kilikili ko. "Railey! Aaayy!!!" Napakukot ako sa sobrang sakit ng matapilok ako. Nakita ko ang nasirang heels ng sapatos ko. Halos maiyak na ako sa sobrang kahihiyan at sa sobrang kirot ng paa ko ng may umuklo sa harapan ko.     "Bakit mo kasi hinabol yung sasakyan ko?" naningkit ang mga mata ko sa sinabi niyasaka ko siya hinampas sa braso.   "Gago ka ba?! Natural hinabol kita, ang gentleman mo kasi masiyado eh." pang iinis kong hiyaw sa kanya.     "Eh, sabi mo mag ta-taxi ka na lang?"     "Salamat sa’yo at sa kuwento mo kanina, nag bago na ang isip ko!" sinamaan ko siya ng tingin, "Anu pang ginagawa mo diyan, tulungan mo akong tumayo!" ang kirot-kirot ng sakong ko at pakiramdam ko napilayan yata ako. Napatili na lang ako ng bigla nito akong pinangko. Yung kakaibang t***k na naman ng puso ko heto na naman. Halos hindi ko alam kung ano ang una kong hahawakan. Yung dibdib kong halos sumabog na sa sobra nitong pag t***k o kakapit ba ako sa kanya para hindi tuluyang malaglag.     "Call your mom and dad, tell them hindi tayo makakapunta." seryoso niyang utos sa akin, "And please, hold on to me babydoll baka ka mahulog." Atubili man pero sinunod ko ang inuutos niya sa akin. Ipinulupot ko sa leeg niya ang mga braso ko. Hindi ko maipaliwanag ng biglang tumigil ang malakas na pag kabog ng puso ko and somehow, naging payapa ang pag t***k nito. Ngayon ko lang naramdaman ang bagay na ito.     After so many years na magising ako mula sa pagkaka-opera ko. Nakaramdam ako ng kapayapaan ng loob.     Within Railey's arms.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD