CHAPTER 5

1542 Words
Alinlangan man ay tinanggap ko na rin ang isang tasa ng gatas mula sa kanya.     "T-thanks." pagkasabi ko non ay saka ako sumimsim. The warmth I felt soothed and calmed my clouded mind.   Iniwan niya ako sandali sa living room kaya malaya kong napag masdan ang condo unit niya. Maayos sa gamit si Railey. Ordered ang mga kasangkapan na halos pulos black and white ang kulay. Malaki rin ang space ng unit niya para sa tulad niyang nag iisang anak.     Napatikhim ako saka napatitig sa hawak kong mug ng gatas. Hindi ko lubos maisip na aabot na si Jako sa pag gawa ng kagaguhan na ganito para lang kay Sam. Mabuti na lang at naki-ayon ang tadhana sa akin at least hindi ako masyadong nahirapan at nag mukhang trying hard para lang hindi makapunta ng party si Railey.     "How's your leg, now?" napaangat ako ng tingin sa kanya saka lang natulala ng makita ang itsura niya. Natanggal na ang kaninang coat nito at pati na rin ang pang loob niya. Naka topless siya at kitang-kita ng dalawang nag luluwaan kong mga mata ang ganda ng hubog ng katawan niya.     "B-bakit? B-bakit ganyan ang...ayos mo?" hindi ko malunok ang laway ko habang nag sasalita. Wala ring tigas ang pag kakasabi ko non. Nakakahilo naman kasi eh, hindi ko alam kung saan ko ipapaling ang tingin ko. Sa kisame ba o sa kahali-halinang katawan niya?   "As if hindi mo pa ako nakikitang hubad, Keira." pilyo nitong sabi saka umuklo sa harapan ko. Napangiwi ako ng bumalik na naman sa akin ang naging tagpo sa room ko noong pangalawa naming pag kikita na nakapag patayo ng balahibo ko.   "T-teka, s-sandali anong ginagawa mo?!" nahindik ako ng lumuhod siya sa harapan ko at saka inangat ang natapilok kong sakong. "No. H-huwag na—Ouch!" naluluha kong sigaw ng maramdaman ko ang pag diin niya sa parteng iyon ng paa ko.   "We need to treat that damn sprain, babydoll." titig na titig niyang sabi sa akin tapos ay saka inumpisahang dampian ng ice pack ang paa ko.   Nakatulong ang lamig na nagmumula sa yelong idinantay nito para pamanhidin ng tuluyan at mawala ang kirot sa paa ko. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang hindi maipaliwanag na init sa katawan ko na hatid naman ng pag dantay ng mga kamay ni Railey sa balat ko. Sa maiksing panahon na nakita ko at nakasama si Railey, nagagawa niyang sirain ang magandang t***k ng puso ko. Hindi ko malaman kung bakit ganun na lang kung makapag-react nito sa tuwing nakikita siya.     "I-I'm sorry..." nahihiya kong sagot. He glanced at me and smirked.     "For what?" Taka nitong tanong.   "F-for trapping you now. Here? Hindi ka tuloy nakapunta sa anniversary party." Okay. Nakukunsensya na ako, aminin ko man sa hindi. Sa nakikita ko kay Railey, at sa pag tulong niya sa akin na kahit medyo hindi maganda ang trato ko sa kanya sa duration ng pagtigil niya sa bahay namin, hindi niya ako natiis na hindi tulungan.     Nagkibit-balikat lang siya sa sinabi ko saka inabala ang pag hilot at pag lagay ng yelo sa na-sprained kong paa.   "Don't feel guilty, you're just doing your friend a favor."      "A-anong sabi mo?" nagtaka ako kung bakit iyon ang nasabi niya. Nag angat lang ito ng tingin sa akin na may seryosong anyo.     "Sa susunod, kung gusto ako ni Jako na huwag makipag kita kay Sam, tell him to confront me hindi iyong gagamitin ka niya para lang sa pan sariling interest. I don't like using woman." matigas niyang turan. Napanganga ako at hindi nakapag salita.     Was he been eavesdropping ng mag kausap kami ni Jako kanina?   "I... I d-don't understand what you are t-talking about..." hindi ko magawang salubungin ang mapang usig niyang mga tingin. Napag hahalata akong guilty pero nuncang aamin ako. Narinig ko ang malakas na pag buntong-hininga ni Railey bago binitiwan ang paa ko.   "Hindi ako ipinanganak kahapon, Keira. Kilala ko si Jako, hindi sa personal na aspeto pero alam ko ang lahat tungkol sa kanya dahil ikinu-kuwento siya sa akin palagi ni Sam. At alam kong bumalik siya para kuhanin ang sa kanya. Sam had suffer enough, kaya kung sasaktan niya si Sam pahihirapan ko siya." malamig nitong turan.   Kumislot ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag pero nakaramdam ang puso ko ng hapdi at kirot ng marinig ko si Railey at kung gaano siya ka-protective kay Sam. Nalulungkot ang puso ko. Bakit? Hindi ko rin alam. Inalis ko ang paa ko sa lap ni Railey at kahit na medyo makirot pa ang paa ko, pinilit kong tumayo, kumapit ako sa may sofa para maibalanse ko ang katawan ko at hindi ako matumba.     "Hey, huwag mong piliting tumayo." utos nito sa akin pero hindi ko siya pinakinggan. "Keira, ano ba?!" singhal nito sa akin.     "Wala akong alam sa mga binibintang mo." Well, naiinis ako sa kanya. So might as well panindigan na lang ang lahat. "Uuwi na ako, salamat sa tulong mo." malamig kong sagot sa kanya at sa paika-ikang paraan ng pag lalakad ay buo ang pasya kong umuwi.     Oo pumayag ako sa gusto ni Jace pero hindi ko naman sinadya ang pangyayaring ito. Hindi kaya ng puso ko ang marinig pa siya kung paano niyang sambahin si Sam. Alam kong mali, alam kong wala akong karapatang mainis kaso iba ang ginagawa ng puso ko sa akin. Sa isang banda, bakit ba ako naiipit sa sitwasyong ito? Hindi ito ang dahilan ng pag uwi ko. I am here for another valid reason at hindi kasama ang makaramdam ako ng ganito sa isang estrangherong katulad niya.   Sa maling pag tapak ko sa may sprain kong paa ay agad akong nawalan ng balanse pero andyan agad ang bisig ni Railey na umalalay sa akin. Sa isang iglap ay napangko na niya ako.     "R-railey, ibaba mo ako!" hiyaw ko sa kanya.     "No."   "I said, ibaba mo ako! Uuwi na ako!" nag sisisigaw kong sabi habang sinusuntok ko ang dibdib niya. Naiinis ako! Hindi ko alam kung bakit pero naiinis talaga ako sa kanya!   "There." napatili ako ng ibalibag niya ako sa kama, tinaliman ko siya ng tingin pero hindi niya ako pinansin. "Walang uuwi." matigas niyang sabi kasabay ng marahas na pag taas-baba ang nakita ko sa dibdib niya.    "At sino ka para utusan ako?" puno ng inis at sarkasmo na sabi ko pabalik. Marahas ang naging pag sabunot ni Railey sa sariling buhok.     "For God's Sake, Keira. Puwede bang maging reasonable ka at ipag pahinga mo yang paa mo?! You're hurt!" he growled at me. Napatawa ako ng pagak.   "Alam mo, hindi kita maintindihan? Kanina pinag bibintangan mo akong nakipag-conspire kay Jako para hindi mo makita si Sam tapos ngayon naman nag aalala ka sa akin? Alam mo, ang gulo mo!" sigaw ko sa kanya. "Para maliwanagan ka, hindi ako tanga para magpagamit kay Jako. May sarili akong utak at isip. At kung tulungan ko man siya e, anu naman sa iyo? For the first place si Sam ay para na talaga kay Jako, extra ka lang sa kuwento! Duh!" inirapan ko siya saka pinag krusan ng braso.   "Edi inamin mo ding nakipag sabwatan ka?" isang nakakalokong tingin ang ipinukol niya sa akin.     "Wala akong inaamin! It's...just hypothetical!" Pinanlakihan ko siya ng mata. Nag pupuyos ang damdamin ko sa sobrang pagkainis sa kaniya. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.     Bakit ba ako nagkakaganito?   Sinubukan ko muling bumaba ng kama para ituloy ang naudlot kong pag alis pero nasa harapan ko na agad siya. Nakatayo at hinaharangan ang dadaanan ko. Bigla na naman ang pag arangkada ng mabilis na pag t***k ng puso ko ng maramdaman nito ang malapit na distansya namin sa isa't-isa.     "T-tumabi-tabi ka diyan." natutuliro kong sabi. Hindi na maganda ang ginagawa ng presensya ni Railey sa puso ko. Nakakatakot na.   "Keira…"     Sa isang iglap ay napag tama ni Railey ang mga mata namin. Yung tingin niyang iyon ay parang napaka-pamilyar sa pakiramdam. Natigilan ako at parang nagagawang mahipnotismo ng malalamlam niyang mga mata ang isip ko. Naramdaman ko ang pag alalay ng mga kamay niya sa baywang ko para tuluyan na akong makaupo sa gilid ng kama. Masuyo niyang pinag masdan ang mukha ko at ng hindi na ito nakuntento, napaigtad na lamang ako ng haplusin niya ang pisngi ko.     "Just, let me take care of you now. Please..." ilang beses akong napakurap dahil sa sinabi niya. Parang hindi na kayang i-digest ng pagkatao ko ang mabilis na pang yayari.   Ang sarap sa pandinig nung sinabi niyang gusto niya akong alagaan. Sa isang iglap, yung puso ko na feeling ko ay nag wawala kanina ay parang naging active sa pakikinig at gusto ng mag participate sa mungkahi niya. Namalayan ko na lang ang aking marahang pagtango. Nakita ko ang kasiyahan sa mata ni Railey sa ginawa ko at saka niya ako tinulungang humiga. Nagawa pang pumikit ng mga mata ko para damdaming maigi ang sandaling ito. Ako, si Railey, at ang hindi ko maintindihang damdamin para sa kanya.   It was so weird.     "Mag pahinga ka muna, I'll just call your parents." nakuryente pa ako sa biglang pag hawi niya sa buhok ko.   "Sleep babydoll." iyon ang huling narinig kong bulong niya sa akin bago ako hinatak ng antok.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD