Hindi ko mapigilang maiyak habang inaalala na halos gahasain ako ng taong itrinato kong ama ko na. Naging mabuti naman siyang ama sa aming magkakapatid. Nito lamang siya nag-iba nang malulong sa alak. Hindi ko alam kung alak lamang ba ang dahilan. Lumabas ako banyo matapos kong makaligo at makapagbihis. Nagulat pa ako nang makita ko si Sir Hati na nakaupo sa kama ng silid. “Sir?” May kailangan kaya siya? Wala naman akong karapatang paalisin siya rito dahil kanya naman ito. Nakikituloy lamang ako ngayon. “I called the police. They are on their way to fetch your stepfather. You don’t have to worry anymore,” sabi niya sa akin. Tumingin siya sa akin at ngumiti, isang ngiting nakakakilabot. “Sisiguraduhin ko na mabubulok siya sa kulungan, Adira.” Tumango ako sa kanya at nagdesisyon na magtu